Chapter 38

7 0 0
                                    

Andrew's POV

"Hey! Welcome home brother" bungad ni ate Andy ng makababa ako sa hagdan. Matagal na kasi akong hindi nakakauwi dito sa bahay.

"Tnx!" Tipid na sabi ko at naglakad papunta sa gazebo.

Umupo ako agad ng biglang sumakit ang ulo ko. Hinilot ko ang sentido ko upang maibsan ang sakit kahit papaano.

Ipinikit ko ang mata ko at naalala ko na naman ang nangyari kahapon.

Flashback

30 minutes before 4pm ay nag out na ako sa office at dumiretso sa park upang hintayin si Gabby. Kilala ko si Gab, kung ano ang napag usapan any talagang susundin niya.

Napangiti ako ng matanaw ko ang puno, kung san kami magkikita. Naglakad ako palapit dito. Umupo ako at sumandal sa puno.

4pm na pero wala pa siya. Baka on the way na yun. Ipinikit ko muna ang mga mata ko dahil nakaramdam ako ng pagod.

Dahil sa pagod, konti nalang at baka mahila na ako ng antok.

Nagulat nalang ako ng biglang may dumampi sa labi ko, gusto ko itulak pero nadadala ako sa halik niya. Kaya wala ako nagawa kundi tugunin ang halik nito. Unti unting kumilos ang dalawang kamay at humawak sa bewang niya.

"I missed you babe!" Sabi niya sa pagitan ng halikan naming. Hindi ako umimik at patuloy ko lang siya hinahalikan.

"Let's go to your place babe" Bulong niya at bigla nalang ako natauhan at naitulak siya.

"Jane?!" Gulat na tawag ko sa pangalan niya.

"Yeah, it's me Andrew" Nakangiting sabi niya.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon