Chapter 17

1.8K 21 2
                                    


ME17

PAGKAGALING nila sa park ay dinala naman ni Bornok si Trixie sa isang masarap na kainan sa lugar nila. Kakaiba para sa dalaga ang lugar na ito sapagkat sa pagpasok nila sa tagusang bubog na pinto ay nakaramdam siya ng paglamig sa kanyang balat.

"B-bakit tila nagbago ang temperatura rito?" tanong kaagad ni Trixie na napatingin sa paligid. Nakakita siya ng mga lamesang may mga nakaupo at masayang kumakain. Naaamoy nga niya ang nilulutong pagkain sa loob ng kusina sa unahan at hindi niya maiwasang matakam.

"Okay lang iyan, umupo ka na doon," sabi naman ni Bornok at may isang bakanteng mesa sa may tabi ng dingding ang nakita niya. Naglakad nga si Trixie doon at ang binata naman ay inilapag sa kabilang upuan ang kanyang dala.

"O-order lang ako," sabi ni Bornok na tila kompyansang nagsasalita sa dalaga. Sa pagpunta nga niya sa pila ay pasimple siyang napatingin kay Trixie na patuloy lang sa pagtingin sa paligid.

Pagpila niya ay ramdam niya ang paglayo sa kanya ng magandang babaeng nasa unahan niya. Hinayaan na lang niya ito at habang nalalapit siya sa unahan ay napapalunok na lamang siya ng laway dahil ngayon lang siya kakain sa lugar na ito. Mahal kasi para sa kanya ang mga pagkain dito, pero dahil may pera siyang dala at dahil kasama niya si Trixie ay ito ang napili niya.

Pagdating niya sa counter ay napalunok muli siya ng laway dahil may kaba siyang nararamdaman sa kanyang dibdib. Isang magandang bati naman ang ginawa ng kahera na nakangiti pa bago siya tingnan.

"A-ah. M-ma'am... Isa nga po noong manok na may kasamang spaghetti," nauutal na wika ni Bornok at nang mapatingin siya sa babaeng maglilista ng kanyang order ay napangiti siya nang pilit dahil kilala niya ito.

"C-carle---"

"Shhhh! Ano ngang order mo sir?" may diing winika ni Carlene at mahina niyang sinabi na huwag babanggitin ang kanyang pangalan.

"Hindi tayo magkakilala!" impit at mahina pa nitong sinabi at si Bornok ay napatahimik na lamang. Pinaulit sa kanya ni Carlene ang kanyang order at itinuro na lamang niya ang mga iyon.

Inabot nga ni Bornok ang isang libong buo at napataas ng kilay si Carlene dahil pakiramdam niya ay mapera ito.

"Iyo lahat itong order mo? Tama?" mahinang tanong ni Carlene habang pumipindot sa screen ng monitor sa harapan niya.

"M-may kasama ako... Si Trixie..." mahina namang sinabi ni Bornok at si Carlene ay napailing.

"Bulag nga talaga ang babaeng iyan," mahinang winika ng dalaga at iniabot na niya kay Bornok isang pulang bagay na may numero.

"I-iyong order ko?" naitanong pa ni Bornok dahil ngayon lang siya kakain sa lugar na ito.

"Tanga... Umupo ka na at ise-serve sa iyon iyan," sabi ni Carlene na napangisi na lamang.

"S-sorry... S-sige... Sa-la---"

"Next costumer po!" bulalas naman kaagad ng dalaga para putulin ang mga sasabihin ni Bornok. Umalis na nga ang binata at pasimple itong tiningnan ni Carlene. Nakita nga niya si Trixie at napatawa na lamang siya sa kanyang isip.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na may babaeng sasama sa iyo... Weird!"

Mabilis na inamoy ni Trixie ang pagkaing nasa tapat niya. Napatingin siya kay Bornok at mabilis na tinanong kung ano'ng klaseng pagkain ang nakahain sa kanya.

"Fried Chicken at Spaghetti... Iyang nasa tabi, french fries."

Napatingin naman ang dalaga sa may kulay na inuming nasa baso. Itinanong din niya ito kay Bornok.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon