Chapter 8

2.5K 23 0
                                    


ME8

ALAM naman ni Bornok na magandang babae talaga ang pulubing inakay niya kagabi, subalit ang makita itong malinis na at bagong ligo ay sadyang nakakagulat para sa kanya. Talaga bang nagawa niyang dalhin ito sa kanyang kwarto? Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero tila may kaunting pagbabago sa kanyang buhay dahil dito. Si Sophie ay naging kaibigan niya at kasama pa niya si Trixie.

"Pero... Baka umalis na rin siya," sabi pa ni Bornok sa sarili at uminom na lamang siya ng kape. Nang tingnan nga niya si Sophie ay nakatulala ito sa kanya na parang may gustong sabihin na hindi maituloy.

Napalibot din siya ng tingin sa mga kapwa niya borders at sila ay hindi makapaniwala sa pulubing dinala niya rito kagabi.

"Hoy! Bornok! Saan mo nakuha iyon? Quality ang isang iyon ah! Seryoso ka bang pulubi iyon?" wika ni Mark na may pag-akbay pa kay Bornok. Mahahalata nga sa mukha nito ang pagka-interesado sa babaeng lumabas sa CR.

"Huwag mong sabihin na naka-score ka doon kagabi?" dagdag pa nito at may paghigpit pa siya ng akbay kay Bornok nang sabihin iyon.

Narinig din iyon ng mga nasa labas na borders at si Emily ay napalapit din sa lamesa kung nasaan sila.

"Pinilit mo iyon Bornok? Imposibleng patulan ka noon," ani ng dalaga at si Carlene naman ay pinasundan pa ito na lumapit din sa kanila na isa rin sa hindi makapaniwala.

Si Sophie naman ay gustong ipagtanggol si Bornok pero, hindi niya nagawa sapagkat parang naging tikom ang bibig niya sa paglapit ng mga kapwa niya borders sa kanila. Isang lalaki pa nga ang lumapit at isa rin sa nakisalita sa kasamahan nilang wala silang ginawa kundi ang kutyain at pagtawanan.

"Bornok... Kilala ka namin. Pinilit mo lang iyon? O baka may sira sa utak ang babaeng iyon?" sinabi pa nito at si Bornok ay nakaramdam ng panliliit sa mga pinagsasabi sa kanya ng mga kasamahan niya.

"Tama sila... Imposible nga namang patulan ako ng kagaya noon..." sabi ni Bornok sa sarili at naririnig pa rin niya ang mga sinasabi sa kanya ng mga naroon tungkol sa magandang babaeng nadala niya sa loob ng kanyang kwarto. Para sa kanila ay wala siyang kakayahang makapag-uwi ng ganoon kagandang nilalang.

Napahigpit na nga lamang ang pagkakahawak ni Bornok sa tasa na kanyang hawak. Napayuko na lamang siya at nang tingnan niya si Sophie ay napailing na rin lamang ito sa kanya.

"Hindi ba kayo makapaniwala na maiisama ako ng tulad ng lalaking iyan sa loob ng kanyang kwarto?" Isang boses ang biglang nagsalita mula sa hindi kalayuan. Lumabas na nga si Trixie at alam na alam niya ang ginagawa ng mga kasamahan ng binatang pinagsalinan niya ng kapangyarihan. Hindi naman siya bulag upang hindi mapansin ang pisikal na kaanyuan ng binata. Sa mundo ng mga mortal ang mata ang palaging nagsasabi kung dapat bang irespeto ang isang indibidwal... at sa kalagayan ng lalaking umakay sa kanya kagabi ay napagkaitan ito ng bagay na iyon.

Naglakad si Trixie papunta kay Bornok at itinayo niya ang binata na nahahalata niyang parang nahihiya na sa mga taong nakapalibot sa kanya.

"Naiinggit ba kayo sapagkat nagawa niya akong isama sa loob ng kanyang silid?" prangkang winika ni Trixie na pinagmasdan ang mga kalalakihang nang-aalaska kay Bornok. Nginitian niya ang mga ito at sineryosohan ng tingin.

"Ang mga tulad ninyo lalaki ay hindi makapaniwalang magagawa akong isama ng lalaking ito sa loob ng kanyang tulugan? Isang malaking sampal para sa inyo ito sapagkat kayo, kakailanganin pa ninyong languin sa alak ang isang babae para masipingan ninyo... O kung minsan ay maglalabas pa kayo ng pera upang maibsan ang init ng inyong katawan..."

"Mga nakakaawang nilalang kayo. Tila yata naungusan kayo ng lalaking ito..." Inakbayan ni Trixie si Bornok sa harapan ng mga natahimik na kasamahan nito. Habang hindi pa nga tapos ang kakailanganin niyang araw ay kailangan niyang protektahan ang lalaking nagtataglay na ng kanyang kapangyarihan.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon