Maaga ako nagising dahil sasama ako sa paghatid kay Rams sa airport. Okay lang kahit malate ako. Matatagalan na naman bago ko siya makasama ulit.
"Gabriella! Can you move a little bit faster? Baka maiwan si Rams! Tsaka I have a meeting pa oh." Sigaw ni kuya mula sa labas ng kwarto.
"Eto na po! Tapos na." Sabi ko sabay bukas ng pinto.
"Tapos na? Hindi ka pa nga nakapag suklay oh!" Sabi ni kuya. Minamadali ako tapos.. ay nako tlaga!
"Uso yan kuya. Messy hair! Hehe" Biro ko sakanya.
"Fine. Let's go!" Sabi niya sabay gulo sa buhok ko. Magulo na nga, guguluhin pa. Tsk!
Nakasakay na kami dito sa sasakyan ni kuya. Papunta na kami sa Airport. Huhuhu.
"Ang tahimik mo ata?" Puna sakin ni Rams. Sa halip na magsalita ako, niyakap ko nalang siya. "Don't be sad. I'm going to spend mg vacation here. Okay?" Sabi niya sabay hagod sa likod ko. Hindi pa din ako umiimik.
"Hey Gab! You okay?" Tanong ni kuya sabay tingin sa rearview mirror.
"Opo kuya" Sabi ko in a low voice. Hindi na ulit nagsalita si kuya.
Airport..
"Oh, pano yan? Aalis na ako. Smile na Gabby. Please?" Sabi ni Rams sabay hawak sa balikat ko.
"Give mom and dad a hugs and kisses for me. Please?" Pakiusap ko sakanya.
"Of course, I will" Sabi niya. "Kuya, punta na ako. Thank you sa pagpapatuloy sa akin." Baling niya kay kuya.
"Hindi kana iba sa amin. You take care. Okay? Ikamusta mo nalang kami kila mom." Sabi ni kuya.
Nagyakapan lang kami bago siya tuluyang umalis.
Paalis na kami ni kuya ditosa airport. Ihahatid na niya ako sa school.
"Hey! Are you crying?" Alalang tanong ni kuya.
"Kuya, I missed mom and dad" Sabi ko sabay punas ng mga luha ko.
"Sshhh. Don't cry Baby. Do you want to spend your vacation with them?" Tanong ni kuya. Gusto ko, gustong gusto.
"How about you kuya?" Tanong ko kay kuya. Ayaw ko siyang iwan dito mag-isa.
"Syempre sasama ako" Nakangiting sagot ni kuya.
"Really kuya? Yeys! Walang bawian ha? Thank you kuya" Sabi ko kay kuya. Yes! Hahahaha
"Yeah. Anything for my Baby" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Yiieee! Ang sweet talaga ng kuya ko. Nagtataka nga ako kung bakit sila naghiwalay ni ate Bea eh.
**
Andito na ako sa school, at sakto naman na nakita ko si Bryan. Haha.
"Bry! Late ka din?" Tanong ko sakanya.
"Ayy. Obvious ba masyado?" Sagot naman niya. Loko to ah!
"Ang sama mo talaga sakin" Sabi ko sabay pout.
"Pffft. Stop pouting." Sabi niya habang nagpipigil ng tawa. Eh?
"Wag mo pigilan. Ikaw din baka mautot ka." Biro ko sakanya.
"Hahahahahahaha" Tawa niya. Ayun! Ang pogi din nito lalo na pag tumatawa eh.
"Alam mo? Tumawa ka lang palagi, dagdag din sa kagwapuhan mo" Sabi ko sabay wink. Namula naman siya. Haha. Crush ata talaga ako nito. Okay! Feelingerang frog na naman ako. Hahaha. Napansin kong ngingiti-ngiti naman siya.
"Awat na Bry. Baka mafall na ako nyan" Biro ko sakanya.
"It's okay. I'll catch you if you fall naman eh" Sabi niya sabay wink at iniwan na niya ako mag-isa. Aba! Sumasakay na siya sa trip ko ha? Tignan lang natin.
![](https://img.wattpad.com/cover/40032116-288-k636311.jpg)