Andito ako sa likuran niya, tahimik lang akong nakasunod sakanya. Hindi din naman niya ako kinakausap. Ni hindi nga niya sabihin kung san kami pupunta eh. Basta patuloy lang siya sa paglalakad. Nahihiya naman akong kausapin siya. Baka pahiyain lang ako. Tsk! Ano ba kasing nagawa ko? May naalala lang naman ako eh.
Malamang Gabby! Magseselos yan. Boyfriend mo eh, tapos iba iniisip mo. Pero hindi ko naman siya iniisip eh, may naalala lang ako. Yun lang! Wala naman ibig sabihin yun eh. Bahala na nga. kakausapin ko nalang siya. pero ano sasabihin ko? Haaay! sige na nga. Kakausapin ko na.. One, two, Thre--
"Aw!" Daing ko ng may tumama sakin na bola.
"Are you okay?" Nag-aalalang sabi ni Liam sakin habang palapit.
"Yeah" sabi ko habang hinihimas ang noo ko.
"Ate, sorry po. Hindi ko po sinasadya" lapit sakin ng isang binata na nakasuot ng Jersey.
"It's okay" Nakangiting sabi ko.
"You should be careful next time, So it won't happen again" sabi ni liam sa binata.
"Yes sir, I'm sorry" Hinging paumanhin niya.
"Okay!" sabi ni Liam at walang salitang hinawakan ako sa kamay.
"You okay?" Tanong niya.
"Y-yeah" sabi ko kahit hindi. Sa totoo lang, parang mat kumirot sa ulo ko.
"I'm sorry" Bulong niya.
"For what?"
"Kung hinintay lang sana kita, siguro hindi ka natamaan ng bola" Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.
"Para yun lang? wala yun 'no" Sabi ko.
"So, shall we?" Nakangiti niyang inilahad ang kamay niya sa harap ko. Ngumiti naman ako at inabot ito.
Nagtataka ako sa dinadaanan namin. Papunta 'to sa likod ng school. Anong gagawin namin dito? Sa pagkakaalam ko tambakan 'to ng basura at ako pa mismo ang nagpaayos dito noon, para kahit papano maging malinis ang tambakan ng basura.
"What are we doing here?" Tanong ko.
"Basta" Sagot niya. Hindi nalang ako nagsalita at sumunod nalang sakanya.
"Wait" sabi niya at may kinuha siyang panyo sa bulsa niya.
"What's that?
"Nah" Sabi nalang niya at tinakpan ang mata ko.
"Ano bang ginagawa mo? Madapa ako" Sabi ko. Inalalayan niya akong maglaklad.
"Trust me"
Maya-maya ay huminto kaming dalawa sa paglalakad.
"I will remove this handkerchief, but don't open your eyes until I said so. Okay?" Sabi habang tinatanggal ang pagkakatali ng panyo. Gaya ng sinabi niya, hindi ko iminulat ang mata hanaggang hindi niya sinasabi. Kinabahan nalang ako ng wala akong maramdaman na presensya niya.
"L-Liam?" Ngunit walang sumasagot.
"Are you there?" tanong ko.
"Hey!" Inis na sabi ko. I don't have a choice but to open my eyes. Unti-unti kong minulat ang mata ko at..
Leaving On a Jet Plane by John Denver
"All my bags are packed
I'm ready to go
I'm standin' here outside your door
I hate to wake you up to say goodbye
But the dawn is breakin'
It's early morn
The taxi's waitin'
He's blowin' his horn
Already I'm so lonesome
I could die"
![](https://img.wattpad.com/cover/40032116-288-k636311.jpg)