Chapter 79

836 20 0
                                    


ME79

MAY KALAMANSIAN nga sa kabilang kalsada ng resort at ito pala iyong nakita ni Bornok na napapalibutan ng pader na semento at may gate. Tumawid na sila at may dalang susi si Karmina na siyang ipambubukas sa lock ng gate.

"Mukhang madamot mamigay ang may-ari nito ano?" pabirong sabi ni Bornok habang nakatingin kay Karmina na ngayon ay nakasuot ng black jacket na nagsilbing coat sa kanyang suot na sando na puti. Nakasuot din ito ng jogging pants dahil tiyak si Bornok na matataas ang damo sa loob. Pero magkakaganoon man, hindi pa rin maiwasan ng binata na mapa-isip ng mga malalaswang bagay lalo't silang dalawa lang ang papasok sa loob ng pribadong kalamansiang ito.

"H-hindi naman, sadyang gusto lang ni Sir France na bakuran ang mga ari-arian niya. Ang totoo marami pa siyang properties dito," sabi pa ni Karmina na nakakaramdam ng kaba ngayong nakapasok na sila sa loob ni Bornok. Isinara niya ang gate muli at mula naman sa loob ay sinarhan niya ito upang walang sumalisi ng pasok sa kanila. Minsan kasing nangyari rito na may nakapasok at nalaman lang nila nang hindi ito makalabas dahil nagsisisigaw ito sa may gate sa loob nang panahong iyon.

"Mayaman nga pala talaga ang sir France na iyon," sabi na lang ni Bornok at doon ay tumambad na sa kanila ang mga puno ng calamansi na ang daming mga bunga. Bigla nga niyang naalala ang sir France na iyon, ito ang tumulong sa kanila noong nakaraan para mapunta rito. Malakas daw iyon sigurado, at malaking tulong sa kanila ang taong iyon para maging mortal na si Trixie.

Hawak ni Bornok ang isang hindi kalakihang timba. "Hindi kaya mabulok ang calamansi nating kukunin kung mapupuno itong timba?" tanong pa niya habang nasa likuran ni Karmina na ngayon ay naglalakad. Pasimple pa nga siyang napapatingin sa pwet nito at kahit pa medyo hindi halata ang katambukan noon sa suot na jogging pants ay parang gusto niya itong paluin. Bigla kasi niyang naalala ang ginagawa nila kagabi sa panaginip. Nakatuwad ito habang tinitira niya. Pinalo rin niya nang pinalo ang pwet nito roon at napa-iling na lamang siya dahil doon.

"Puro kalibugan na naman ang naiisip ko," sabi ni Bornok sa sarili at bumangga siya kay Karmina nang hindi niya namalayan na tumigil pala ito. Bumangga ang katawan niya sa likod nito. Huminto pala ito sa tapat ng isang puno ng kalamansi.

"S-sorry," natatawang sabi ni Bornok at nilingon siya ni Karmina at nginitian. Napangiti na lang si Bornok kasi pati ang umbok sa shorts niya ay tumama sa pwet ng babaeng kasama niya. Medyo boner ang kanyang tite nang oras na iyon dahil sa mga inisip niya.

Nagsimula nang mamitas ng kalamansi si Karmina at si Bornok ay nakipitas na rin. Inilagay nila sa timba ang kanilang mga nakuha at ang binata ang nagbitbit noon.

"Ikaw Bornok? Matagal mo na bang kakilala sina ma'am Mira? Kasi parang close ka rin sa kanila e," sabi naman ni Karmina na naisipang magtanong sa kasama niya. Oras na raw siguro para kilalanin niya ito.

"H-huh? H-hindi naman ganoon katagal. O-okay naman sina ma'am Mira. Kahit ganito ako ay tanggap nila ako," natatawa namang sabi ni Bornok nang magsimula na uli silang maglakad para lumipat sa sunod na puno ng calamansi na may bunga na madaling maabot.

"Pansin ko, medyo malapit ka rin kay ma'am Trixie. Type mo siguro si ma'am?" pabiro pero may lamang winika pa ng babae.

"H-huh? H-hindi... Masungit iyon," natatawang sagot ni Bornok at nag-iingat din siya sa mga masasabi niya. Hindi naman kasi niya pwedeng sabihin dito ang totoo.

"Mukha nga. Nasusungitan din ako sa kanya, kumpara kay ma'am Mira," sagot ni Karmina at habang nagpapatuloy silang manguha ng calamansi ay may natanaw na kubo si Bornok sa hindi kalayuan.

"M-may kubo doon?" sabi niya at si Karmina ay napaseryoso nang makita iyon.

"Oo, sadyang meron diyan. Minsan kasi kapag napunta si sir France dito ay diyan siya natutulog," sabi pa ni Karmina at naglakad sila papunta roon. Isang bakanteng lupa iyon na napapaligiran naman ng hindi kataasang mga puno ng mangga. Nasa gitna nga ang kubo at ang lilom mula sa mga punong nakapalibot dito ay direktang sa bahay tumatama. Mukhang presko nga talagang doon magpahinga kung siya ang may-ari nito, isip-isip ni Bornok.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon