Chapter 32

1.4K 18 2
                                    


ME32

DAY 6.

Pagmulat ng mata ni Bornok ay napaseryoso na lamang siya at napahawak sa kanyang noo. Ang nangyari na panaginip sa kanya ay nakatatak pa rin sa utak niya at ganoon din kung anong itsura ng hubad na katawan ng babaeng nasa ibaba niya. Napahikab na lang siya at napatalukbong ng kumot. Parang nakaramdam siya ng hiya kay Trixie matapos ito. Paano niya ito haharapin? Paano niya ito kakausapin? Ang daming tanong sa utak niya nang oras na iyon, hanggang sa bigla na nga lamang nagbukas ang ilaw sa loob ng kanilang kwarto.

Mula nga sa loob ng kumot ay nakita niyang bumangon na si Trixie at kasalukuyan nang umiinom ng tubig. Dito na nga kumabog ang dibdib niya. Parang nawalan siya ng lakas ng loob na bumangon at makita ito. Ipinikit na nga lamang niya ang kanyang mga mata at kunyari ay tulog siya.

Parang ang tahimik ng paligid nang oras na iyon. Naalala niyang ngayon din nga pala ang unang pasok niya sa trabaho, at kung hindi pa siya babangon ay baka ma-late kaagad siya.

Habang nag-iisip siya ay naramdaman na nga lang ni Bornok na may humila ng kanyang kumot at isang kurot sa braso ang kanyang biglang naramdaman.

"Bakit hindi ka pa bumabangon? Hindi ba may kailangan kang pasukang trabaho? Isa pa, nais kong makilala ang babaeng hinawakan mo kahapon," seryosong winika ni Trixie at nang lumingon dito si Bornok ay parang nahiya na naman siya rito. Naalala niya kasi iyong panaginip nila, at mabuti na nga lang daw at kahit ganoon, ay nabigla siya kasi hindi gising ang kanyang sandata matapos iyon. Tila ba nahiya ito kay Trixie, gaya niya.

"B-babangon na," sabi ni Bornok na agad na bumaba at humikab. Napakamot pa siya sa ulo at mabilis na lumabas. Ayaw niya raw munang pansinin ang dalaga at hangga't maaari ay hindi muna niya ito kakausapin. Nagmadali na siyang nagpunta sa banyo at napaseryoso siya nang makitang nakatayo sa tabi nito si Sophie na pasimpleng nakatingin sa kanya.

Kailangang iwasan, sabi na lang niya sa kanyang sarili at dumiretso na siya sa loob para umihi at maghilamos ng mukha.

"Iniiwasan mo ba ako Bornks?" Narinig niyang tanong ng babaeng nasa labas ng CR. Napalunok na nga lang siya ng laway at sa paglabas niya ay hinawakan siya bigla ni Sophie sa braso niya at hinila palapit dito.

"M-may gf na ako..." sabi ni Bornok at si Sophie ay pinagmasdan lang siya nang sabihin iyon.

"So what? If hindi ko nakita ang tite mo on that day. Hindi ito mangyayari. Ano ba kasing mayroon iyan at gustong-gusto kong matikman?" mahinang wika ni Sophie na nakapagpakilabot naman kay Bornok nang oras na iyon. Habang nasa ganoon silang sitwasyon ay bigla ngang bumukas ang pinto ng isang kwarto roon. Lumabas doon si Hazel at nang mapatingin ito kina Sophie at Bornok ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na inis sa dalaga. Kahapon pang hindi mawala sa isip niya ang pangit na border na ito, at hindi niya malaman kung bakit nababasa ang kanyang hiyas kapag naiisip ito.

Naglakad na nga siya papuntang CR at pasimple niyang ibinaba ang zipper ng kanyang jacket para lumabas ang katawan niyang sando lang ang suot. Gusto niyang ipakita kay Bornok na may natatago siyang kasexy-han sa loob ng kanyang jacket at hindi niya napigilang gawin ito.

"Are you crazy Hazel?" sabi niya sa sarili at bago nila lampasan ang binata ay pasimple pa niya itong tinitigan.

Nakita ni Sophie ang ginawa ni Hazel. Napasama nga tuloy ang tingin nito kay Bornok. "Huwag mong sabihing tinira mo si Hazel?" naiinis na tanong nito na kaagad na kinontra ng binata.

"A-ano ba ang sinasabi mo?" sabi ni Bornok at lumayo siya sa dalaga. "Gusto kong maging loyal kay Trixie. Oo, magaganda kayo... Sexy at sino ba naman ako para tumanggi. Pero ngayong may jowa na ako... Ayaw ko na," sabi ni Bornok kay Sophie at seryoso niya itong tiningnan. "Akala ko, gusto mo akong maging kaibigan? Pero bakit ganito?"

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon