Chapter 69

776 18 0
                                    


ME69

NAKATULOG sina Bornok at Trixie habang sila ay nasa byahe. Bigla ngang nakaramdam ng antok ang binata at kahit malalim ang iniisip niya tungkol sa nangyari ay hindi niya na ito napigilan pa. Nakasandal ang ulo ng dalaga sa kanya at makikitang medyo mahimbing ang tulog na ginagawa nila nang oras na iyon na ikinangiti na lamang ni Mira na tahimik namang nagmamaneho ng kanilang sasakyan.

"Sino ang tumulong sa atin Lady Mirage?" tanong naman ni Grance sa dalaga habang nakatingin sa madilim na kalsadang kanilang dinaraanan. Medyo malalim na rin ang gabi nang oras na iyon at mahigit isang oras na silang nasa byahe.

Sumeryoso ang tingin ni Mira sa dinaraanan ng sasakyan nila bago sumagot. "Siya si Sir France... ang kapatid ni Heath."

Pagkarinig noon ni Grance ay napatingin siya kaagad sa dalaga at nabigla sa narinig niyang iyon. Katulad ng ibang taga-Lust World, wala ring kaalam-alam ito na nagkaroon ng lihim na relasyon si France at ang babaeng kasama niya ngayon sa kanilang mundo.

"B-buhay pa siya?" bulalas ng binata at tumango naman si Mira.

"A-ang pagkakaalam namin m-matagal na siyang patay? Nagpakamatay siya dahil hindi nito matanggap na ang kapatid niya ang naging hari at hindi siya," sabi pa nito.

"Iyon ang alam ninyo na gustong ipaalam ni Heath sa lahat. Ang totoo Grance, nabibilang lang sa daliri ang nakakaalam ng mga totoong nangyari sa kapatid niya." Tila isang mabigat na atmospera ang mararamdaman sa loob ng sasakyan nang sandaling iyon.

"A-ano ba talaga ang nangyari sa kapatid ni Haring Heath?"

Bumuntong-hininga si Mira bago sumagot.

"Nagmahal siya, at nabigo. Nahuli siya ni Heath at pinahirapan hanggang sa maging walang silbi. Nilagyan din siya ng hari ninyo ng isang sumpa at makalipas ang mga panahon ay narating niya ang mundo ng mga mortal para dito na manirahan," sabi ni Mira na tahimik namang pinakinggan ni Grance. Kaya raw pala kagaya ng hari ang naramdaman niya rito at kaya rin daw pala napakalakas nito.

"H-hindi ba niya kaya si Haring Heath kung lalabanan niya?" tanong pa muli ni Grance at si Mira ay umiling na lamang.

"Hindi niya kaya ang kanyang kapatid. Higit na makapangyarihan ito kumpara kay sir France," sambit ni Mira habang marahang pumreno dahil sa kurbadang kalsada na kanilang daraanan.

"At hindi rin siya nagiging mortal katulad ninyo," dagdag naman ni Grance na tanging pagtango naman ang naisagot ni Mira.

Nagpatuloy pa ng mahigit isang oras ang kanilang byahe, hanggang sa lumiko ang kanilang sasakyan sa isang maliit na kalsada at dumiretso lang ito gaya ng reply ni France sa kanyang phone. Hindi naman siya natatakot kung may lumitaw ritong mga masasamang loob dahil unang-una, kasama niya si Grance at siya ay kaya rin ang mga ito. Habang binabaybay nga ng sasakyan niya ang kalsadang malubak na iyon ay napahikab siya nang kaunti nang makaramdam ng kaunting antok. Malapit na rin kasing mag-alas dose ng gabi nang sandaling iyon.

Ang daming nangyari ngayong araw na ito at hindi niya maisip na ngayon ay natuloy na ang paglayo nina Bornok at Trixie. Wala naman talaga siyang balak na sumama sa dalawa, kaso, mukhang kailangan na rin niya ito. Tatawag na lang daw siya sa trabaho dahil sa emergency na ito at hindi niya masasabi kung kailan siya makakabalik doon. Ipapaasikaso na rin lang daw niya sa iba ang papeles ng matatanggap ni Suzette at alam naman niyang papayag ang kanilang bossings kasi malakas siya sa mga ito.

Isang mataas na gate ang biglang tinigilan nila sa dulo ng mahabang kalsadang iyon at nang mailawan ng sasakyan nila ito ay may isang lalaki ang nagbukas nito. Sumenyas ito na tuloy raw at sa pagpasok nila roon ay agad binuksan ni Mira ang wind shield sa tabi niya.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon