Kanina pa hindi mawala wala ang mga ngiti sa mukha ko, hanggang sa makauwi kami ng condo. hindi pa din ako makapaniwalang engage na kami ni Liam. Grabehan din yung effort niya, kumpleto na sana kaso wala sila daddy at mommy. Kinailangan na kasi nila bumalik sa US eh.
Akala ko talaga nagloloko na si Liam. Yun pala may plinanong ganito. Sabi ko na nga ba na parang may mali eh, yun nga lang hindi ko alam kung ano. Kaso nakakaramdam ako ng lungkot dahil mga ilang buwan ko siya hindi makikita at makakasama.
"Baka pagbalik ni Liam, wala na yang engagement ring niyo ah" Sabi ni Michelle.
"Huh?" Takhang tanong ko.
"Baka malusaw sa kakatitig mo!" Sinamaan ko lang siya ng tingin.
kaming dalawa nalang ang gising. Napagod na kasi yung dalawa. Ang akala ko okay na silang apat yun pala hindi pa. Kailangan ko ng tulungan sila Gerry at Rams para masaya na din yung dalawa kong kaibigan. Hindi man lang kasi mag effort yung dalawa eh.
Ring.. Ring.. Ring..
Tinignan ko ang phone ni Michelle at nakita kong si Tito ang tumatawag. Nagtataka ako kung bakit ayaw niyang sagutin.
"Answer it" Utos ko.
"Hayaan mo sila" Sabi niya at iniwan ang phone at naglakad papunta sa ref.
"Ako nalang" Sabi ko at kinuha ang phone niya.
"No!" Hindi ko nalang siya pinansin at sinagot ang tawag.
"Ti--"
[Where are you Michelle?! Are you still with him? Please Michelle, I'm begging you. Hiwalayan mo na si Bryan. Yun lang ang paraan para maging maayos ang lahat. Umuwi kana. We have a family dinner with your real fiance's family] And tito hang up the phone.
Liningon ko si Michelle without saying a words. Hindi ko magawang makapag salita pagkatapos ng mga narinig ko. Real fiance'? What does it mean?
"What?" Tanong ni Michelle.
"B-bakit mo k-kailangan.. h-hiwalayan s-si Bryan?" Tanong ko palapit sakanya. Nakita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat.
"Desidido talaga sila" Naluluhang sabi niya.
"Bakit?" Naguguluhang tanong ko.
"Nalulugi na ang company namin and the only way para maisalba ulit ay ang ipakasal ako sa ibang lalaki." Nag umpisa ng tumulo ang mga luha niya kaya nilapitan ko siya at niyakap. "I can't. I really love him. Gabby, I don't know what to do. It's now between Bryan and my Family."
"Ssshh. I'm here okay? You don't have to give up Bryan. Gagawa tayo ng paraan."
"Natatakot ako"
"You have too. Andito kami. Tutulungan ka namin. Bryan needs to know about this"
"No! I don't want him to involve here. Masasaktan lang siya at ayaw kong mangyari yun. Please Gabby" pagmamakaawa niya.
"Okay. Okay." Sabi ko. Hindi ako sanay na nakikita si Michelle ng ganito. She's a strong woman. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito.
Bakit ba kailangan mangyari lahat ng 'to? Mahal na mahal ni Michelle si Bryan pero alam kong hindi niya kayang pabayaan ang Company nila, hindi niya kayang makita na nahihirapan sila Tito at tita. Pero hindi ko maintindihan kung bakit biglang nalugi ang Company nila. Kilala si Tito na isa sa mga pinaka magaling at matalino pag dating sa pamamalakad ng isang Company.
Imposible din naman na mag backout ang ibang investors at share holders nila. Hindi kaya sinadya at pinagplanuhan na ibagsak ang Company nila? Pero sino naman ang gagawa nun? Wala din naman akong alam na kaaway nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/40032116-288-k636311.jpg)