Chapter 89

960 20 0
                                    


ME89

KINAGABIHAN, mag-isang nakahiga si Bornok sa kanyang kwarto dahil sabi ni Trixie ay sa tabi raw muna ni ma'am Mira ito matabi ng pagtulog. Pansin nga niyang nitong tanghali nga hanggang kanina ay hindi ito naimik sa kanya. Tinanong naman niya kung bakit, pero nginitian lang siya nito. Bigla tuloy niyang naalala kung iyon ba ay dahil sa ginawa nila kagabi, kaso hindi naman siya sure dahil kanina naman paggising nila ay ang saya-saya pa ng bati nito sa kanya.

"Baka na-miss lang niyang katabi si ma'am Mira..." sabi niya sa kanyang sarili at napapikit na siya dahil may pupuntahan siya ngayong panaginip. Ito ay ang panaginip ni Judy na kanina ay ilang beses nga niyang nahawakan. Nakikita naman niyang okay ang dalaga at hindi na ito naiilang sa kanya, pero gusto niyang masiguro na tuluyan na itong maging masaya. Gusto rin kasi niyang makalimutan nito ang mantsang iniwan ng pangyayaring iyon dito. Naisip nga rin niya na baka pwede niyang hawakan uli si Karmina, kaso, naisip din niyang kausapin na lang siguro ito kapag may pagkakataon.

Bumuntong-hininga si Bornok at doon na nga siya natulog. Gagana na uli ang kanyang kapangyarihan at sa pagmulat ng mata niya mula sa kadiliman kanina ay lumitaw siya sa cottage sa tapat ng bahay nina lolo Terio. Napatingin agad siya sa suot niyang damit at nakita niyang ito na naman ang amerikana na itim. Napa-iling nga siya at napatingin sa paligid. Wala naman daw tao rito kaya kumaripas siya ng takbo papunta sa kanilang tinutuluyang bahay. Pumasok siya sa kwarto niya at nagpalit ng suot. Shorts at sando na lang ang sinuot niya at paglabas mula roon ay bigla niyang naisip na tingnan ang kwarto nina ma'am Mira.

"Nandito rin kaya sila?" tanong niya sa sarili at dahan-dahan niyang pinihit ang knob ng pinto.

"Hindi naka-lock..." Napalunok pa siya ng laway at parang kinabahan sa gagawin niya. Huminga siya nang malalim at binuksan ang pinto ng silid na iyon.

Walang tao roon. Natawa na nga lang si Bornok sa kanyang sarili dahil sa ginawa niya. "Hindi nila ito panaginip kaya wala dapat sila rito."

Lumabas na nga siya ng bahay at tumama sa katawan niya ang hangin na nagmula sa dagat. Wala nga raw talagang pinagkaiba ang paligid na narito sa tunay na buhay. Naglakad na siya pabalik sa cottage at hinanap niya kung nasaan si Judy.

Nang mapatingin siya sa cottage na kaninang nilitawan niya ay may nakita siyang naka-upo roon. Nakilala na niya kaagad ito dahil sa hulma ng ulo at buhok nito. Si Judy iyonat isang matikas na lakad ang kanyang ginawa. Hindi siya sigurado kung malungkot dito ang dalaga o hindi, pero gusto lang niyang matapos na ito para sa paggising nito bukas ay masaya na ito at wala na ang lungkot na nakakubli sa puso nito.

Isang tikhim ang ginawa niya sa dalaga at pagkatapos noon ay napatingin na ito sa kanya nang may ngiti.

"Bornok? Saan ka galing?" tanong sa kanya ni Judy na nakasuot ng maikling shorts at manipis na pink shirt na kung saan ay makikita ang itim nitong bra sa ilalim.

Ang tanong na iyon ni Judy ay ikinagulat naman ni Bornok.

"K-kilala mo ako?" bulalas niya at tumango lang si Judy na parang natatawa sa kanya nang oras na iyon.

"Oo, bakit? Sino ka ba dapat? Si Bornok ka 'di ba?"

Napakamot ng ulo si Bornok at naguluhan kasi bakit daw kilala siya ng babaeng ito? Napatingin nga siya sa bubog na bintana ng bahay nina lolo Terio at tiningnan muna niya ang kanyang sarili. Ito ay ang gwapo niyang mukha, kaya paano raw siya makikilala ni Judy rito?

Naguguluhan pa rin siya hanggang sa tinawag na siya ng dalaga na nasa loob ng cottage.

"Paano niya ako nakilala? May mali ba sa kapangyarihan ko? Kailangan ko itong maitanong kay ma'am Mira bukas..."

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon