Chapter 70

820 14 0
                                    


ME70

DAY 14.

Isang private resort na pagmamay-ari ni France sa medyo malayong bayan mula sa kabisera ng probinsya ang binigay niyang matutuluyan nina Lady Mirage. Iyon ang lugar na nakikita niyang magiging ligtas sila mula sa mga taga-Lust World dahil malayo ito sa kabayanan na maraming tao at malaking bagay rin ang itim na porselas na ibinigay niya sa mga ito. Tiniyak din niyang hindi basta-basta masusundan ng mga alagad ni Heath ang mga ito matapos niyang pabalikin na ang mga ito sa Lust World matapos sindakin ang mga ito gamit ang kanyang taglay na lakas.

Hindi niya inaasahan na may papasukang ganitong sitwasyon si Lady Mirage sa mundo ng mga mortal. Ang pagkakaalam niya kasi ay lumayo na ito sa mga bagay na may koneksyon sa dati nilang tinitirhang mundo.

"Kung sabagay, kaibigan niya si Lady Miracle."

Pinatay na nga niya ang baga ng kanyang sigarilyo sa ash tray na nasa kanyang harapan. Bumuga siya ng huling usok at pagkatapos ay naalala niya ang mortal na kaharap ni Night kanina. May kung anong bagay ang naramdaman siya mula sa taong iyon at hindi niya malaman kung ano iyon. Ito ay ang mortal na pinagpasahan ni Lady Miracle ng kapangyarihan para siya ay maging mortal. Napapa-isip lang siya kung paano ito nanatiling buhay sa kamay ni Night kasi, sa palagay niya ay mahuhuli siya ng dating doon kahit pa magmadali siya.

"Makalipas pa ang limampung araw bago unti-unting magkaroon ng pisikal na lakas ang mortal na iyon mula sa kapangyarihang ipinasa ni Lady Miracle sa kanya. Kaya papanong nagawa niya iyon kay Night? Isa pa, nakita ko ang tama sa mukha ng alagad ni Heath at may tumamang kamao rito."

Napagmasdan niya ang kamay ni Mirage at ni Grance pero walang bakas na sumuntok ang mga ito, kaya wala siyang napaghinalaan na gumawa noon kundi ang mortal na bumulagta sa kanyang likuran. Pinagmasdan nga muna niya ito sandali bago tuluyang paalisin sina Mirage at doon ay parang wala naman daw siyang maramdamang espesyal dito maliban sa may kapangyarihan ito ni Miracle, kung ang pagbabasehan niya ay ang presensyang taglay nito. Kaso, may kakaibang pakiramdam siyang hindi maipaliwanag mula rito na hindi niya malaman. Gusto sana niyang alamin iyon, pero ano ba raw ang pakialam niya rito? Makalipas naman daw ang isandaang araw ay mawawala rin ito sa mundong ito para sa pagsasamortal ng isang taga-Lust World.

Si Lady Mirage ang nasa isip niya ngayon na makalipas ang mahabang panahon ay muli niyang nakita. Wala raw ipinagbago ito, maganda pa rin ito at sexy. Alagang-alaga raw nito ang sarili at mukhang masaya na ito sa buhay na mayroon siya. Napangiti na lamang siya at naalala ang nakalipas. Wala na ang dalaga, at hinding-hindi na sila babalik sa dati na matagal na rin naman niyang tinanggap sapagkat alam niyang walang mararamdamang pag-ibig sa kanya si Mirage kahit pa magpumilit siya.

Ipinikit na lamang niya ang kanyang mata at isang katok mula sa kanyang hotel na tinuluyan ang bigla na lamang niyang narinig.

"Bukas iyan," sabi niya at pumasok nga ang isang babaeng nakasuot ng uniporme ng hotel, ito ay ang nasa front desk kanina na kanyang tinitigan. Napangiti na lamang si France at sa pagtatagpo ng mata nila ng babaeng iyon kanina ay nagamitan na kaagad niya ito ng kanyang hipnotismo. Sa pagla-lock ng dalaga sa pinto ng kanyang kwarto ay siya namang pagtanggal niya ng kanyang tuwalyang nakabalot sa kanyang baywang.

Nagliwanag ang loob nang isang nakakasilaw na liwanag ang makikita sa pagitan ng kanyang hita. Bilang isang dugong bughaw sa Lust World ay isa siya sa nagtataglay ng ganitong klase ng tite. Sa Lust World ito ay ikinatutuwa ng mga naroon, ngunit sa mundo ng mga mortal ay natitiyak siyang pagtatawanan ito kapag nalaman nilang ganito ang kanyang sandata.

"Pero wala na akong pakialam dahil hindi naman nila ito makikita," sabi ni France at sa paglapit ng babaeng iyon na kanina pang nakakaramdam ng init sa katawan ay agad nga nitong hinawakan ang umiilaw na tite ng lalaki.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon