Chapter 16

1.8K 19 0
                                    


ME16

MAGKASAMANG lumabas ng compound ng boarding house si Bornok at Trixie. Pinagtinginan nga sila kaagad ng mga borders na kasalukuyang naroon pa nang mga oras na iyon. Puro ang mga lalaki na lamang ang nandoon nang mga sandaling iyon at pasimple pa nga silang nagpapansin sa kasamang babae ng binata kaso, kagaya ng ginawa ni Trixie noong nakaraan ay hindi man lang niya pinansin ang mga ito. Hindi kasi siya interesado sa mga ganoong klaseng lalaki. Kung siya nga ang tatanungin ay mukhang mas mabuti pa si Bornok sa mga ito.

Ito ay base sa kanyang pakiramdam, o baka dahil si Bornok na lang ang naging napagpasahan niya ng kapangyarihan kaya ganito ang naisip niya.

Pagdating nila sa may labasan ay inaasahan na ni Bornok na tampulan sila ng mga mata dahil sa kanyang kasama. Si Trixie ay nakasuot ng shorts na hanggang tuhod at naka-tsinelas ng pink na nabili niya kahapon. Ipinasuot niya muna ang isa niyang white shirt na siyang pinakamaputi sa mga mayroon siya. Medyo maluwag iyon at pinagsuot niya rin ang dalaga ng pang-ilalim na sando para hindi umalog ang dibdib nito. Wala nga siyang maisip na paraan para rito kanina. Pagkatapos noon ay tuck-in sa shorts ng dalaga ang pantaas nito at dahil nga sa taglay na ganda nito ay tila naging pormado ito. Isama pa ang pinuyod ni Bornok na buhok nito.

Habang sila nga ay naglalakad ay huminga na lamang siya nang malalim.

"Kailangang may confidence ako kapag kasama ko ang babaeng ito..."

"Kung kasama ko siya ay hindi maiiwasan na ipagtinginan siya."

"Alam ko rin ang iniisip ng bawat isa sa mga nakatingin sa amin..."

Ngumiti si Bornok at pasimpleng pinagmasdan si Trixie na kasalukuyang nagmamasid ng paligid. Tahimik nitong pinagmamasdan ang mga lugar na kanilang nilalampasan. Kapag tinitingnan nga niya ito ay tila isang inosenteng babae ang dalaga, kaso, sa totoo ay tila hindi na. Naalala nga niya ang pagtawa nito at ang cute noon. Tapos ngayon, heto at magkasama sila...

"Para na rin itong date?" aniya sa sarili at napangiti siya habang nakatingin sa kabilang direksyon. Kung ano-ano raw ang naiisip niya.

Naglakad na lamang sila papunta sa isang tindahan ng mga damit na ilang metro lang mula sa tinitirhan niya. Nang makita nga ni Trixie ang loob noon ay tila kumislap ang mga mata nito.

"Ang daming iba't ibang kasuotan!" sambit ng dalaga at medyo may kalakasan iyon. Ang ilang pumapasok at lumalabas tuloy sa loob ay pasimpleng napatingin sa kanila.

Napangiti naman si Bornok at mabilis na hinila ang dalaga papunta sa damitan.

"Pumili ka ng gusto mo," sabi ng binata at nakita niya na tila ang saya ng dalaga.

"Ayos itong pinagdalhan mo sa akin..." ani naman ni Trixie na madaling inisa-isa ang mga damit na nakikita niyang nakasabit sa lalagyanan nito. Si Bornok naman ay naging isang taga-masid sa kanya. Napapatikhim na nga lang siya nang mapansin niyang may ilang mga lalaking costumers at bantay ang nakasunod sa kanila hindi dahil sa baka may mawala, kundi dahil sa magandang babaeng kasama niya.

Isang puting dress ang kinuha ni Trixie at nakangiti niyang pinagmasdan ito. Naalala niya noong nasa dati pa niya siyang mundo, ang loob ng kanyang lalagyanan doon ay may iba't ibang klaseng kasuotan na araw-araw niyang nasusuot. Ang kaso, hindi naman siya nakakapunta sa iba't ibang lugar kaya tila walang saysay sa kanya ang magsuot noon. Bilang isang Goddess, obligado siyang manatili sa loob ng palasyong inilaan sa kanila ng kanilang hari. Sa mundong iyon ay siya ang tinatawag na Goddess of Wetdreams at palagi siyang tulog sa araw at sa gabi naman ay gising dahil dito na gagana ang kanyang kakayahan. Sa tinagal niyang nabubuhay ay ito na ang palagi niyang ginagawa. May kapangyarihan siya, pero ito ay base lang sa tungkuling dapat niyang gawin.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon