Chapter 41

1.2K 14 1
                                    


ME41

NANG makalipat na si Bornok sa boarding house na tutuluyan niya ay may kaunting paghinga ng maluwag sa dibdib siyang naramdaman. Sa wakas ay wala na siya sa dati niyang tinutuluyan na puro mga lalaki, at puro mag-iinom ng alak. Hindi niya alam kung paano siya nakatiis doon ng dalawang taon. Halos gabi-gabing hindi siya makatulog nang maaga dahil sa ingay na nagmumula roon, at isa pa, palagi na lamang may nagkakagulo kapag may hindi pagkakaunawaang nagaganap sa mga iyon. Maraming beses na nga rin siyang nadadamay sa mga nag-aaway na iyon sa lugar na iyon. Kahit wala naman siyang kinalaman ay napapasama pa rin siya sapagkat kasama niya sa bahay ang mga tunay na kasama roon.

Pagkahanap niya ng bagong boarding house ay walang alinlangan na nga niyang iniwanan ang lugar na iyon. Hindi na nga rin siya nagpaalam sa mga kasama niya sapagkat wala naman siyang pakialam sa mga iyon.

"Ayos dito, may mga babae ring borders," sabi niya sa sarili at kanina nga lang ay may nakita siyang mga ilang magagandang babae rito. May isa nga na sexy at malaki ang dyoga, Sophie raw ang pangalan. Tapos, may dalawa ring medyo bata pa at ayaw niya sa mga iyon dahil alam naman niyang hindi ito magiging interesado sa kanya.

"Kailan ba may nagka-interes sa akin?" natatawa na lamang niyang tanong at bigla nga siyang lumabas para pumunta sa banyo.

Sa paglabas niya ay nakakita siya ng isang babaeng naglalakad papunta sa boarding house nila at mukhang hirap na hirap ito sa dala nitong mga kahon. Sabi sa kanya noong ilang lalaking borders ay apat daw ang babae rito at hindi pa yata niya nakikita iyong isa. Dahil nga parang matutumba na ang dalaga sa buhat nito ay agad siyang tumakbo para tulungan ito.

"T-tulungan na kita Miss?" nakangiti niyang winika sa babae, at pagkakita niya sa maamong mukha nito, at sa butil ng pawis na nasa noo at leeg nito ay bahagya nga si Bornok na natulala rito.

Hindi naman nalalayo ang height nito sa kanya at ang buhok nito ay ang ganda ng pagkaka-itim, isama pa ang mga mata nitong parang nangungusap.

"S-salamat kuya..." nakangiting wika ng babae at parang nahihiya pa siyang nag-abot ng dala sa lalaking nagpresintang tulungan siya. Sinamahan pa nga ni Bornok ang dalaga sa nakahintong sasakyan may labasan. Sa pagkakarinig niyang sinabi ng dalaga ay bagong lipat din daw ito rito, at noong isang linggo pa dapat itong narito, kaso, medyo may inasikaso lang daw siya kaya ngayon lang natuloy.

"Emily nga pala kuya," nakangiting winika ng dalaga sa kanya pagkatapos niyang matulungan ito sa pagdadala ng gamit sa kwarto nito.

Agad namang pinunasan ni Bornok ang kanyang kaliwang kamay sapagkat nakikipagkamay sa kanya ang babaeng nasa harapan niya. Kapwa sila pawisan ng oras na iyon at nakakaramdam pa nga siya ng hiya sapagkat mabantot ang kanyang pangalan kung sasabihin niya ito.

"B-bornok..." nakayukong wika ni Bornok at nag-aalangan niyang kinamayan ang dalaga. Naramdaman ng magaspang niyang palad ang manipis at malambot na kamay ng babae. Parang nahiya siya lalo nang magdikit ang mga palad nila.

"I-iyon talaga ang name mo kuya?" pagtataka ng dalaga at si Bornok ay tumango na nga lang.

"Magpapalit lang ako kuya ng damit, wait mo ako sa labas. Magmemeryenda tayo..." sabi ng dalaga at sinabi ni Bornok na huwag na kasi busog pa siya. Kaso, sinamaan siya ng tingin ng dalaga at sinabing hintayin siya sa labas. Hindi raw siya pwedeng tumanggi rito.

Habang naghihintay sa labas si Bornok ay hindi siya makapaniwala na ang bait ng border na iyon sa kanya. Tunay ba raw ito? Nakaramdam tuloy siya ng kaunting tuwa sa nangyayari sa kanilang dalawa at bigla niyang naalala ang cute nitong mukha kanina.

Crush na raw niya si Emily at nang lumabas na nga ng kwarto ang dalaga ay napalunok na lamang siya ng laway dahil sa suot nito. Naka-sando ito ng gray at naka-shorts na kitang-kita ang maputing hita. Ang sexy nito sa mata ni Bornok at bago pa man siya mahuling pinagmamasdan ang hubog at kurba ng katawan nito ay mabilis siyang yumuko sa ibaba.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon