Chapter 94

768 16 1
                                    


ME94

NANG makita ni Judy si Bornok na natutulog sa cottage sa dulo ay napangiti na lang siya. Kaso, dahil sa kasarapan ng tulog ng binata ay nakita niyang dahan-dahang bumababa ang ulo nito kaya nga nagmadali siyang lapitan ito para saluhin iyon. Sa dibdib niya bumangga ang ulo ni Bornok nang sambutin ito ng kanyang bisig at kaagad nga siyang kinabahan dahil doon. Para siyang nakaramdam ng tuwa na may halong kaba.

"Nandito ka lang pala," sabi ni Judy at bigla na nga lang gumalaw si Bornok at ang kanyang dibdib ay nasagi lalo ng mukha nito paglingon. Bigla niya tuloy naalala ang panaginip niyang kasama ang binata. Pinilit na nga lang niyang iwaglit iyon at pagkatapos ay doon na niya nakitang namulat ang mata nito. Sinabi niyang muntik na itong mahulog at nang lumingon si Bornok lalo sa kanya ay hindi niya maiwasang pamulahan ng pisngi dahil doon.

Ang mukha kasi ni Bornok ay naumpog sa dibdib niya kasi nga nakahawak ang mga bisig niya sa ulo nito na itataas pa lang niya sana kung hindi ito nagising agad.

"Ang bango," sabi naman ni Bornok sa sarili at bigla siyang natauhan nang marinig ang boses ni Judy sa tapat niya. Agad siyang lumayo at hiyang-hiya siya sa kanyang ginawa. Sigurado siyang pag-iisipan na naman nito na siya ay manyakis. Ang bango nga naman daw noon at parang nasa ilong pa rin niya ang halimuyak ng bagay na iyon.

"S-sorry..." sabi ni Bornok at ngiti naman ang isinagot sa kanya ni Judy.

"Muntikan ka nang mahulog. Kung hindi ako dumating, baka paggising mo nasa lupa ka na," natatawang wika naman ni Judy na kahit kabadong-kabado dahil kasama ang binata ay pinipilit pa rin niyang maging kalmado.

"Kaya pala wala ka raw doon sabi ni ma'am Mira," dagdag pa nito at napakusot ng mata si Bornok. Nahihiya pa rin siya at baka raw may muta pa siya sa mata.

"Ipinagtanong mo ako? N-nakakahiya. Nakalimutan nga kitang sabihan... Tapos nakatulog na pala ako," sabi ni Bornok na nahihiya pa ring humarap nang mabuti kay Judy. Napansin nga rin niya na basa pa ang buhok nito. Mukhang bagong ligo base sa obserbasyon niya. Ngayon ay napansin na nga niya ang ganda nito sa suot na black shirt at ang shorts nitong maong na white ay hindi naman sobrang ikli pero takaw-pansin pa rin sa kanya ang maganda nitong legs.

"Oo... Akala ko kasi umalis ka," sabi pa ng dalaga at umupo na rin ito sa tabi niya na mga ilang dangkal lang ang agwat mula sa kanya. Ang bango raw nito dahil muli itong naamoy ni Bornok. Pinilit na lang niyang kumalma kasi habang pumapasok sa ilong niya ang kabanguhan nito ay para ring nagre-react ang kanyang kaibigan sa loob ng kanyang shorts.

"B-behave! Huwag!" sabi na lang ni Bornok sa kanyang sarili at pasimple siyang tumayo. Tumalikod nga siya para magkunwaring nagpupunas ng mukha gamit ang laylayan ng kanyang damit. Kasabay na rin nga noon ay ang pasimple niyang pagkambyo sa kanyang alaga at iniipit niya ito sa garter ng kanyang brief para hindi tumirik sa kanyang shorts.

"Kalma Bornok..." Dito nga ay naalala niya ang sinabi ni ma'am Mira sa kanya kanina. Na may gusto raw ang dalaga sa kanya bago pa niya ito puntahan sa panaginip.

"Si ma'am talaga... Imposible iyon," natatawa na lang niyang sinabi at nakalimutan niyang nasa likuran nga pala niya si Judy.

"A-ano iyon Bornok?" tanong ni Judy at si Bornok ay kaagad na sinabing wala. Nilingon niya ito at nang pagmasdan niya ito habang nakaupo at nilalaro ang nakalutang na paang may tsinelas sa ibaba, ay isang bagay lang ang naisip niya.

"Ang cute..." Ngayon lang niya nakitang napakasimple ng dating nito sa mga mata niya. "Imposible talagang magkagusto sa akin si Judy... Itong ganito ka-cute na babae?"

"M-may problema ba?" tanong bigla ni Judy na nakaramdam ng pag-init ng kanyang pisngi dahil nakatingin lang sa kanya si Bornok. Pakiramdam tuloy niya ay may mali sa suot niya. Sinimplehan na nga lang niya ng suot at ayaw na raw muna niyang magsuot ng mga revealing clothes kasi makikita ng binata.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon