Chapter 95

818 22 0
                                    


ME95

DAY 21.

Gumising na muli si Bornok nang hindi katabi si Trixie. Sa kabilang kwarto na naman kasi uli natulog kagabi. Ginawa na nga lang niya ang kanyang madalas gawin kapag umaga, ang mag-exercise at tumakbo sa tabing-dagat. Parang bumalik na nga uli sa normal ang lahat mula kahapon. Wala na ring nararamdaman si Judy sa kanya, at si Karmina naman ay nakausap na niya para maging okay na sa mga nangyari sa kanila. Hindi man niya sinabi na alam niya ang nangyari, ay ramdam naman niyang magiging ayos na rin ito.

Napapa-isip nga siya kung kakayahan niya rin ba iyon? Kaya nga sinabi niya uli iyon kay ma'am Mira at wala naman siyang ibang narinig mula rito kundi ang mag-obserba raw siya sa mga pwede pa niyang magawa. Wala rin itong ideya tungkol doon at naging masaya na lang din naman si Bornok dahil mas okay ito para wala nang maging banta sa pagiging virgin niya. Wala na raw mang-aakit sa kanya at wala na ring didikit sa kanyang babae na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan.

"Mas okay nga ito..." sabi ni Bornok sa sarili at huminto na siya sa pagtakbo at nagsusuntok sa hangin.

"Baka sadyang hindi talaga ako magkakaroon ng syota... Hindi ako makakakilala ng babaeng sadyang mamahalin ako." Napatawa na nga lang siya sa kanyang mga naisip na iyon dahil parang ang drama niya raw. Agad nga siyang naligo nang maaga at pumunta na siya sa kusina sa labas pagkatapos. Masaya niyang ipinagluto ng masarap na agahan ang mga kasamahan niya. Fried rice at itlog. May kasama ring tinuyong mga isda at sarap na sarap ang mga kasama niya sa mga pagkaing kinain nila.

"Parang ang saya mo yata ngayon Bornok," sabi ni Judy habang nakangiti sa binata. Kasalukuyan pa silang kumakain nang mga oras na iyon.

Ang katabi naman niyang si Trixie ay parang sumama ang mood nang marinig iyon habang si Mira naman ay napasalita rin.

"Oo nga Bornok. Parang iba ka ngayon. Parang wala kang problema. Narinig kita kanina habang nagluluto, pakanta-kanta ka pa," nakangiting wika ni Mira at si Bornok ay parang nahiya sa narinig niyang iyon. Napatingin tuloy sa kanya ang mga kasama niya.

"P-po? W-wala lang, mas okay namang ganito. Walang problemang iniisip," sabi ni Bornok at napatingin siya kay Trixie na kakatapos lang uminom ng tubig.

"Hindi ba Trixie?" nakangiting tanong pa ni Bornok sa katabi niya na sinamaan kaagad siya ng tingin.

"Smile ka nga, ikaw lang ang parang masama ang mood dito," ani pa ni Bornok at ang dalaga ay lalong sumama ang tingin sa kanya. Napatawa naman si Mira nang umalis kaagad ang dalaga na katabi nila ni Bornok.

"Suplada talaga," mahina pang sinabi ni Bornok at pagkatapos noon ay natapos na ring kumain ang iba. Siya na rin ang nagpresintang maghuhugas ng plato, kaso, inunahan siya ng magkapatid na Judy at Karmina.

"Kami na! Nakakahiya na sa iyo Bornok. Ikaw na nga ang naging chef namin dito, tapos, ikaw pa ang maghuhugas nito," sabi ni Karmina.

"P-pero..." ani Bornok.

"Wala nang pero-pero Bornok! Huwag kang makulit," nangingiting wika ni Judy sa kanya na pinalo pa ang kamay niya nang hahawak na sana siya ng platong liligpitin.

Wala nang nagawa si Bornok at doon na nga siya umalis. Napasulyap pa siya sa magkapatid at nakakatuwang isipin na okay na nga talaga ang mga ito. Nakita niyang nagkukulitan pa ang dalawa at parang walang nangyari. Si Lolo Terio naman ay busy sa paglalaro ng apo niya at sa pagbalik niya sa bahay ay nakita niya si ma'am Mira at Grance na nag-uusap. Aalis daw ang dalawa at siya na raw muna ang tumingin kay Trixie na naroon daw sa may dagat.

"S-saan po kayo pupunta ma'am?" tanong ni Bornok.

"Magpapagasolina lang ako ng sasakyan. Medyo malayo kasi ang station dito. Nakalimutan ko noong nagpunta kami sa bayan nina Lolo Terio," nakangiti pang sabi ni Mira at tumango na nga lang si Bornok dito. Nakabihis na ang dalawa at sa paglayo pa nga ng dalaga ay napangiti pa siya kasi ang sexy nito sa suot nito. Kitang-kita na naman ang kurba ng balakang nito at ang matambok na pwet ay kapansin-pansin na naman.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon