Chapter 25

15 3 0
                                    

Finally, andito na kami. Wala ng balikan to. Haharapin namin ang lahat ng mangyayari, lalong lalo na sila. Alam namin, ano mang oras o araw magkikita at magkikita kami. Handa na kami para dun.

"Hey! Anong oras mo balak umalis sa pwesto mo?" Tanong sakin ni Mitch. Hindi ko namamalayan, naglakad na pala sila. Hindi na ako umimik at sumunod nalang sakanila.

Umupo muna kami habang naghihintay kay Gerry. Siya kasi ang susundo sa amin. Nasa Europe kasi si William dahil may business trip sila. Si Rams naman, naghahanda para sa surprise niya kay Kim. Dun kasi kami dideretso. Excited tuloy ako sa magiging reaksyon ni Kim. Si Rams kasi ang mismong nag design ng buong bahay. Ako naman ang naging interior designer. Haha. Hindi lang ako sa fashion magaling. Hahahaha.

"Ang tagal na naman niya!" Naiinis na sabi ni Nikki. Matagal kasi talaga kumilos si Gerry. Daig pa ang babae. Yun ang madalas na pagtalunan nila ni Nikki.

"Chill ka lang. Namimiss mo lang siya eh. Haha" Biro naman ni Mitch.

"Sus! Ikaw din naman ah. Si Bry? Hahaha" Ganting biro naman ni Nikki.

"Shut up!" Inis na sabi ni Mitch. Haha! Hanggang ngayon kasi hindi pa din niya sinasagot si Bry, ayaw daw niya kay bry. Mayabang daw siya, naiinis daw siya sakanya. Pero halata naman na gusto na din niya si Bry, pilit lang niya tinatanggi.

"Oh, daddy Gerry is here. He's so handsome talaga" Nakangiting sabi ni Shan at tumakbong sinalubong si Gerry. Binuhat siya ni Gerry at kiniliti ito.

"Hey! Welcome back ladies!" Nakangiting bati ni Gerry. Isa isa naman niya kaming hinalikan sa pisngi. Pwera lang kay Nikki, hindi niya pinansin ito. Napakunot naman ng noo si Nikki dahil sa hindi pag pansin ni Gerry.

"Here we go again" Umiiling na sabi ni Kim. Mukhang napikon na naman kasi si Nikki.

"Let's go!" Padabog na kinuha ni Nikki ang mga gamit at nauna ng naglakad paalis. Napangiti naman si Gerry sa inasta ni Nikki. Natutuwa kasi siya pag napipikon siya.

"I love this!" Sabi ni Gerry at hinabol si Nikki. Buhat buhat pa din niya si Shan.

"I love this even more!" Nakangising sabi ko. Napangiti naman sila Kim at Mitch at sabay na kaming naglakad palabas.

Mula rito, rinig namin ang mga banat ni Gerry. Natutuwa kami sa tuwing bumabanat ng chessy lines si Gerry. Sa barkada, si Gerry ang joker, may pagka isip bata siya. Hindi nga namin lubos maisip na isa na siyang CEO at mabilis siyang nakilala sa Business industry. Nakakatuwa nga eh, marunong din pala siya magseryoso. Kabaliktaran ng ugali niya si Nikki, seryoso siya sa lahat ng bagay. Gayun pa man, mahal nila ang isa't isa.

Andito na kami sa koob ng sasakyan ni Gerry, nakatulog na din si Shan dahil sa pagod.

Nikki's POV

Andito na kami sa loob ng sasakyan ni Gerry. Dito ako umupo sa tabi niya at sa likod naman ang tatlo. Naiinis ako sa ginawa ni Gerry, napahiya ako sa harap ng mga kaibigan ko.

Naiinis ako sa kakornihan niya! Isip bata. Ewan ko ba kung bakit naging CEO ang mokong na to.

"Babe, pustiso kaba?" Tanong niya, letse! Hindi pa tumigil. Pustiso? Bwiset! Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Kasi, I can't smile without you" Sabi niya sabay wink.

"Pfffftt" Silang tatlo, tumingin naman ako skanila at umiwas lang sila ng tingin. Maang maangan pa tong mga to!

"Babe, kulangot kaba?" Tanong ulit niya. Natawa naman ng mahina ang tatlo,pag tingin ko nakapikit sila. Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa si Gabby.

"Kasi, you're so hard to get" Nakangiting sabi niya. Sinimangutan ko lang siya at tumingin sa labas. Hindi na siya umimik. Salamat naman at nakahalata na siya.

"Tae kaba?" Pero hindi pa pala. Pero ako tae? Inamoy ko ang sarili ko, baka mabaho ako kaya sinabi niya yun. Hindi naman ah!

"Hahahaha. What are you doing? Stop sniffing. Just say bakit. Tae kaba?" Sabi ulit niya.

"HAHAHAHAHAHA, TAE? Nikki nagmumukha ka ng tae!" Natatawang sabi ni Kim. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Haha. Ang hard!" Sabi naman ni Mitch.

"Tutuli, utot, pustiso, kulangot at ngayon tae? Hahaha. Kadiri ka Nikki!" Tumatawang sabi ni Gabby, habang hawak ang tyan.

"Shut up!" Inis na sabi ko at tumingin kay Gerry "Ikaw naman, tigilan moko. Ambantot ng mga sinasabi mo" I added.

"Just say BAKIT! Okay?" Sabi niya.

"Ayaw!" Sabi ko naman.

"Sige na! Please? Tae kaba?" Ulit niya.

"Hindi!" Asar na sabi ko.

"Tsk. Babe naman eh. Please?" Pangungulit niya.

"Just say bakit na kasi" pagsingit naman ni Kim. Sumang ayon naman ang dalawa. Tumingin naman ako kay Gerry.

"Please?" Sabi niya habang nagpa-puppy eyes! Sh*t. Ang cute niya, parang dog. Hahaha.

"Fine. Bakit?" Pagsuko ko. Hindi naman ako mananalo eh. Tatlo laban sa isa. Apat pag gising si Shan.

"Mahal kasi ki-TAE!" He said ang gave me a peck in my lips.

"Seriously guys? Do not do that in front of me again" Gabby scowled us.

"Why?" Natatawang tanong ni Gerry.

"It's gross and weird" Iritadong sabi niya. Tinignan ko naman sila Mitch at Kim, kumindat naman sa akin si Kim. Balak nila asarin si Gabby.

"Eto ba?" Sabi ni Gerry and gave another peck on my lips.

"Ew. Stop!" Asar na sabi ni Gabby. Tuwang tuwa naman kami sa expression ng mukha niya.

"Get a boyfriend na kasi, so you know how it feels like" Asar naman ni Kim.

"She's just jealous because she's still single" Segunda naman ni Mitch.

"By choice!" Sabi naman ni Gabby.

Tawa lang kami ng tawa dahil naiinis na si Gabby sa amin. Ang cute niya kasi pag naumulasiya.

Palagi ako pinipikon ni Gerry, pero pagkatapos nun papakiligin naman niya ako. Masaya ako dahil nakilala ko siya. Akala ko nuon, hindi siya marunong magseryoso at puro lang siya biro. Pero pinatunayan niya sa akin na mahal niya ako. Gusto din siya ng parents ko, gusto na nga nila na magpakasal kami. Pero sabi ko, maaga pa. Alam kong si Gerry na ang lalaking para sa akin. Siya alang ang mahal ko at mamahalin ko.

Itinigil ni Gerry ang sasakyan dahil sa stop light. Napatingin ako sa labas at nakita ko sa billboard ang larawan ng tatlong bachelors. Malaki ang pinabago ng mukha at katawan nila. Kung makikita mo, lalo langnagmukhang kahanga hanga. Napatingin naman ako sa likod at nakita kong tulog si Mitch. Napansin ko din na binawi ni Gabby ang tingin sa billboard. Nakatingin naman si Kim dun.

"We're back!" Narinig kong sabi ni Kim. Napatingin naman ako kay Gerry at nakita kong nag smirk lang siya at binawi di ang tingin sa billboard. Kilala ni Gerry ang tatlo, kaibigan din niya si Bryan pero hindi ang dalawa.

Isinandal ko nalang ang ulo ko at ipinikit ang mga mata ko. Dahil sa totoo lang, ayaw kong makita ang dalawang lalaking nanakit sa dalawang kaibigan ko.

***

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon