Chapter 58

1K 16 0
                                    


ME58

KINAHAPUNAN, wala ng ibang inisip si Bornok kundi ang makauwi pagka-out niya. Kailangan niyang diretso ng bahay agad lalo pa't hindi siya sigurado kung ano ba ang pwedeng mangyari sa kanya kung magtatagal siyang wala roon. Sa paglabas niya sa may kalsada ay napatingin siya sandali sa may bilihan ng street food sa gilid. Naroon na naman nga si Emily. Talaga nga raw yatang mahilig itong kumain ng ganitong klaseng pagkain.

"Simpleng-simple lang talaga ng mga gusto niya," sabi niya sa sarili at napangiti na lamang siya bago tuluyang humarap sa direksyon ng kanyang daraanan sa kabilang bahagi. Bago nga lang siya naglakad, ay bigla niyang naalala si Jupert. Paano raw kung narito pala ito sa paligid? Kilala niya ito, at kung may tumutulong talaga ritong kagaya nina ma'am Mira ay lilitaw ito muli para mapasama sa kanya si Emily. Hindi man daw kasi aminin sa kanya ng katrabaho niyang iyon ay alam niyang trip din nito ang dati niyang kasama sa boarding house. Isa pa, halos lahat yata ng mga lalaki sa pinagtatrabahuhan niya ay imposibleng hindi pantasyahin ang katulad ni Emily.

"Magmamasid ba ako?" tanong niya sa kanyang sarili at napakuyom na lamang siya ng kamao, at dito nga ay tumawid siya sa kabilang kalsada para patagong tingnan si Emily na umalis na mula sa bilihan ng street foods. Napagdesisyunan niya ngang bantayan ang dalaga hanggang sa ito ay makauwi sa kanyang bahay. Mula nga sa isang poste ng kuryente ay doon siya pasimpleng kumubli habang nakasilip sa kabilang kalsada.

Nakita niyang nagsimula nang maglakad si Emily at dito na siya napatingin sa lalakaran nito. Tiningnan niya kung makikita niya si Jupert, kaso, tila wala raw talaga ito. Lumalayo na nga rin ang dalaga kaya nagsimula na rin siyang lumakad nang pasimple. Hindi naman daw siguro ito lilingon sa kabilang kalsada kung nasaan siya, kaya bahagya niyang ikinalma ang kanyang sarili.

Malayo na rin si Emily at nakikita niyang liliko na ito sa kanto na palagi niyang dinadaanan noon. Parang na-miss niya ang lugar na iyon at dahil hindi pa niya nasisigurong makakauwi ito hanggang sa boarding house ay napagpasyahan na nga rin niyang tumawid para tingnan nang palihim ito para makasigurado... Kaso bago siya tumawid ay nakaramdam siya ng braso na biglang umakbay sa kanya mula sa tabi niya.

"Pareng Bornok? Ano'ng ginagawa mo rito? Nagbago na ba ng bahay si ma'am HR?" wika ng lalaki at nang tingnan niya ito ay si Jupert ang nakita niya. Nakapambahay lang ito at hindi naman sa pamumula ay mukhang hindi naligo ang pormahan nito. Nakasuot pa nga ito ng blue cap na kupas na ang itsura.

"J-jupert... P-pre," sabi ni Bornok at nakita niya ang bakery sa kabilang kalsada na madalas niyang binibilhan ng tinapay noon.

"Bibili ako ng tinapay! A-alam mo naman, nasanay akong dito bumibili," natatawang sabi ni Bornok at si Jupert ay napalingon sa kanya.

"Masarap ba tinapay diyan pre?" nakangiting tanong ni Jupert at si Bornok ay parang nakaramdam ng hindi maganda mula sa akbay at sa datingan ng kasama niyang ito ngayon. Hindi ito ang Jupert na nakita niya noong nakaraan, lalong hindi ganito ang dating nito noong nakilala niya ito sa trabaho.

Hindi si Bornok sigurado, pero mukhang may nalalaman ito kung bakit siya narito.

Tumawid silang dalawa at si Bornok ay wala ng nagawa kundi ang bumili ng dalawang malaking tinapay. Bumili rin siya ng dalawang palamig sa tabi para may inumin silang dalawa habang kumakain. Umupo nga sila sa mahabang kahoy na upuan sa gilid ng bakery at pasimpleng sumulyap si Bornok kay Jupert na seryoso lang na kumakain.

"May problema ba pre?" kalmadong tanong ni Bornok at si Jupert ay kumagat nang malaki sa tinapay bago tumingin sa kanya.

Uminom ito ng palamig at doon na nga ito sumagot.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon