Gabby's POV
Andito kami sa ngayon sa bahay. Dito namin naisipan na mag ayos para sa Grand Aumni Party thingy na yan. While looking our reflection in the mirror..
"Gorgeous" Kim
"Stunning" Nikki
"Perfect" Mitch
Napatingin ako sakanila. Mga feelingera tong mga to! Hahahaha. Well..
"We're perfectly gorgeous! Stunning" Sabi ko habang pumapalakpak. Hahaha. Trip ko lang, bakit?!
"Gabriella, just for tonight! Act as normal. Please?" Sabi ni Kim. Habang nagpipigil naman ng tawa yung dalawa. Psh!
"Okay! Just for tonight ha?" Biro ko maman sakanila. Nag nod lang sila sa akin at tinuloy ang ginagawa nilang pag aayos.
Pero, seriously? Ang gaganda ng mga kaibigan ko. Patinako, syempre! San pa ba magmamana yang mga yan? Syempre, sakin! Hahahaha.
Tinawag na kami ni nanay rosa dahil dumating na daw ang mga sundo namin or let's say, our date. Pagkababa namin, agad kami pumunta sa may Gazebo dahil andun daw sila at kausap si Kuya.
"Oh, here's the princesses!" Sabi ni kuya ng mapansin niya kami.
"Beautiful as ever" Sabi ni Gerry ng makalapit kay Nikki. Ngumiti lang ang huli at hinawakan sa braso si Gerry.
"Uwi na tayo?" Sabi naman ni Rams kay Kim.
"Huh? Bakit?!" Nakakunot ang noo na tanong ni Kim.
"Dun tayo mag party" Nakangiting sabi niya, binatukan naman siya ni Kim at hinila na niya ito papunta sa labas.
"Kuya, We go ahead! Bye." Sabi ko kay kuya at nag nod lang siya.
Sabay na kami naglakad palabas ni Mitch at naghihintay na ang apat sa tapat ng kani-kanilang kotse. Pero, pansin niyo ba? Kami lang ni Mitch ang walang date? Haha. Kawawa naman kami. Pero syempre, jokelang! Si Mitch, may date. Si Bryan! Hindi na siya nagpasundo, sasamahan daw kasi niya ako. Yung date ko kasi, busy! Hahaha. Magkikita naman kami dun sa party.
Umuwi si William ng malaman niyang may Grand Alumni Party. Ayaw daw kasi niyang may maka date akong iba. Grabe lang! Haha. Tsaka, sakanila ang Standford kaya imposibleng hindi siya dadalo.
Nakarating na kami ditosa mismong venue ng Party. Agad maman kami bumaba at sabay sabay na pumasok sa loob. Habang papasok kami,rinig namin ang bulong bulungan..
"Ang ganda pa din nila"
"Mas gumanda kamo"
"Wow! Para silang mga model"
"Ang tibay ng samahan nila no?"Napapangiti kami dahil sa mga naririnig namin. Sinalubong naman kami ni teacher Anne at dinala sa table na naka reserve para sa amin. Nagpasalamat muna kami bago siya makaalis.
May mga kaklase kami dati na lumapit sa amin at nakipag kwentuhan. Nakakatuwa dahil katulad namin, natupad din yung mga pangarap nila. May mga Architect, Doctor, Engineer, Professor sa isang tanyag na University at madami pang iba.
Medyo matagal na kami nagkukwentuhan pero hindi ko pa din nakikita yung lalaking kanina ko pa hinihintay. Nakakainis! Sabi niya papunta na siya. Asan na ba yun?!
"Excuse me. Punta lang ako sa rest room" Paalam ko sakanila. Tumayo na ako at magsisimula ng maglakad ng tawagin ako ni Kim.
"Wait Gab, sasama ako. Hindi ko na kasi kaya. Ihing ihi na ako" Buling sa akin ni Kim.
"What?!" Sabi ko, hindi ko kasi masyado naririnig dahil sa lakas ng music.
"Sabi ko naiihi na ako" Sabi naman ni Kim habang kasabay kong naglalakad.
"Ano?! Najejebs ka?" Sigaw ko at may mga taong napatingin sa amin. Binatukan naman ako ni Kim. Pero mahina lang.
"Aray ah!" Sabi ko at bigla ako nag pout.
"Ang hina kaya nun! Bilisan mo na nga, nakakahiya ka" Sabi niya sabay hila sa akin. Ang sama sama talaga neto. Hmp!
**
Andrew's POV
Andito na kami ngayon sa venue ng party. Kasama ko si Valerie. Kasama ko din si Josh at si Stephanie na kadate niya, yung nakilala niya sa bar. Si Bryan naman, pumunta sa kadate niya.
Iniwan muna namin sila Valerie at Stephanie sa table namin dahil ngayon isasagawa yung plano ni Bryan. Hanggang ngayon, di parin kami makapaniwala ni Josh. Haha. Andito kami ngayon sa may gilid ng stage, hinihintay ang signal ni Bryan.
Nagkukwentuhan kami ni Josh ng may marinig kaming nag uusap na tatlong mga babae.
"For real? Did you saw them?" Tanong nung isang babae na naka color pink.
"Yeah! They look so gorgeous as ever" Sabi naman nung naka white.
"I heard na kilala na sila sa Paris" Sabi naman nung naka violet.
"Yup! The four famous fashion designer in Paris. And.. Fashion model din sila, sa katunayan nga model sila ng vogue" Proud na sabi ulit nung naka white, halatang madami siyang alam sa mga ito.
"Sa ganda ba naman nila. Hayyy! Nakakainggit." Sabi naman nung naka pink.
Wait!! Fashion designer?? May kakaiba akong naramdaman ng marinig ko iyon at ang Paris. Hindi kaya..
"Speaking of! Ayun yung dalawa oh." Tuwang tuwa na sabi ni Ms. White sabay turo sa dalawang nag uusap na parang nagtatalo dahil binatukan nung naka red yung naka black. Hindi namin makita ang muka nila dahil bahagya silang naka side.
Nang magsimula na sila maglakad, nakita namin na papunta sa amin yung direksyon nila. Pero hindi sila nakatingin. Sila nga..
"Gabby" Ako
"Kim" Josh
Sabay naming sabi ni Josh. Lalapit na sana si Josh ng bigla sila pumasok sa rest room. Tumingin ako kay Josh at napatingin din siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang saya ng makita si Kim.
Ibang iba sila kumpara nuon, mas nag matured kung makikita mo sila. Lalong lalo na kay Gabby. Babaeng babae na siya kung manamit ngayon. Nah, what do I expect? Katulad pa din ng dati? Pero hindi pa din nawawala sakanya yung matatamis niyang mga ngiti.
"Dude! I'll take this opportunity to talk to her. Ikaw na bahala dito" Sabi ni Josh at naglakad na paalis.
Bigla nalang din ako lumapit sa operator at sinabi sakanya yung plano ni Bryan. Pagkatapos niyang pumayag, naglakad na ako at nagpunta sa isang sulok na walang tao. Gusto ko makapag isip. Gusto ko siya makausap.
Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng biglang ko siya nakita at huminto sa di kalayuan sa akin. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako nakita. Hindi ko namamalayan,naglalakad na ako palapi sakanya. Kasabay ng pagyakap ko sakanya ay ang pagpatay ng ilaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/40032116-288-k636311.jpg)