Chapter 62

929 13 0
                                    


ME62

DAY 13.

Naguguluhan pa rin nga si Bornok sa ikinwento sa kanya ng dalawang babaeng kasama niya sa loob ng kwarto pagkagising niya. Nagsisisigaw raw kasi siya na parang binabangungot. Naitanong na nga lang niya na paano raw siya babangungutin ay may panaginip siyang dinalaw? Isang sexy at quality ang katawan na babae ang kanyang natikman doon, na hindi na lang niya sinabing si ma'am Suzette ito. Tinulungan lang naman daw niya itong maging masaya. Iyon ay sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang taglay.

"Sigurado ka ba na ayos ka lamang Bornok?" tanong pa ni Trixie at siya nga ay tumayo at nag-flex pa ng muscles dito sa bisig para magyabang. Seryoso pa nga sa kanyang nakatingin si ma'am Mira niya at napangiti siya rito dahil parang may ibig-sabihin ang titig nito.

"T-trixie? Baka gusto mong uminom ng gatas? Mag-e-exercise lang ako at mapunta na rin ako sa baba," sabi pa nga niya kay Trixie na pinupunasan gamit ang braso ang luhang nangilid sa pisngi nito. "Okay ako! Mukha bang hindi?"

Tumayo na nga si Trixie at kumalma. Lumabas na siya at ngumiti sa kanyang ate Mira. "Ate, ikaw ang magtimpla ng aking gatas, hindi ba?" masaya nitong winika at lumabas na nga ang dalawa mula sa kwarto pero bago pa man sila tuluyang maka-alis ay sinulyapan pa ni Mira si Bornok.

Nag-thumbs up naman ang binata at pagkatapos noon ay sumara na ang pinto sa kanyang kwarto. Dito na nga si Bornok napa-upo sa higaan nila ni Trixie. Bigla siyang napa-isip sa sinasabi ng dalawa. Nasa isip niya ang panaginip niya kung saan ay nakantot niya ang kanyang bisor na si Suzette, pero bakit daw siya parang kinakabahan? Napahawak siya sa kanyang dibdib nang oras na iyon. Huminga na nga lang siya nang malalim at nag-ayos na ng kanilang hinigaan. Nag-exercise din siya bago tuluyang bumaba at pumunta sa banyo.

Hanggang sa pagpasok nga niya sa trabaho ay may hindi pa rin siya maipaliwanag na kabang nararamdaman. Naguguluhan siya pero pinilit niyang maging kalmado pagkapasok, isa pa, makikita na niya si Jupert at balak nga niyang tanungin ito tungkol kay Sophie.

Bago pa man siya pumunta sa bodega ay napatingin muna siya sa receiving area nila para pasimpleng hanapin si ma'am Suzette. Nais kasi niyang makitang okay na ito at masaya na kumpara sa nakita niya kahapon. Nagtaka nga siya kasi ang alam niya ay opening ang schedule nito pero ang sabi ng isang naroon ay wala pa raw si ma'am.

Inisip na lang niyang baka may emergency, o baka tinanghali ng gising, kaya nga dumiretso na siya sa bodega. Nagpalit siya ng damit na pantrabaho na isang lumang tshirt upang ang kanyang uniporme ay hindi na mabasa ng pawis. Pagpasok niya sa stock room ay nakita niya si Jupert na naka-upo sa kanilang tambayan sa dulo at kasalukuyang nagpapaypay ng karton.

Pasipol-sipol pa nga ito at pagkakita sa kanya ay sumeryoso muna ito bago siya tuluyang ngitian.

"Good morning pre," bati ni Bornok at masaya naman siyang tiningnan ni Jupert. Iba nga raw ito kumpara sa mga tingin nito kahapon. Naisip nga niyang baka ito ay dahil nakatikim ito ng magandang babae.

"Good morning din pareng Bornok!" sabi ni Jupert at si Bornok ay tumingin muna sa kabilang dulo para malaman kung may iba pang tao na darating.

"Kumusta nga pala si... S-sophie?" tanong ni Bornok at si Jupert ay parang matatawang-hindi sa kanyang tanong.

"S-si Sophie? A-alin? Iyong ipinakilala mo kahapon?" sabi nito at tumango si Bornok.

"Kita ko, magkasama kayong tumawid ng kalsada," wika ni Bornok at parang nabulilyaso ang pagsisinungaling sana na gagawin ni Jupert. Mukhang hindi raw pala lulusot ang sasabihin niyang umuwi na siya.

"A-ah, n-nakita mo ba?" natatawang wika ni Jupert at si Bornok ay tumango uli.

"P-pre, kumain lang kami sa turo-turo, nilibre ko," sabi pa ni Jupert at si Bornok ay napangiti sa palusot na iyon.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon