Chapter 68

755 14 0
                                    


ME68

ILANG sipa pa ang tumama sa nakabulagtang si Bornok at malalakas na pagtawa pa nga ang maririnig mula kay Night habang ginagawa ito. Napapapikit na nga lang si Mira dahil kitang-kita na niyang duguan ang binata dahil dito. Wala siyang magawa kundi ang panoorin lamang ito. Pinipilit pa rin naman niyang kumilos pero nasa ibang lebel nga talaga ang antas ng kapangyarihan ang mayroon si Night at ito ay hindi niya kayang tapatan ng mayroon siya.

Alam ni Mira na pagkatapos ng ginagawang ito ni Night ay papatayin na nito si Bornok. Kung hindi pa rin darating si Sir France na hiningian niya ng tulong ay baka tuluyan nang magtagumpay si Heath sa nais nitong gawin. Maiibalik na muli sa Lust World ang kaibigan niyang si Miracle at kapag naipakasal na ito sa kanilang hari ay tuluyan nang matatapos ang kagustuhan ng dalaga na maging malaya.

"Ano mortal? Kaya mo pa ba? Ang lakas ng loob mong suntukin ako kanina! Hindi ko alam kung paano mo nagawa iyon pero ang bawi sa iyo noon ay mas matindi pa, hindi ba?" bulalas ni Night at iniangat niya si Bornok gamit ang kanyang kanang kamay. Hinawakan niya ito sa buhok at itinaas sa kanyang harapan nang walang kahirap-hirap.

"Napakapangit mo! Hindi ko maisip kung bakit sa iyo ibinigay ni Lady Miracle ang kanyang kapangyarihan. Ni hindi man lang siya nakahanap ng mortal na may mas itsura," sabi pa ni Night habang pinagmamasdan ang mukha ni Bornok na duguan na rin dahil pinagsisipa rin niya ang bahaging ito kanina.

"Nakakatawa ka mortal... Pero tapos na rin ang aking paglalaro," wika ni Night at bigla na lamang pumunta sa kaliwang kamay niya ang kaninang patalim na kanyang hawak. Ngumisi ito at pinagmasdan ang lalaking inilapit niya ang mukha sa kanya.

"Oras na para patayin ka..." sabi nito at si Mira ay napakuyom ng kamao, at mararamdamang ibinibigay na nito ang lahat ng kapangyarihang pwede niyang palabasin. Unti-unti ring muling nakakakilos ang kanyang mga paa at kahit na mahirap ay nilabanan niya ang kapangyarihan ni Night.

Isang pagngiti naman ang sumilay sa labi ni Night nang maramdaman si Lady Mirage mula sa kanyang likuran. Tiningnan niya muna ito at tinawanan pagkatapos.

"Magaling Lady Mirage, pero aabot ba iyan sa pagpaslang ko sa taong ito?" sabi ni Night at pagkatapos noon ay buong-lakas na niyang sinaksak sa puso si Bornok.

Kumawala ang dugo sa ere nang may matamaan ang matalas na patalim na iyon. Mula sa pwesto ni Mira ay kitang-kita niya iyon at lalo na siyang nakaramdam ng kaba dahil may tumulong dugo sa harapan ni Bornok. "H-hindi! H-hindi!" bulalas ng dalaga at tuluyan na siyang pinanghinaan ng loob dahil mukhang ang kagustuhan ni Miracle na maging mortal ay magtatapos na dahil sa nangyaring ito.

Si Night naman ay napaseryoso sa kanyang nakita sa harapan niya. Sinalag ng dalawang kamay ni Bornok ang kanyang patalim at hindi niya malaman kung saan pa ba humuhugot ng lakas ang mortal na ito. Kung si Lady Mirage nga ay nagpupumilit na kumilos dahil sa kanya, pero bakit daw ang bugbog at wala ng lakas na lalaking ito ay nagawa pa ring pigilan ang kanyang pag-unday.

"Hindi ko alam kung ano'ng mayroon sa iyo," sabi ni Night at hinila niya ang patalim, kaso, nagulat siya nang pigilan ito ni Bornok. Mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa talim noon at kahit dumurugo na ang kamay nito ay hindi nito ito bitawan.

"A-aba't lumalaban ka pa!" bulalas ni Night at isang may pwersang paghila ang ginawa niya sa kanyang hawak na patalim. Kumawala muli ang dugo sa mga kamay ni Bornok dahil sa paghalit ng matalas na talim ng kutsilyong iyon dito, at si Night ay napaseryoso lalo sa ginagawa nito. Binitawan niya ang buhok nito at akala niya ay matutumba na ito rito, kaso, nanatiling nakatayo si Bornok at kahit na nagdurugo na ang dalawa nitong mga palad ay makikitang may lakas pa rin ito.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon