Chapter 59

991 16 0
                                    


ME59

PINAG-USAPAN na nga nina Bornok, Trixie at Mira ang nangyari nitong hapon. Naisipan ng binata na sabihin ang mga nangyari sa dalawa at doon ay kumbinsido na nga silang may kung sinumang taga-Lust World ang maaring tumutulong kay Jupert.

"Sasabihin ko ito mamaya kay Grance," sabi sa sarili ni Mira na seryosong nakinig sa mga sinabi ni Bornok.

Matapos ang pag-uusap nila kinagabihan ay nagpasya na nga silang matulog. Sa loob ng kwarto ay makikitang seryosong nakahiga si Bornok habang si Trixie naman ay nakatayo at nakaharap sa isang salamin sa dingding. May inilalagay siya sa kanyang mukha na itinuro sa kanya ng ate niya at napangiti na nga lang nang pasimple si Bornok nang makita iyon. Mukhang tinuruan daw ito ni ma'am Mira kung paano magpaganda ang mga babae rito sa mundo ng mga mortal.

Nang mga sandaling iyon ay kasalukuyan pa rin niyang iniisip si Jupert. Bukas daw ay papasok na ito at dahil sa nalaman niya rito ay hindi pa niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Isa pa, kailangan niyang maging mas maingat dahil doon. Pwede raw na may masama itong balakin sa kanya, at malaki talaga ang tsansa na mangyari iyon.

"Iniisip mo pa rin ba ang nangyaring iyon?" biglang tanong ni Trixie na nakahiga na rin pala sa tabi niya at nabigla siya kasi hindi niya ito namalayan dahil nakatulala lang siya sa malayo bago pa man niya ito malaman. Ang bango raw nito at si Bornok ay pasimpleng lumayo mula rito. Nilagyan nga niya ng unan ang kanilang pagitang dalawa.

"Oo, hindi naman maiiwasan iyon. Lalo pa't papatayin ako, buti sana kung bubugbugin lang." Naisipan na lamang magbiro ni Bornok sa huli niyang sinabi at si Trixie naman ay tumagilid ng higa at iniharap ang sarili sa kanya.

"Basta, maging alerto ka palagi at mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa iyo," sabi na lang ni Trixie at kahit hindi man niya ipahalata ay nakakaramdam din siya ng kaba sa mga pwedeng mangyari. Parang sa bawat paglipas ng araw ay may mga sandaling pwedeng mabulilyaso ang pagiging mortal niya.

"'Wag kang mag-alala, ready ako. Kaya nga pauwi lagi ako kapag nalabas sa trabaho... Tulog na tayo," sabi ni Bornok at tumayo na nga siya para patayin ang ilaw. Humiga nga siya at pumikit. Naalala niya bigla ang paghawak niya kanina kay Ma'am Suzette niya.

Pupuntahan niya ang panaginip nito at bago siya tuluyang makatulog ay nakaramdam pa siya na may yumakap sa kanya mula sa tabi niya. Naramdaman niya ang malambot na bagay sa dibdib nito sa kanyang kanang braso at ang isa sa mga kamay nito ay humawak sa kanyang dibdib.

"Malamig, nais kitang yakapin," sabi pa ni Trixie at si Bornok ay napalunok na lamang ng laway, at ipinikit na nga niya nang tuluyan ang mata para makatulog. Gagamitin na nga niyang muli ang kanyang kapangyarihan para sa kanyang bisor.

*****

NANG imulat ni Bornok ang kanyang mata ay nagulat siya nang sa isang pamilyar na lugar siya napadpad. Lumingon siya sa kanyang likuran at nakita niya ang bahay nina ma'am Mira. Napatingin din siya sa kalsadang narito at parang isang normal na araw ito dahil may ilang maliliit na sasakyan ang dumaraan at may mga tao rin na naglalakad. Sa pagtingin niya sa paligid ay napatingin siya sa isang bahay na tatlong bloke rin ang pagitan mula sa kinatatayuan niya. Sa pagkakaalam niya nga ay isa itong paupahan.

"Ito ba ang panaginip ni ma'am Suzette?"

Sinubukan niyang maglakad sa bahay na tiningnan niya at bigla na nga lang isang babae ang lumitaw mula sa gate nito at kinakawayan siya. Namukhaan niya kaagad ang babaeng iyon na nakapambahay. Bakit daw ito kumakaway sa kanya? Kilala ba siya ni Ma'am Suzette dito?

Napangiti na lamang siya at nang mapakapa siya sa suot niya ay ang pormal na amerikana na naman daw pala ang kanyang outfit. Mabuti na lamang daw at hindi siya ipinagtitinginan ng mga tao na naglalakad sa tabi ng kalsada na tila ba normal lang ang ganito niyang pormahan.

Pagdating niya sa harapan ni Suzette ay napatingin siya sa suot nitong pambahay. Naka-tshirt ito ng purple at kita niya ang hubog ng dede nito at ng balakang nito doon. Flat ang tiyan at sa ibaba ay naka-shorts ito ng black na hindi naman super ikli, pero sapat na rin iyon para mapansin niya ang magandang balakang nito. Isama pa ang mapuputing pares ng hita nito na medyo nakakasilaw sa mga mata niya. Hindi nga niyang niya akalaing ganito pala nga kaganda ang katawan ng kanyang bisor na bihira naman niyang makitang ganito ang suot.

"Hi!" nakangiting wika ni Suzette sa kanya at si Bornok naman ay napangiti nang pagmasdan ang walang make-up na mukha ng kanyang bisor. Sa totoo lang, para sa kanya ay hindi naman talaga pangit ang dalaga. Siguro, iba lang daw talaga siyang tumingin, pero para sa kanya ay maganda rin ito.

"B-bakit po ma'am?" tanong ni Bornok at hindi niya ma-isip kung ano ang magiging set-up ng panaginip na ito ni Suzette.

"Hindi ba, mag-iinom tayo? Nagka-usap na tayo kahapon at sabi mo ay pupunta ka? Kanina pa nga kitang hinihintay," nakangiting wika sa kanya ng dalaga na nakangiting pinagmamasdan siya. Si Bornok ay napangiti rin at naamoy niya ito, ang bango raw.

"Ibig-sabihin, nagkita na kami sa utak niya sa oras na ito," sabi niya sa sarili at hinayaan na lamang niya ang gagawin ng dalaga. Pinatuloy na nga siya ni Suzette sa gate. Nakasunod lang siya rito at napasulyap siya sa kumekembot nitong pwet. Matambok nga raw talaga iyon, kagaya nga ng nakikita niya kapag nasa trabaho ito. Sabi nga ng ilan doon ay padding daw iyon, pero mukhang hindi naman. Hindi man ganoon ka-fit ang shorts nito ay mapapansin pa rin naman daw ang bagay na iyon kahit ganito ang suot nito.

Umakyat sila sa hagdan at mukhang sa second floor ito nakatira. May isa pang paupahang kwarto silang nalampasan at sa pagdating nila sa isang pinto na may dekorasyon ng kung ano sa harapan ay makikitang hinawakan na ni Suzette ang door knob nito.

"Pasok ka," nakangiting wika sa kanya ni Suzette at sumunod na nga siya rito.

Sa pagpasok niya sa loob ay may isang tao pang binati ang dalaga at akala niya ay siya lang ang kasama nito rito. Hindi kalakihan sa loob at sa pagtingin niya sa isa pang tao sa loob ay napaseryoso siya sapagkat lalaki rin ito. May itsura rin ito at katulad din ng kanyang suot. Pasimple niya itong pinagmasdan at hindi niya maipaliwanag kung nakita na ba niya ito o hindi. Pamilyar kasi sa kanya ang tingin nito.

"Night, bago ko nga palang friend..." sabi ni Suzette at tumabi pa ito sa kanya.

"Ano nga uling name mo? Siya si Night, friend ko rin, tatlo tayong mag-iinom," nakangiting sabi ni Suzette at ini-imagine pa lang daw niya ang dalawang pogi na ito ay para na siyang sinisilihan ang pekpek dahil sa pwedeng mangyari.

"A-ako si... Bor... Borris! Borris!" sabi ni Bornok at ang lalaking nakaupo ay nginitian siya.

"Upo ka na doon Borris, magre-ready lang ako ng ating iinumin," sabi ni Suzette at pinisil pa nito ang kanyang bisig. Inalis nga ni Bornok ang kanyang suot na pataas at itinira niya ang kanyang puting shirt. Nagtanggal din siya ng sapatos at medyas matapos iyon. Sa pag-upo nga rin niya sa tapat ng isang maliit na mesa sa loob ay nagkatinginan sila ng lalaking iyon. Iniisip pa rin nga niya kung saan ba raw niya ito nakita.

"Kumusta ka?" tanong nito habang nakatingin sa kanya.

"O-okay naman?" sabi ni Bornok na pumilit na ngitian ito.

"Night nga pala," sabi ng binata na inilahad ang isang kamay niya sa harapan ni Bornok.

Parang ang bigat ng pakiramdam ni Bornok sa loob dahil dito. Isa pa, parang may ibig-sabihin din itong tumingin sa kanya. Inisip na lang niya na sa oras na magsimulang may tumunog sa paligid ay titigil na ang paggalaw sa lugar. Nais pa nga niya sanang maka-usap si Suzette sa kung ano ang problema nito bago gawin ang bagay na iyon. Sana raw ay mapag-usapan nila ito rito kahit ganito siya at hindi komportable.

"B-borris," sagot ni Bornok at kinamayan niya ang lalaking iyon. Sa paglalapat ng mga kamay nila ay nabigla na nga lamang ang binata nang biglang magdilim ang paligid na kanyang nakikita.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon