Chapter 65

819 15 0
                                    


ME65

NAGMADALING pumasok si Bornok sa loob ng bahay at nakita niyang buhay ang telebisyon sa salas. Mabilis niyang iniikot ang kanyang tingin sa loob at may malakas na kabog sa dibdib nga siyang nararamdaman nang sandaling iyon. Tumingin siya sa kwarto sa itaas at nagmadali ring umakyat doon.

"Trixie!?" bulalas niya sa pagbukas ng kanyang kwarto. Kaso, wala roon ang dalaga. Mabilis siyang bumaba at dumiretso sa CR, kaso bukas iyon at wala rin doon ang kanyang hinahanap. Nawawala si Trixie at puno ng kabog ang dibdib niya nang sandaling iyon.

Pumasok na rin si Mira at kasama na nito si Grance na iiling-iling habang dumudugo pa rin ang mukha dahil sa natamo nito. Seryosong pumasok ang dalaga sa loob ng kanyang bahay at narinig niya ang sinabi sa kanya ni Grance. May isang taga-Lust World ang kumuha kay Trixie at malakas na nilalang ito.

"M-ma'am? N-nasaan si Trixie?" bulalas ni Bornok na makikita sa mga mata ang labis na pag-aalala. Lumapit dito si Mira at tinapik ang balikat ng binata.

"Kumalma ka lang muna Bornok... Walang mangyayaring masama sa kanya. Hindi siya pwedeng saktan ng sinumang taga-Lust World," kalmadong winika ni Mira na ipinaramdam sa binata na okay lang si Trixie.

"D-dinala na ba siya sa tinatawag ni-ninyong Lust World?" tanong ni Bornok at napatingin siya kay Grance na makikitang may dugo sa ilong at sa labi.

"Hindi pa nila maiibalik ang dalaga hangga't buhay ka!" seryosong winika ni Mira at si Bornok ay napaseryoso sa narinig na iyon. Ibig-sabihin noon ay kapag namatay siya ay maiibalik na si Trixie at muli na itong makukulong sa mundong iyon para maging reyna ng lugar na iyon.

"M-mahahanap ba natin siya ma'am?" tanong muli ni Bornok at si Mira ay bumuntong-hininga para pinakita niya ang kanyang pagiging kalmado sa kabila ng mga nangyari kay Trixie. Pero para sa dalaga ay hindi na ito biro. Ang matalo si Grance nang ganoon kabilis ay isa nang malaking patunay na hindi basta-basta ang ipinadala ni Heath na mga taga-Lust World. Kailangang mabawi nila si Miracle at kapag nangyari iyon ay kailangan na nga talaga munang pumunta ng dalawa sa malayong lugar para hindi ganoon kabilis silang matunton ng mga ito.

"Pero sana mabawi pa namin si Miracle," sabi ni Mira sa sarili at sa ganitong sitwasyon ay kailangan niyang humingi ng tulong sa nilalang na iyon na matagal na ring nakatira sa mundo ng mga mortal.

"Oo naman Bornok. Kumalma ka lang, babawiin natin si Miracle at gusto kong kapag nangyari ito ay pumayag ka na sa suhestyon ko... Dahil kung gusto mong maging mortal siya ay kailangan ninyong magpakalayo-layo kayo mula rito sa bayan. Manirahan kayo sa liblib na lugar!"

Ang mga narinig na iyon ni Bornok ay alam niyang dapat na nga talaga niyang gawin. Kapag nanatili pa siya sa bayan, sa lugar kung saan ay maraming tao, ay inilalagay lang talaga niya sa panganib ang dalaga. Isa pa, may kakayahan ang mga humahanap sa kanila na matunton siya dahil hindi niya maiitago ang kanyang presensya dahil dumadaloy na sa katawan niya ang kapangyarihan ni Miracle. Tumango siya at pagkatapos ay ikinalma na niya ang kanyang sarili. Naniniwala siya kay ma'am Mira niya. Maiiligtas nila si Trixie!

Napatingin nga muli si Bornok kay Grance at sa nakita niya rito ay mukhang napalaban ito para magbantay rito. Kumuyom ang kanyang kamao at pagkatapos ay bumuntong-hininga siya. Inalis niya ang kaba sa dibdib niya at naglakad palapit dito para tapikin ang balikat nito.

"M-maraming salamat sa pagbabantay kay Trixie," may ngiting winika ni Bornok dito at si Grance ay nabigla nang dumampi ang palad nito sa balikat niya. Napalunok ng laway ang binata at nang naglakad si Bornok sa salas para patayin ang telebisyon ay napatingin siya rito. Hindi niya maipaliwanag, pero parang bumalik ang lakas ng katawan niya dahil doon. Hindi niya alam ang nangyari pero nang mapatingin siya kay Mira ay nakatitig lang ito sa kanya.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon