Chapter 64

829 11 0
                                    


ME64

HUMINTO ang sasakyan ni Mira sa harapan ng isang simpleng bahay na may nakalagay ng mga tolda. Ito ay ang bahay nina Suzette at mabuti't nasa tabi lang ng highway kaya madali nilang nahanap ito. Pagdating nila ay agad silang pinagtinginan ng mga naroon sa mga mesa na tao na may mga nagkukwentuhan at may ilan na rin kaagad na nagsusugal. Hindi naman ganoon karami ang tao, mabibilang lang din naman sila sa daliri lalo't unang gabi pa lang ito.

Sinalubong nga silang dalawa ng isang matandang babae na nakasalamin. Ang nanay ng nakaburol. "Sino po sila ma'am? Kaibigan po ba kayo ni Suzette?"

"Ako ma'am ang HR nila sa trabaho," pagpapakilala ni Mira sa kanyang sarili. Ipinakilala rin niya si Bornok bilang kaibigan ng yumao nitong anak. Nakangiti silang pinatuloy ng matanda at sa kabila noon ay makikitang may lungkot sa mga mata ito nang sandaling iyon. Pagpasok nila sa loob ay nakita nila ang isang kabaong at may dalawang batang babae na wari'y nasa edad pito hanggang sampu kung titingnan sa harapan nito. Nakakabatang kapatid daw ito ni Suzette.

Umiiyak ang dalawang batang iyon habang nakatingin sa kanilang ate na ngayon ay nasa loob na ng kabaong. Ang buong pamilya nila ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyaring ito at pakiramdam nila ay napakadaya ng pagkakataon para sa kanila. Napakabait daw kasi ni Suzette na palaging inuuna sila kapag sumasahod ito.

Nang mapatingin naman si Bornok sa dalagang ngayon ay nakahiga na at wala ng buhay ay nakaramdam siya ng lungkot sa nangyari. Parang may mali talaga sa pangyayaring ito. Hindi siya sigurado pero pakiramdam niya ay may nangyari na hindi niya maalala.

Pinaupo nga sila ng nanay ni Suzette at dinalhan naman ng tinapay at kendi ng isang may edad ng lalaki, ito raw ay ang tatay ng dalaga. Dito nila nalamang panganay raw pala ang dalaga at ito raw ang bumubuhay sa kanila.

Hindi ito lubos maisip ni Bornok nang magdepende lang siya sa kwento noon ni Jupert. Hindi niya naisip na sa likod ng ganoong pakikitungo ng dalaga sa katrabaho niya ay isa pala itong mabuting anak. Napatingin siya sa mga magulang at kapatid ni Suzette na malungkot ang mga mata. Ito ba ang pakiramdam ng namatayan ng mahal sa buhay?

Halos mahigit isang oras lang ang itinagal nila ni Mira roon. Dito nga nakwento ng nanay ni Suzette ang naging resulta ng pagkamatay nito. Binangungot nga raw at ang masaklap ay magtatanghali na ito nalaman. Ilang oras na itong patay bago pa man malaman ang sinapit nito. Habang nagkukwento ang nanay nito ay panay rin ang iyak nito. Sinabi nito kung gaano kabuting anak ang dalaga at ang mga pangako raw nitong pagpapa-aral sa dalawa niyang kapatid ay mukhang hindi na matutuloy. Ramdam ni Bornok ang sakit na nararamdaman nito na seryoso lang namang pinapakinggan ni ma'am Mira.

Dito nga ay nangako sa Mira sa mga ito na may makukuhang pera si Suzette sa kanila, lalo pa't regular ito at matagal nang nasa kompanya. Iyon na lang ang tanging magagawa niya bilang HR ng kompanya at nasa kontrata rin naman ito.

Habang nasa byahe nga sila ay natahimik na lamang si Bornok habang nakatingin sa labas. Hindi pa rin niya lubos maisip na wala na nga talaga si Suzette. Ganoon lang kabilis kinuha ang buhay nito at ang masakit ay may mga naiwan itong dito umaasa.

"Okay ka lang ba Bornok?" biglang tanong ni Mira.

Napangiti si Bornok sa tanong na iyon. Imbis na sumagot ay isang tanong din ang kanyang sinabi. "Kapag kaya ako ma'am ay namatay? May malulungkot kaya? May iiyak?"

Sumeryoso ang mga mata ni Mira sa narinig kay Bornok. Hindi niya alam ang sagot doon, lalo't hindi niya alam kung may pamilya ba ang binata.

"Wala ka bang mga magulang? Kapatid?" tanong uli ang sinabi ni Mira at si Bornok ay napasandal sa bintana ang ulo.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon