Chapter 18

1.8K 26 1
                                    


ME18

NATAPOS ni Bornok ang paglalaba at si Sophie naman ay wala ng nagawa kundi ang tapusin na rin ang paglalaba niya. Nang dahil kay Trixie, nabulilyaso ang kanyang pang-aakit sa binata. Hindi niya alam kung sinadya ba nitong sumingit o hindi. Sabi kasi ni Bornok sa kanya ay hindi nito jowa ang dalaga, pero base sa obserbasyon niya ay parang sinira nito ang moment nila sanang dalawa ng binata.

"Matagal pa ba bago iyan matapos?" tanong ni Trixie.

"Babanlawan na lang... Dapat ay marunong kang maglaba ng damit. Lalo na ang mga magiging damit mo," sabi naman ni Bornok na ipakita sa dalaga kung paano siya magkusot ng natitirang damit sa palangganang may sabon.

"Sige Bornks, magsasampay na ako," sabi naman ni Sophie na biglang yumuko para buhatin ang palangganang may laman ng kanyang mga damit.

Napatingin dito si Bornok at nabigla siya nang makita sa loob ng damit ng dalaga ang mayaman nitong dibdib. Wala itong bra at wala na siyang nagawa kundi ang mapalunok na lamang ng laway. Nakaramdam na nga lang siya ng tilamsik ng tubig sa mukha niya nang hindi inaasahan. Naglaro pala ng tubig si Trixie kaya napatuon ang atensyon niya sa dalaga na nakita niyang tumatawa.

Sa totoo lang ay hindi naman daw nakatulong sa kanya ang dalaga. Nakaupo lang ito at nakikihipo lang sa nilalabhan niya.

"Ano ang pinag-uusapan ninyo kanina ng babaeng iyon?" biglang nasabi ni Trixie na bahagyang nagpaseryoso kay Bornok.

"H-huh? Wala..." natatawang wika naman ng binata na nagsimula nang magmadaling tapusin ang pagkukusot ng mga natitirang damit.

"Dapat ay manatili kang birhen hangga't hindi lumilipas ang ikalimampung araw matapos mong makuha ang kapangyarihan ko."

Nang marinig iyon ni Bornok ay napatingin siya kay Trixie na seryosong nakatitig sa kanya.

"Bakit?" Ito naman ang mabilis niyang tanong dahil pakiramdam niya ay gusto na niyang maranasan ang sex sa tunay na buhay. Lalo na nga nang marinig niya ang sinabi ni Sophie kanina.

"Kailangang gawin mo iyon! Dahil kung hindi... Hindi matutuloy ang pagiging mortal ko," sabi ni Trixie na ramdam ni Bornok ang kaseryosohan sa boses nito.

Gusto ng binata na magprotesta pero nang makita niya ang mga mata ni Trixie ay tila nakaramdam siya ng diin sa sinabi nito. Ang kagustuhan ngang maging mortal ng dalaga ay tumatak sa isip niya. Maari nga raw na hindi ito tao dahil may kapangyarihan ito. Kung ganoon, naisip ng binata na siya ang magiging daan para maging tao ang kasama niyang ito.

Bumuntong-hininga na nga lamang si Bornok. Ramdam kasi niyang makakatikim na siya sana dahil kay Sophie... pero kung ito ang gusto ng babaeng bumago sa kanya, ay sino ba siya para tanggihan ito? Ikalawang araw pa lang niya magmula nang makuha ang kakaibang kapangyarihan nito at may nagbago kaagad sa kanyang pamumuhay.

"Bakit mo ba gustong maging tao? Hindi ba, mas maganda naman na may kapangyarihan ka? Isa pa, hindi masarap maging tao kung wala kang kaibigan... Kung wala kang mahal sa buhay. Malulungkot ka lang kung mag-isa ka." Pero naisip din ni Bornok na dahil maganda ang dalaga, madali naman itong makakahanap ng mga taong sasama sa kanya.

"Dahil gusto ko ng kalayaan!" winika ni Trixie at si Bornok ay bahagyang natulala sa narinig niya. Maging malaya?

"Ikinulong ka ba?" tanong ni Bornok na natapos na sa pagkukusot ng damit.

"Hindi naman sa ganoon. Ngunit, sa tagal ko nang inoobserbahan ang mga mortal sa mundong ito... Isang bagay ang nakita ko na mayroon sa kanila na wala sa isang tulad ko. Wala akong kalayaang puntahan ang mga lugar na nais ko. Wala akong kalayaang lumabas ng palasyo... at isa pa... Obligado akong sundin ang kagustuhan ng mas nakakataas sa akin."

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon