Chapter 25

1.5K 17 3
                                    


ME25

PAGKATAPOS kumain ng agahan nina Bornok at Trixie ay nagpasya ang binata na magpaalam muna sa dalaga sa araw na ito. May text kasi ang isang pinagpasahan niya ng resume at pinapupunta siya rito para mag-report. Ipinaliwanag niya sa dalaga na hindi niya ito pwedeng isama dahil wala siyang mapag-iiwanan sa kanya.

"Basta huwag ka na lang aalis dito. May mga pagkain naman diyan," ani Bornok na namimili ng medyo maayos na damit na kanyang masusuot.

"Hindi kita pwedeng hayaang umalis mag-isa... Paano na lamang kung makita mo ang isa sa dalawang babaeng napuntahan mo ang panaginip na kasamahan natin dito? Isa pa, alam kong may isa pang babaeng ikaw ay dinalaw ang panaginip bukod sa kanila," sabi nga kaagad ni Trixie na kasalukuyang naka-upo sa higaang nasa ibaba.

"Huwag kang mag-alala... Hindi ako magpapadala sa mga babaeng iyon. Para sa iyo, mananatili akong virgin," ani nga ni Bornok na nakasampay na sa balikat ang kanyang susuoting damit. Si Trixie nga ay seryosong tumingin dito.

"Iyan ang isang bagay na hindi kayang gawin ng mga lalaking mortal... Ang pigilan ang tawag ng laman. Wala akong tiwala sa sinabi mong iyan!" mariing winika ni Trixie na gusto pa ring magpumilit na sumama sa binata sa kung saan man ito pupunta.

Napangisi na nga lang si Bornok sa narinig niya mula sa dalaga. "Ibahin mo ako. Kaya kong labanan iyon," sambit ng binata at sinamaan lang siya ng tingin ni Trixie. Lumabas na nga siya at nagpunta ng CR.

Sa pagpunta niya sa may pinto ng CR ay nabigla siya nang lumabas mula roon si Emily na nakatapis lang ng towel ang katawan. Ang puti ng kutis nito at si Bornok ay mabilis na umiwas ng tingin dito.

"Hoy! Bornok... Umatras ka nga. Leche... Papangit araw ko e," masungit na wika ni Emily at inirapan pa niya ang binatang hindi naman nakatingin sa kanya. Kaso, sa paglakad nito ay hindi niya nakitang sumabit pala sa pako ang tuwalya sa katawan nito. Nahila ito at nang nakahakbang na palayo ang dalaga ay doon na natanggal ang piraso ng tela na tumatabon sa katawan niya.

Isang tili ang lumabas sa bibig ni Emily at si Bornok ay natapatingin dito dahil sa pagkagulat. Pagtingin niya, bumungad sa kanya ang mala-bote ng softdrinks na katawan ng dalaga. Nakita niya ang pwet nito at mabilis na rumehistro sa utak niya ang mabilog nitong laman sa likuran.

Ang towel ay nalaglag sa daanan.

Sa pagyuko ni Emily para pigilan sanang matanggal iyon ay siya namang pagkita ni Bornok sa hiwang nasa ibaba ng maputing pwet ng dalaga. Nakita niya ang hiyas ng dalaga at ang cute noon sa kanyang paningin. Parang ang sarap dilaan mula sa likuran nito dahil sa pagkakatalikod nito.

"'Yung towel ko," bulalas ni Emily at doon na siya napatakip ng kanyang pwet dahil nasa likuran nga pala niya si Bornok. Doon na siya pinamulahan at nahihiyang napalingon sa lalaking nakatingin sa kanya. Wala na nga siyang nagawa kundi ang umupo nang maliit para maipit niya ang kanyang dibdib sapagkat bubuyangyang ito. Ang isa naman niyang kamay ay nakatakip sa kanyang pwet dahil may lalaki sa kanyang likuran.

Naka-alis na ang tatlong babaeng borders dito at lalo namang hindi niya tatawagin ang lalaking borders nila kung mayroon pa man sa mga ito ang nasa loob. Magkahalong inis at hiya ang nararamdaman niya nang oras na iyon. Napapikit na lang siya at doon ay may towel na lumukob sa kanyang katawan mula sa likuran .

Inilagay ni Bornok ang nalaglag na towel ni Emily at pagkatapos ay nagmadali siyang pumasok sa loob ng CR. Napabuntong-hininga siya at nang maisabit niya ang kanyang towel at damit... at nang matapos na niya ring ilapag ang pangligo niya ay napakapa na lang siya sa kanyang alaga.

Napa-iling siya sapagkat nasa isip niya pa rin ang hiwang nakita niya sa ilalim ng pwet ni Emily. Tumigas tuloy ang kanyang sandata dahil doon.

"Behave," sabi ni Bornok na parang kinausap ito nang siya ay magtanggal ng damit. Nagpatulo na nga rin siya ng tubig at napaupo na lang siya sa bowl. Mainit pa ang temperatura sa loob ng CR at dahil ito sa kakalabas lang ng huling naligo.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon