Andrew's POV
Kakauwi ko lang dito sa bahay galing sa celebration ng batch namin. Hindi ko sinasadya lahat ng sinabi ko kay Gabby, hindi ko balak sumbatan siya. Pero naunahan ako ng galit.
Gusto ko siya habulin kanina pero hindi ko magawang ikilos ang katawan ko. Naduwag ako. Ramdam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko at pinagsisisihan ko yun. Pero wala na ako magagawa, nasabi ko na. Hindi ko na pwede bawiin.
Papasok na ako sa kwarto ko ng tawagin ako ni ate mula sa terrace. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.
"How are you little bro?" Agad na tanong niya sa akin.
"Okay lang naman po ate" Sagot ko.
"Did you talk to Gabby already?" Ate Andy.
"What for? Wala naman kaming dapat pag-usapan" Pagsisinungaling ko. Ayaw kong sabihin kay ate na nagkausap na kami,siguradong hindi niya ako titigilan.
"About kay Jenny. Hindi ba niya sinabing kinausap siya ni Jenny tungkol sa sakit niya?" Takang tanong ni Ate. Si Jenny may sakit?
"A-anong sakit? Walang sinabi sa akin si Jenny na may sakit siya" Naguguluhang sagot ko. So, itinago to sa akin ni Gabby?! Pano niya nagawa to?!!
"Hindi mo alam? Jenny talked to Gabby about her condition. Ang alam ni Gabby, nasabi na sayo ni Jenny. Nakiusap si Jenny na wag muna sasabihin sayo ni Gab at siya na lang daw ang magsasabi sayo. Jenny had a cancer. Nasa critical stage na daw siya" Sabi ni Ate. Cancer? Critical stage? Parang okay lang naman siya ah. Hindi ko nga napansin na may sakit pala siya.
"And drew, nakiusap din si Jenny kay Gab na layuan ka. Nagmakaawa siya kay Gabby. We know Gabby very well.. She has a good heart. She's not selfish. Kahit masakit sakanya, ginawa niya para sa taong may sakit. Drew, kung alam mo lang kung gano kahirap para kay Gabby ang layuan ka. Kaya sana, wag ka magalit sakanya. Kung magalit ka man at sugurin siya, wala kana magagawa. Besides, aalis na siya" Mahabang pag amin ni Ate.
Parang hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Una, may sakit si Jenny. Pangalawa nalaman kong si Jenny ang dahilan kaya lumayo si Gabby. Pangatlo, nalaman kong aalis na siya.
May mga masasakit na salita akong nasabi kay Gabby. Anong gagawin ko? Pero kailangan ko muna malaman ang totoong kalagayan ni Jenny.
Dali-daling naglakad ako papunta sa kwarto ko. Pagpasok ko, agad ko hinanap sa notes ko ang number ng kapatid ni Jenny. Nang makita ko, agad ko itong tinwagan ngunit hindi naman niya sinasagot, kaya nagtext nalang ako.
To: 0917*******
Please tell me about Jenny's condition. Gano na kalala ang cancer niya?
Andrew..
Pagkasend ko ng text, bigla ako nakaramdam ng panghihina kaya humiga muna ako. Hinihintay ko ang reply ng kapatid niya hanggang sa makatulog na ako dahil sa pagod.
**
Gabby's POV
Nagising ako ng maaga dahil kailangan ko na mag ayos, dahil ilang oras nalang aalis na ako. Samantalang nakahilata palang tong mga maghahatid sa akin. Tsk!
Umakyat ako sa kama ko at tumalon talon para magising sila. Hahaha
"Aaahhhhh! Stop it!!" Kim
"Istorbo naman eh! Ito na!! Tama na yan." Mitch
"Gabby! Stop it. You're giving me headache!!" Nikki.
O diba, effective? Haha.
"Bumangon na kayo dyan. Kakain na tayo!" Utos ko sakanila, sabay alis sa kama.
Padabog naman silang tumayo at sabay-sabay na pumasok sa cr. Haha. Ganyan talaga sila, okay lang kahit magsabay-sabay. Ako din minsan eh. Haha. Napapailing nalang ako lumabas ng kwarto
Pag dating ko sa baba, nadatnan kong nakatayo si kuya sa harap ng malaking glass window. Nakatalikod siya saakin kaya lumapit ako at yumakap sa kanya.
"Goodmorning CEO" Bati ko sakanya.
"Ito ang mamimiss ko sa umaga" Sabi niya in a low tone. Aish! Eto na naman si kuya eh!
"Kuya naman, wag ka naman ganyan. Wag mo naman ako pahirapan sa pag alis ko" Naiiyak na sabi ko.
"Okay. Okay! Sabi mo eh. Basta palagi ka mag iingat. Wag mo bibigyan ng sakit sa ulo sila mom and dad. Okay?" Sabi niya sabay yakap sa akin.
"Opo sir!" Sabi ko naman.
Nangako naman sikuya na dadalaw dalawin niya ako dun. Lalo na pag nasa paris na ako. Dun ko kasi balak mag-aral ng kursong Fashion designing.
Maya-maya'y bumaba na ang tatlo at sabay-sabay nakaming kumain. Last breakfast ko na dito kaya sususlitin ko na. Mamimiss ko din ang mga luto ni nanay rosa.
Pagkatapos namin kumain, nagpaalam na ako sa mga katulong. Lalong-lalo na kay nanay rosa. Hindi naman siya tumigil sa kakaiyak. Panay ang bilin niya sa akin na wag daw ako magpapalipas ng gutom at palagi daw ako mag iingat.
Dito kami sumakay sa sasakyan ko at si tatay eddie ang nagdadrive, samantala nakasunod lang naman sa amin si kuya lulan ng sasakyan niya.
Alam kong malungkot si kuya sa pag-alis ko. Ngayon lang kasi ako mapapalayo kay kuya ng matagal.
**
Airport..
"Pano yan, papasok na ako" Naluluhang sabi ko ngunit pinipilit ko parin ngumiti.
"Mag-iingat ka dun ha? Palagi ka tatawag" Sabi ni Mitch at nagyakapan kami ng mahigpit.
"Oo naman. Ikaw ha, bawas bawasan mo na pagka masungit mo. Mamimiss kita." Umiiyak na sabi ko.
"Mamimiss din kita ng sobra" Sabi niya sabay bitaw sa akin.Lumapit naman ako kay kim at siya naman ang niyakap ko.
"You take care, okay? Sana sa pagbalik ko, nag matured kana ha? Mamimiss kita baby kimmy" Sabi ko sabay yakapnb mahigpit.
"Tse! Mag-iingat ka din dun ha? Don't forget to call us. Skype din tayo ha! Sobrang mamimiss kita" umiiyak na sabi niya, humiwalay naman ako at lumapit ka Nikki.
"Niks! Bantayan mo yang dalawa ha. Lalo na si kimmy. Hmm.. alam mo bang parang kapatid na kita? Ikaw ang palaging andyan sa tabi ko. Mamimiss kita ng sobra" Umiiyak na sabi ko sabay yakap sakanya ng mahigpit.
"Gabby, pag may problema tawagan mo ako! Pupuntahan kita pag hindiako busy. Mamimiss kita" umiiyak din na sabi niya. Then, nag group hug na kaming apat.
Humiwalay na ako sa kanila at lumapit kay kuya. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit
"Baby, listen.. forget about him. Stop loving him just like what he want. Magsimula ka ulit. Okay? Be strong,whatever happens tawagan mo ako. Pupunta at pupunta ako sayo. Mag iingat ka palagi. Okay? Kuya will gonna miss you baby. There's alot of people loves you Gabby. Tawagan mo ako palagi ha? I love you my baby" Malungkot sa sabi ni kuya.
"Yes kuya. I will! Kuya, dadalawin mo ako palagi ha? Please? I gonna miss you. I love you kuya, so so much" Umiiyak na sabi ko. Huhuhu.Ang hirap din pala pag ikaw ang umaalis.
"Okay. Go! Baka maiwan ka. Wag kang lilingon. You understand? Now, go!" Pagkatapos sabihin ni kuya yun, nagpaalam na ako sakanila at tuluyan na akong naglakad paalis.
Eto na! Wala ng balikan to. Gaya nga ng sinabi ko, once na nakaapak na ako sa eroplanong sasakyan ko, iiwan ko na lahat ang masasakit na ala-ala at ang isasama ko ay ang masasayang ala-ala kasama ang mga mahal ko sa buhay. Maliban nalang sa masasayang ala-ala na kasama ko si Andrew.
Sa pababalik ko, hindi na ako yung Gabriella na nakilala niya..
It's time to go back home.. It's time to say Goodbye..
