3rd person's POV
Kanina pa hindi mapakali si Andrew kakaisip kung pano siya mapapatawd ni Gabby dahil sa nagawa niya. Nagsisisi na siya ngayon dahil sa kalokohang ginawa niya kanina sa locker room.
Flashback
Andito kami ngayon ni Gabby sa locker room. Ako ang taga bantay sa mga taong papasok samantalang sinusubukan naman ni Gabby na buksan yung locker ni Angela. Pano kasi, dahil sa pagmamadali kong mailagay yung letter na para kay Jenny, dun sa locker ni Angela ko nailagay. Kaya to the rescue ang aking bespren.
Habang nag aantay ako dito sa may pintuan, natanaw ko sila Angela at Jenny nalalakad palapit dito. Patay! Pano na yan?
"Gabby, Sila Jenny paparating" Sabi ko sakanya ng may mahinang boses! Lintek. Ayan na sila. Ano na gagawin ko? Bahala na!
Nagtago naman ako dito sa room na katabi lang ng locker room. Pag silip ko, nakita kong nakapasok na sila Jenny sa locker room kung nasaan si Gabby. Lumabas na ako ng room at sumilip sa loob ng locker room, at mula dito nakikita ko si Gabby na hindi mapakali sa habang kausap si Angela. Pffft! Hindi na maipinta yung mukha ni Gabby sa mga oras na ito.
Dali dali na rin akong naglakad palayo ng makita kong umalis na si Gabby sa harap nila Angela. Magtatago muna ako. Paniguradong makakatanggap na naman ako ng sapak galing sakanya. Brutal pa man din siya. HahahaEnd of flashback
"Pupuntahan ko nalang siya bukas ng maaga sa bahay nila" Sabi niya sabay higa sa kama niya.
**
"GOOD MORNING FRI--" Naputol ang sasabihin ni Gabby ng bumukas ang pintuan niya at iniluwa ang lalaking sumira ng araw niya kahapon.
"Good morning bespren!" Nakangiting bati niya sa dalaga.
"What's good in the morning kung ikaw agad ang makikita ko?!" Sabi niya habang nakatayo at naka crossed-arms.
"Hayst! Umagang umaga ang init agad ng ulo mo. Maghilamos kana. Kanina pa nakaluto si Nanay rosa. Antayin kita sa baba" Sabi ng binata at akmang aalis na siya ng magsalita ang dalaga.
"Hoy Brioness! Sinira mo na nga yung araw ko kahapon, pati ba naman ngayong araw na to? At balak mo pa talagang maki-Asdfghjkl" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng biglang takpan ng binata ang bibig ng dalaga gamit ang kamay niya.
"Ang dami mong sinasabi. Mag mumog ka nga muna" Sabi ng binata. Dahil sa sinabi niya, nainis si Gabby at bigla niyang kinagat yung kamay ni Andrew.
"Araaaay! Gabby, bitaw na. Ang sakit. Araaaay!" Sigaw ni Andrew habang pilit na binabawi ang kamay niya na kagat kagat pa din ni Gabby.
Nakaramdam naman ng awa si Gabby para sa kaibigan na halos mangiyak iyak na dahil sa sakit. Kaya pinakawalan na niya ang kamay ni Andrew mula sa pagkakakagat niya.
"Grabe ka Gabby! Ang sakit tsaka *biglang amoy sa kamay niya* Ang baho!" Biro niya kay Gabby.
"Walangya ka! Mas mabaho ka. Lumabas kana nga. Bwiset ka!" Sabi niya sabay palo ng unan sa kaibigan.
"Aray! Joke lang naman yun eh" Sabi niya habang sinasalo ang bawat hampas ng unan sakanya.
"Wala ako sa mood makipag biruan sayo! Labas na!" Sabi naman ni Gabby habang pinipilit niyang itulak ang binata palabas ng kwarto niya.
"Oo na. Lalabas na. Bilisan mo, malelate na tayo" Habol niya bago tuluyan siyang maitulak ni Gabby palabas.
Inis na inis naman si Gabby na naglakad patungo sa C.r! Para sakanya, hindi magiging maganda ang takbo ng araw na to.
