Chapter 3

5.2K 28 2
                                    


ME3

MARIRINIG sa kalye ang tunog na nagmumula sa nakabisekletang nagtitinda ng pandesal. May malakas na boses ding umaalingawngaw sa lugar na iyon na nagsasabi ng "Taho!" Ang mga naka-uniporme para pumasok sa trabaho at eskwela ay nagsimula na ring magsilabasan para pumunta sa terminal ng jeep sa kanto.

Malapit nang mag-alas sais ng umaga pero may kadiliman pa rin ang paligid. Nagbukasan na ang mga ilaw sa bawat bahay at ang mga tindahan ay nakabukas na rin para sa mga maagang mamimili. May mga tao ring nasa labas para mag-inat-inat ng katawan. Mayroon din namang mga nagkakape para tumingin sa mga nagdaraan. Sari-saring mga imahe ang makikita sa kalyeng iyon na pinamumugaran ng iba't ibang klase ng tao. Nariyan ang mga sira-ulo, at ang mga matitino. May mga bata ring nagtatakbuhan na kaagad at naging maingay na nga ang lugar sa pagsisimula ng pagpasok ng liwanag mula sa kalangitan.

Mula naman sa isang maliit na boarding house sa lugar na iyon ay humihikab na sumilip sa bintana ang isang lalaking nakasuot ng maluwang na tshirt na itim. Sabog ang buhok nito at makikitang may panis na laway pa ito sa gilid ng labi. Kinusot-kusot nito ang kanyang mata habang tumitingin sa kalsada sa ibaba. Pagkatapos ay kinamot pa niya ang makati niyang bayag at pagkatapos ay inamoy-amoy ang kamay na ginamit dito.

"Umaga na naman," sabi niya sa kanyang sarili at pumunta na siya sa may saksakan kung nasaan ang rice cooker. Mag-isa lang siya rito at kahit na pantatluhan ang kwartong ito na may isang double-deck at isang banig ay wala sa kanyang sumasama dahil sa ayaw sa kanya ng mga boarders na lalaki rito.

Nagpakulo siya ng tubig gamit ang rice cooker at naghilamos sandali sa labas. Nakita niyang mga gising na rin ang ibang boarders, pero hindi niya pinansin ang mga ito. Matapos niyang maghilamos ay dumiretso na uli siya sa loob ng kanyang tinutuluyang silid.

Kinuha na niya ang kanyang damit mula sa kahon niyang lalagyanan. Magkakape at tinapay lang siya at maliligo bago pumunta sa trabaho niya. Nang makita niyang kumukulo na ang tubig sa rice cooker ay inalis na niya ang pagkakasaksak nito sa kuryente. Kinuha niya ang tasa at nilagyan niya ng tubig.

Higit na malaki ang tasang iyon kaysa sa normal na sukat. Tinaktakan niya iyon ng dalawang sachet ng kape at kumuha siya ng dalawang tinapay mula sa kanyang lalagyanang may laman na kung ano-anong pagkaing gaya ng noodles at biscuits.

Halos mapaso na ang dila niya nang humigop siya ng kape. Kaso, hindi niya iyon alintana. Mabilis niyang inubos ang kape at ang tinapay. Maya-maya pa ay tumayo na siya. Kinuha na niya ang kanyang malaking towel at ang brief na kanyang susuotin. Kinuha na rin niya ang kanyang tabo na may lamang sabon, shampoo, toothbrush at toothpaste. Lumabas siya ng kanyang silid at paglabas niya ay napansin niyang may isang babaeng boarder ang nakaupo sa lamesang tambayan ng mga nangungupahan dito.

Mukhang kagigising lang nito at tahimik na nagkakape habang nakataas ang isang paa sa inuupuan. Komportable ito kahit na maikli ang suot nitong shorts. Makikita ring magulo ang buhok nito at mukhang hindi pa nakakapag-ayos. Dinaanan niya ang harapan ng mesa at pasimple siyang napasulyap dito na kasalukuyang umiinom ng kape.

Napalunok siya ng laway nang makitang bumabakat ang tuktok ng dibdib nito sa ilalim ng suot nitong maluwag na brown tshirt. Sa pagdaan nga niya ay kunwari na lang siyang wala siyang nakita. Sino ba naman ang hindi matutuwang makita iyon? Isa ito sa magaganda at sexy na boarders dito. Sa pagkakaalam nga niya ay ito ang madalas na pinag-uusapan ng mga boarders na lalaki rito kapag nag-iinuman. Minsan na rin siyang napapainom at ang madalas niyang naririnig ay binobosohan daw nila ito kapag nagpapalit ng damit. Minsan ay nakikita nga raw nila ito na galing sa banyo na nakatapis lang ng towel na kung saan ay pansin na pansin ang hubog ng katawan nito.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon