Chapter 24

1.6K 17 3
                                    


ME24

DAY 4.

Nanghina si Bornok sa nangyaring pagputok ng kanyang katas sa kamay ng dalagang kasama niya. Ramdam nga niyang nakahawak pa rin sa alaga niya si Trixie at parang pinipiga pa ito kahit natapos na. Ginawa nga raw ng dalaga ang sinabi nito na siya ang bahala kung kailangan niyang magpalabas sa umaga.

"Bitawan mo na," sabi ni Bornok at parang nahiya siya sa dalaga. Naramdaman na nga niya ang pagbitaw nito sa kanyang sandata.

"Ang daming lumabas sa iyo. Mukhang masarap na laban ang iyong napanaginipan," sabi naman ni Trixie na mabilis naghanap ng mapagpupunasan ng kanyang kanang kamay. Nang makita niya ang sinuot niyang damit kahapon ay kaagad niyang kinuha ito at pinangpunas.

Hindi naman sumagot si Bornok at mabilis na nga niyang kinuha ang kanyang kumot para punasan ang kanyang nagkayat na katas. Pagkatapos itaas ang kanyang shorts ay bumangon na nga siya at bumaba.

Pasimple siyang napatingin kay Trixie at sa paglabas niya ng kwarto ay nabigla siya nang sumunod ito sa kanya.

"Babantayan kita," mahinang winika ni Trixie at makikitang gulo ang buhok nito. Humikab pa nga ito at sa paglabas nila ay nakita kaagad nila si Sophie na nakaupo sa harapan ng mesang nasa gitna.

"Kita mo ang isang iyan? May masamang balak iyan," bulong pa ni Trixie kay Bornok.

Napalunok na nga lang ng laway si Bornok nang mapatingin siya kay Sophie. Nakasuot ito ng oversized shirt at bigla niyang naisip na baka panty lang ang pang-ilalim nito. Napatingin na nga lang siya sa lababong nasa tabi ng CR at mabilis siyang nagmumog ng bibig doon. Si Trixie muna ang unang pumasok sa CR para umihi at habang nasa labas siya ay nakarinig siya ng sutsot na nagmumula sa kanyang likuran.

Pasimple niyang tiningnan ito at tama ang kanyang hula, si Sophie nga ito. "Bornks... Kailan ka pwede? Miss ko na ang tite mo," wika ni Sophie at napalunok siya ng laway nang makita niyang dinakma ng dalaga ang dalawa nitong bundok gamit ang sariling mga palad.

Nang bumukas ang pinto ng CR ay agad ngang pumasok si Bornok sa loob. Si Trixie naman ay napatingin sa dalagang nakaupo sa harapan ng mesa. Naglakad nga ito papunta roon at umupo sa tapat nito.

"Kung anuman ang binabalak mo kay Bornok ay ako na ang mauunang magsabi. Itigil mo na," pasupladang winika ni Trixie at si Sophie ay napaseryoso ng tingin dito. Nakaramdam naman siya ng inis sa babaeng ito dahil parang ito ang pumipigil sa balak niya kay Bornok.

"Bakit? Hindi ka naman daw niya syota? Kayo bang dalawa?" nakangising winika ni Sophie at pinagmasdan niya ang dibdib ni Trixie.

"Mas malaki ang boobs ko," sabi pa ni Sophie habang inaalog ang kanyang dalawang melon.

Si Trixie ay napatingin sa kanyang dibdib nang oras na iyon. Kung ikukumpara nga naman sa babaeng ito ay talo siya.

"Ano ka ba ni Bornok? Kasi, kung single si Bornok... Ako na mismo ang susuyo sa kanya," sabi pa ni Sophie at si Trixie ay napahigpit ang hawak sa lamesa nang sandaling iyon.

Alam niyang hindi titigil ang babaeng ito, at isa pa, may isa pang babae rito na natikman ni Bornok sa panaginip kaya nasisiguro ni Trixie na isa rin itong magiging problema para sa kanya. Dito na nga siya tumayo at bumuntong-hininga.

"Kasintahan ko si Bornok," winika ni Trixie at napatingin sa kanya si Sophie. Eksaktong lumabas nga rin si Hazel nang sandaling iyon na humihikab at namumula ang mukha dahil sa isang bagay na nasa kanyang isip. Narinig din niya ang sinabi ni Trixie kaya napatingin siya rito at napaseryoso.

Isang mahinang pagtawa naman ang ginawa ni Sophie nang marinig niya ang sinabi ng babaeng si Trixie. Tumayo nga ito at doon na nga bumukas ang pinto ng CR at lumabas si Bornok mula roon.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon