Chapter 5

15 0 0
                                    

Gabby's POV

"GOODMORNING SUNSHINE! IT'S SATURDAY AT FREE DAY! STRESS FREE!" Sigaw ko habang nag-iinat. Naistorbo ko ba kayo? Hehe. Nakaugalian ko na kasi ang pagsigaw sa umaga pagka gising ko. Para lumapit ang good vibes ^_^

Bumangon na ako at ginawa ko na ang morning routines ko.Ang mag hilamos, toothbrush at mag ayos ng sarili. Para mukhang fresh! Haha. Binilisan ko ang kilos ng maalala ko na may surprise pala sa akin si kuya.

Dali-daling lumabas ako ng kwarto para puntahan si kuya sa kwarto niya pero pag dating ko wala na siya dun. Asan kaya yun? Tumakbo ako pababa ng hagdan para hanapin siya.

Pagbaba ko sa hagdan, pumunta ako sa sala baka sakaling andun siya. Pero pag dating ko sa sala hindi si kuya ang nakita ko, kundi dalawang luggage. Huh??

"Kanino to? Sinong dumating?" Sa isip-isip ko.

Pumunta ako sa kusina dahil nakaramdam na ako ng gutom. Hindi pa ako nakakapasok pero nakarinig ako ng dalawang taong nag-uusap.

"So, san mo balak mag aral sa college?" Tanong ni kuya sa kasama.

"Siguro sa paris nalang kuya" Sagot ng isa. Teka! That voice sounds very familiar. Hindi kaya?! Naglakad na ako papasok. At tama nga ang hinala ko. Siya nga!!

"Waaaaaaaaaaah! Andito kaaa. Waaaaaahhh!" Sigaw ko sabay yakap sakanya. Samantalang naka takip naman silang dalawa sa mga tenga nila.

"Hey, you don't need to shout!" Reklamong sabi niya. Si kuya naman, tumatawa lang. Eh?

"Rams ha! You're so maarte." Sabi ko na kunwaring nagtatampo.

"Eh, grabe makasigaw eh! Come here, maupo ka." Sabi niya at umupo naman ako sa tabi niya. "Wag kana magtampo. Hindi bagay, lalo ka pumapanget!" He added. Bastos to ah! Oo, marunong siya mag tagalog, oh! Scratch that, magaling siya mag tagalog.

"Hoy Ramon! Tigil tigilan mo ako sa kakasabi mong panget ako. Baka gusto mong ibuko kita kay tito!" Sabi ko sabay irap sakanya. Oo, may hidden identity si Rams. Haha. At kami lang ni kuya ang nakakaalam.

"Ikaw naman, hindi na mabiro. Tsaka, RAMS at hindi RAMON!" Pagtatama niya. Hahaha. Ayaw niyang tinatawag ko siya sa buong pangalan. Masagwa daw kasi. Haha. Maarte!

"Hahaha. Ang ganda kaya ng Ramon, right kuya?" Sabay tingin ko kay kuya. Pero nagkibit-balikat lang siya. Hmp! Di wag.

"Ganon? Okay. Ipapahingi ko nalang yung mga pasalubong ko sayo" Sabi naman niya. Waaaaaah! May pasalubong siya sakin? Teka, hindi nakaligtas sa pandinig ko yung sinabi niyang mga. As in MGA! Means, hindi lang isa o dalawa? Kundi marami. Kyaaaaaaaaaah! Ang galante talaga ng baklang to!

"Ahh.. Hehe. Ikaw naman RAMS, hindi na ma-joke!" Sabi sabay ngiti ng malapad. At nilakasan ko pa yung pangalan niyang Rams, para ramdam niya. Haha.

"Hahahahaha. You're so cute baby. Anyways, I'll go ahead. I have a meeting pa with our new investors." Sabi ni kuya at ngayon ko lang napansin na nakabihis na pala siya.

"Okay kuya. Goodluck. Ingat ha" Sabi ko sabay lapit sakanya at sabay yakap. Hinalikan naman niya ako sa noo.

"Hey Rams, take a good care of my baby gabby. Okay?" Baling naman niya kay Rams.

"Nako kuya, ako nga dapat mag ingat dyan. Kukulitin na naman ako nyan mag hapon" Sabi niya kay kuya. Grabe naman!

"Hahaha. Namimiss ka lang nito" Sabi naman sakanya ni kuya. "Be good girl. Wag mo muna siya kukulitin, may jetlag pa yan" Sabi naman ni kuya sa akin. Nag-nod lang ako sakanya at umalis na siya.

"Hoy Rams, magpahinga ka muna. Mamaya na kita kukulitin" Sabi ko. Mamaya ko nalang talaga siya kakausapin. Hindi naman ako ganon kasama para hindi intindihin na may jetlag pa siya.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon