Chapter 85

786 16 0
                                    


ME85

WALA na namang ibang bagay na magawa si Bornok sa araw na ito. Pagkatapos nga niyang kumain at maghugas ng plato ay heto at tambay na naman siya sa kung saan dito sa resort. Relaxing naman talaga kung iisipin ang bagay na ito kasi wala siyang iniisip na trabaho. Wala rin siyang iniisip na kailangan niyang kumita ng pera para pambayad sa kung ano-ano.

Kaso, nakaka-bored din daw pala ang ganito. Napatingin na lamang siya sa kalendaryong nakasabit sa dingding sa may terrace. Hinanap niya rito ang araw na nakilala niya si Trixie at binaybay ang mga araw mula roon.

"18 days na pala, halos kalahating buwan na," sabi ni Bornok sa sarili at nakarinig na lang siya ng masayang tawa mula sa kanyang likuran. Si Trixie iyon dahil naglalaro ito sa phone ng kanyang ma'am Mira. Bigla tuloy niyang naalala ang kanyang keypad na phone na hindi na niya nakuha sa bahay nina ma'am niya. Naiwan iyon doon, at kung sabagay raw, wala namang magte-text doon na iba. Ni wala rin namang humihingi ng kanyang number dati.

"Ang boring..." nasabi na lang ni Bornok sa sarili at natatawa na lang siya kasi ni minsan ay hindi naman siya nakaramdam ng ganito noon. "Siguro sa kawalang-kakwentahan ko noon ay wala na akong oras para makaramdam nito..."

Tumayo na nga siya mula sa pagkaka-upo niya at pasimple siyang tumingin kay Trixie na mukhang hindi na naman magpapa-abala dahil sa paglalaro nito ng mobile games. Paglabas niya ay pasimple siyang sumulyap sa kabilang bahay. Si Lolo Terio ay naka-upo lamang sa kanyang tungga-tungga at mukhang natutulog ito.

"Wala rin namang gagawin si Lolo," sabi ni Bornok sa sarili na naglakad-lakad muna sa resort. Bigla niyang naalala si Judy kagabi at ang sinabi nito. Medyo nag-iba naman daw ang dating nito kanina sa kanya habang sila ay kumakain. Medyo masungit na naman daw ito kapag tinitingnan niya at mukhang mabuti na rin na nagbago ito kumpara kahapon na parang lugmok na lugmok.

"Iyon pala ang dahilan..." seryoso niyang sinabi at naalala niya ang mga tambay na nakita niya kahapon sa tindahan.

"Kailangan ko nga pala itong sabihin kay ma'am Mira. Baka matutulungan niya ako para maturuan ng leksyon ang mga kupal na iyon. Bago man lang sila makulong ay kailangang may gawin akong isang bagay na tiyak na pagsisisihan nila dahil sa katarantaduhang ginawa nila."

Habang siya ay nagsisipa ng mga nahulog na maliliit na niyog sa buhanginan sa tapat ng mga puno ay napatingin siyang muli sa bahay nina Lolo Terio. Nakita niyang lumabas si Judy na naka-shorts ng hanggang tuhod ng itim. Hindi na ito kagaya ng mga suot nito na dating mga pekpek shorts. Jacket naman ang pantaas nito at mukhang magpapahangin muna ito sa labas. Habang siya nga ay nakatingin doon ay napalingon din ang bigla dalaga sa kanya.

Agad siyang umiwas ng tingin at kunwari ay hindi siya roon nakatingin kaso, tinawag siya ni Judy.

"Hoy! Pumunta ka dito!" tawag ni Judy at si Bornok ay parang nagulat na tinawag siya ng babaeng ito. Syempre, agad nga siyang sumunod at tinanong kung bakit.

"Wala lang, samahan mo ako," wika ni Judy na pasungit na nagsasalita kay Bornok. Hindi niya alam kung bakit tinawag niya ang lalaking ito. Hindi rin niya alam kung paanong naaatim niyang kausapin ito. Siguro raw ay dahil sa alam na nito ang nangyari sa kanya at sa ate niya. Siguro nga ay kailangan na rin daw niyang mabait dito kahit na naiinis siya sa pagmumukha nito.

"S-saan?" nangingiting wika ni Bornok na parang medyo naiilang pa sa dalaga kasi sa totoo lang ay hindi pa naman siya sanay na maka-usap ito kumpara sa ate nito na okay na siya.

"Diyan lang sa cottage sa tapat! Wala naman tayong ibang pupuntahang iba," pasupladang sabi pa ni Judy at agad siyang pumasok sa kubong iyon sa tapat ng bahay na tinutuluyan ni Lolo Terio.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon