Chapter 72

792 13 0
                                    


ME72

ANG UNANG araw nina Bornok sa resort na iyon ay lumipas. Napaka-relaxing ng naging maghapon niya dahil wala siyang ginawa kundi ang tumingin sa dagat, kumain at matulog. Wala siyang ibang problema na iniisip at habang siya ay nagre-relax ay kasama naman ni Trixie si Mira sa dagat na naligo noong hapon. Ayaw niyang samahan ang mga ito kasi baka makaramdam siya ng hindi maganda kapag nakita niya na basa ang damit ng mga ito. Tiyak siyang may babakat at makikita siya sa dalawa na pwedeng magpasama ng pakiramdam niya.

Wala naman gaanong magandang lutong-ulam siyang ginawa ngayong araw dahil mamimili pa raw ng mga rekado bukas si Lolo Terio na sasamahan daw ni Mira. Gagamitin nila ang sasakyan nito para sa mismong sentro ng munisipyo sila makapamili at makamura ng presyo.

Ngayon nga ay gabi na at mukhang napagod si Trixie sa pinaggagawa nito maghapon kaya maagang nakatulog pagkahiga nito sa kama. Hindi pa naman siya dalawin ng antok nang oras na iyon, kaya nga naisipan na lamang muna niyang lumabas para maglakad sa tabing-dagat nang ganitong oras. Medyo malakas ang hangin sa pampang pero hindi naman siya nilalamig dahil dito.

Ang daming bituin sa langit nang oras na iyon at ang gandang tingnan ng mga iyon. Mula nga sa kanyang pwesto ay tiningnan naman niya ang mga bahay sa likuran niya. Sa kanan niya ay nandoon ang bahay na tinutuluyan nila. Sa gitna naman ay naroon ang hindi kalakihang parking area at ang tinutuluyan namang bahay nina Lolo Terio. Kasunod naman noon ay ang isa pang bakanteng bahay na may apat na kwarto rin sa loob at sa dulo ay ang ang mini hall ng resort na mukhang pinagdarausan ng mga gatherings sa lugar na ito. Sa paglibot ng mata niya ay may natanaw siyang ilaw mula sa cottage na nasa dulo. Tila may tao roon at iniisip niya kung sino ang nandoon. Sandali muna siyang napatingin sa may terrace ng kanilang tinutuluyan at doon nga ay nakita niya si Grance na nakatayo. Nakatingin lang ito sa kanya, pero alam naman niyang walang pakialam ito sa kanya.

"Baka gising pa si Lolo Terio, pupuntahan ko siya," sabi ni Bornok sa sarili at naglakad na siya para puntahan ang cottage na may bukas na ilaw.

Habang papalapit nga si Bornok ay nakarinig siya ng nagtatawanan mula sa cottage na iyon. Unti-unti nga niyang nakikita na mukhang hindi si lolo iyon, kundi ang dalawang anak nitong babae. Mukhang ang saya ng usapan nila at mukhang hindi pansin ng dalawa na siya ay paparating dahil sa kabilang direksyon sila nakaharap.

"Alam mo ate, type na type ko si Grance, simula bukas... Ite-tease ko siya," sabi ni Judy na parang kilig na kilig pa matapos inumin ang alak na nasa kanyang baso. Pagkatapos noon ay kumain siya ng ilang pirasong mani na nasa isang maliit na lalagyanan. Nag-iinom pala ang magkapatid at mukhang masarap ang kanilang usapan nang mga oras na iyon.

Si Judy, nakataas ang dalawang paa sa upuan at makikitang nakabukaka ang hita nito sa suot na maikling shorts. Kitang-kita tuloy ang katambukan ng kanyang hiyas dahil doon. Wala naman siyang pakialam sa upo niyang ito dahil ang ate naman niya ang kanyang kasama.

"Ikaw ate? I know, type mo rin si Grance, ang hot niya ate. Buti na nga lang at tinanong mo si ma'am Mira kung jowa niya iyon. Kasi kung hindi, baka hanggang tingin na lang tayo sa boylet na iyon," sabi pa ni Judy na halatang landing-landi sa pagsasalita niya.

Matapos namang uminom ni Karmina ng alak na nasa baso ay tumingin siya sa kanyang kapatid at ngumiti nang kaunti. "Oo hot naman talaga si Grance. Pero kung type mo siya, go lang. Hindi kita pipigilan dahil baka awayin mo pa ako," sabi nito at pagkatapos ay kumuha siya ng mani para maging pulutan.

"Kay Bornok ka na lang ate," bigla namang banat ni Judy na namumula na ang mukha matapos muling uminom ng alak. Napatawa pa ito pagkatapos at doon ay binato siya ng kanyang ate ng isang butil na mani na nasa palad nito.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon