Chapter 11

9 0 0
                                    

Pagkatapos namin magpalit ng damit, tinawag na kami nila mommy para kumain ng dinner.

Masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain. Madami kaming napag-usapan gaya ng, kung kailan magpapakasal sila Ate Andy at kuya Kyle, 8 years na din kasi sila.

Tinatanong din nila kami ni Gabby, kung may nabubuo na daw ba kaming feelings para sa isa't isa. Sabi pa nga ni mommy, gusto daw niya maging daughter-in-law si Gabby. Bagay na mukhang malabong mangyari.

Pagkatapos namin kumain, pumunta agad ako sa kwarto ko para kumuha ng kumot na pwedeng higaan. Dahil yayain ko si Gabby sa may seashore para mag star gazing.

Pagkatapos ko mailatag ang kumot, tahimik lang kami nakahiga habang nakatingin sa taas. Maya't maya, nagsalita si Gabby.

"Namiss kita" Sabi niya. Tumingin ako sakanya, pero nakapikit lang siya.

"Ngayon lang kita nakasama ulit since naging kayo ni Jenny. Masaya ako dahil nakikita kong masaya ka sakanya. Masaya ako dahil napapatawa ka niya gaya ng ginagawa ko sayo nuon. Pero alam mo bang naiingit ako sakanya? Kasi hindi ko na magawa yung mga ginagawa ko sayo nuon. Hindi na kita magawang yakapin ano mang oras ko gustuhin, dahil iniisip ko yung mararamdaman niya. Drew, natatakot ako. Natatakot ako na baka dumating dung araw na mailayo ka niya sa akin. Drew, natatakot akong mawalan ng bestfriend." Nakatingin lang ako sakanya habang nagsasalita siya. "Drew, can you promise me na kahit anong mangyari, hindi ka magbabago?" Sabi niya, sabay tulo ng mga luha niya.

Agad ko naman siya hinila palapit sa akin at pinunasan ang luha niya. "Sshhh! Stop crying Gabby. I promise, hinding hindi ako magbabago. Wag ka mag-iisip ng kung anu-ano. Tahan na." Pag-alo ko sakanya.

Bigla ako na-guilty, aminado ako na hindi ko na nabibigyan ng oras si Gabby. Dahil nakatuon ang atensyon ko kay Jenny. Hindi ko naisip na nasasaktan na pala siya.

Mahalaga sa akin si Jenny, pero mas mahalaga si Gabby. Oo mahal ko si Jenny, pero hindi ko kayang nasasaktan si Gabby. Maiintindihan naman siguro ako ni Jenny kung hindi ko magagawa yung gusto niya.

Ayaw kasi ni Jenny na may kahati siya sa atensyon ko. Gusto niya siya lang. Kaya nakiusap siya na iwasan kosi Gabby, at pag hindi ko yun ginawa hihiwalayan niya ako. I love Jenny that much kaya sumunod ako sa kagustuhan niya. Umiwas ako kay Gabby not knowing na nasasaktan na pala siya.

Kaya nakapag decide na ako na kakausapin ko si Jenny. Ipapaintindi ko sakanya kung sino si Gabby sa buhay ko. Kung dumating yung puntong papipiliin niya ako, si Gabby ang pipiliin ko.

"Hmm, Drew?" Tawag sakin ni Gabby.

"Hmmm?" Sabi ko.

"Bitaw na! Ang baho mo!!" Sabi niya sabay layo sa akin.

"Mabaho pala ha?!" Sabi ko sabay hila sakanya at ikinulong ko siya sa kili-kili ko. Hahaha.

Pilit lang siya kumakawala sa pagkakakulong sa kili-kili ko, naawa naman ako sakanya kaya pinakawalan ko na. Pagkawala niya, bigla niya ako kinaga sa kamay at nagtatakbo palayo. Tumayo ako at hinabol siya.

Masaya kamig naghahabulan ni Gabby. Sana palagi nalang siya tumatawa at nakangiti.

Namiss ko din si Gabby, sobra! Gustong gusto ko siya lapitan at kausapin sa school pero hindi ko magawa. Nakakasama ko lang siya pag dumadalaw ako sa bahay nila.

Pangako Gabby, hindi na ako lalayo sayo. I'm sorry for hurting you so bad. Babawi ako sa mga arawat oras na hindi tayo magkasama.

**

Gabby's POV

Pitong araw na ang nakalipas mula ng isama ako nila Andrew sa Bagong resort nila. 1 week din kaming walang pasok, kaya medyo nahihirapan ulit akong mag adjust! Kasi.. MONDAY NA NAMAN!!!

Pero teka.. anong oras na ba? Bigla ako napatingin sa orasan.

"Waaaaaaahhhh!! 9 o'clock na. Late na akoooo!" Sigaw ko sabay takbo papunta sa Cr.

After 10 mins. Nakapag palit na ako, pero hindi pa ako nakapag suklay at patakbo na ako bumaba ng hagdan.

"Nay, punta na po ako" Sabi ko at nagtuloy-tuloy papunta sa sasakyan. "Tay tara na, pakibilisan po." Sabi ko kay tay Eddie. Hindi na nagawang magsalita ni tay Eddie.

After 10 mins. Nakarating na kami dito sa school. Walang sabing lumabas na ako ng sasakyan at tumakbo papunta sa room.

Kaya naman kasi ako nag mamadali ay dahil graded recitation. Hindi ko pwede palampasin to.

Pag dating ko sa room, nadatnan ko silang may kanya-kanyang mundo.

"Hey! Anong itsura yan Gab?" Natatawang tanong ni Mitch.

"Late na ba ako? Where's Ms. Valdez?" Tanong ko sakanila habang palapit sa upuan ko.

"Gabby, don't you even bother to see your phone? I texted you kaya. Sabi ko wala si Ms. Valdez. May emergency meeting sila" Litanya ni Kim.

I immediately grab my phone! And there, I saw a text message from Kim. Walang kabuhay-buhay akong umupo sa upuan ko.

"MyGod Gabby. Hahahaha" Tawa naman ni Nikki. Pati sila Kim nakitawa na din, sinamaan ko lang sila ng tingin. Kinuha ko na ang iPod at earphone ko, makikinig muna ako ng music at unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon