Chapter 91

862 15 0
                                    


ME91

DAY 20.

Hindi pa rin si Bornok iniimikan nang mabuti ni Trixie sa nang umagang iyon. Dito na nga siya gumawa ng paraan para makausap ang dalaga kasi ngayong nagkakape silang dalawa sa kusina ay hindi naman ito nagsasalita sa kanya. Ipinagtimpla na nga niya ng gatas pero parang hindi pa rin siya nito pinapansin.

"May problema ba tayo?" tanong ni Bornok matapos uminom ng kanyang kape.

Si Trixie naman ay patuloy na hinahalo ang kanyang gatas. Narinig niya ang tanong ng binata. Wala sana siyang balak sagutin iyon kaso napatingin siya rito at nakita niyang seryosong nakatingin ito sa kanya.

"Wala naman. Wala. Wala akong naiisip na pwedeng maging problema natin," sagot ni Trixie at uminom na nga siya ng gatas gamit ang kutsarang hawak nito.

"Kahapon, naiwas ka sa akin. Tapos kanina, binati kita ng magandang umaga... tiningnan mo lang ako," sabi pa ni Bornok at si Trixie ay napahigpit ang hawak sa kutsarang nasa kamay niya.

"Nahihiya ka ba sa akin kasi... dahil doon sa ginawa natin noong isang gabi?" mahinang tanong ni Bornok at doon na nga si Trixie napaseryoso lalo.

"Wala! Hindi dahil doon at lalong walang problema sa atin. Ang gawin mo lang ay maging malakas ka. Gamitin mo madalas ang kapangyarihang binigay ko sa iyo dahil sa pagsapit ng ikalimampung-araw ay doon na tayo mas magiging delikado, kasi tuluyan nang mapapasa 'yo ang abilidad na iyan. Sa pagdating ng araw na iyon, ay mas magiging agresibo na ang mga humahanap sa atin na tayo ay tugisin!" inis na wika ni Trixie at si Bornok ay naguguluhan pa rin sa inuugali nito ngayon sa kanya.

"Sige, ikaw ang bahala... Basta, sabi mo, wala tayong problema," sabi na lang ni Bornok at naisipan na lang niya na ubusin ang kapeng nasa tasa niya. Iiwanan na lang daw niya si Trixie rito at maglalakad-lakad sa labas kahit medyo madilim pa.

"Parang ang aga-aga ay nag-aaway kayong dalawa ah," bigla namang sinabi ng isang babae mula sa likuran nila. Si ma'am Mira ito at naghihikab pa ito nang lumabas ng kanyang kwarto.

"Hindi mo na ako ginising Trixie, sabi ko sa iyo kagabi ay gisingin mo ako nang maaga," sabi pa ni ma'am at pasimple niyang tiningnan ang dalawa. Alam niya kung bakit parang suplada na muli si Trixie sa binata. Ito ay dahil kay Judy, kaso, wala rin namang magagawa ang kanyang kaibigan kasi kailangang gamitin ni Bornok ang kanyang kapangyarihan kasi para rin ito sa ikabubuti nila. Naipaliwanag na niya ito kay Trixie kahapon at oo na lang ang naisagot nito sa kanya.

Nagseselos si Trixie, kaso hindi niya ito masabi sa dalaga kasi alam din naman niyang itatanggi lang nito iyon. Habang tumatagal ang pagsasama ng dalaga at ni Bornok ay alam naman niyang may mararamdaman ang kaibigan niya rito. Mabait si Bornok at sa ipinapakita nito kay Trixie ay imposibleng wala itong maramdaman dito.

"Ma'am, may gusto mga po pala akong itanong sa inyo," sabi bigla ni Bornok at pasimple namang napatingin si Trixie rito.

"O ano iyon?" tanong ni Mira bago tuluyang pumunta ng banyo. Si Bornok nga ay napatingin muna kay Trixie at pagkatapos noon ay doon na siya nagsalita.

"Mamaya na lang po ma'am..." nakangiting sabi ni Bornok at nagpaalam na rin siya kay Trixie. Lalabas lang daw siya para lumanghap ng sariwang hangin mula sa labas.

Hindi na siya inimikan ni Trixie at bumuntong-hininga na lang si Bornok. Hahayaan na lang daw niya ito. Ang mahalaga ngayon sa kanya ay okay naman ito, okay lang din daw kahit hindi siya imikan nito. Kahit siya rin naman ay parang naiilang dito dahil sa nangyari sa kanila. Hindi niya ma-gets kung bakit pagdating sa dalagang iyon ay parang may hiya siya. Magpo-focus na lang daw siya sa kanyang pagpapalakas. Kailangan pa niyang makahanap ng mga babaeng kanyang hahawakan para mas maging handa siya kapag nagkaroon ng kalaban. Pakiramdam nga niya kanina sa paggising niya ay may hindi magandang mangyayari na parating. Kanina pa kasi niya itong iniisip kasi bukod sa pag-iisip niya kung bakit kilala siya ni Judy sa panaginip nito, ay may bigla rin siyang naramdamang kung ano mula sa kung saan na bigla rin namang naglaho.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon