Chapter 30

1.5K 17 3
                                    


ME30

LAKING-GULAT nina Bornok at Trixie nang magkita silang dalawa sa panaginip nila. Si Bornok nga ay napa-isip na lamang kung paano ito nangyari, habang ang dalaga naman ay napatingin sa malayo. Isang bagay lang ang naiisip niyang pwedeng maging dahilan ng pangyayaring ito.

"Iyong babaeng nahawakan mo, hindi siya isang mortal!" pagsisiwalat ni Trixie at si Bornok ay napatingin nang seryoso rito.

Naalala niya si Ma'am Mira na HR ng papasukan niya. Wala naman siyang makitang kakaiba rito maliban na lang sa muntikan nang mangyari sa kanila. Pero kung iisipin niyang mabuti, nahawakan naman niya talaga ito kaso, nag-iba nga lang ang naging resulta.

"P-paanong hindi siya mortal? Sabi mo nga, mararamdaman ko kung siya ay galing sa mundo ninyo?" tanong ni Bornok.

"Oo, maliban na lamang kung matagal na siyang naninirahan sa mundong ito," sambit pa ni Trixie at si Bornok ay mas lalong napaseryoso sa mga narinig niya.

"I-ibig-sabihin, si Ma'am HR ay katulad mo rin?"

"Malaki ang posibilidad! Bukas, sasama ako sa pagpasok mo sa trabaho. Nais kong makita ang HR na sinasabi mo!" seryosong winika ni Trixie at isang nilalang lang naman ang naiisip niya na pwedeng maging ito. Kung tama ang hinala niya ay magiging masaya siya na muling makita ito makalipas ang mahabang panahon.

"Dapat ba akong kabahan?" naitanong ni Bornok at umupo na nga rin siya sa kamang hinigaan ni Trixie.

"Maging handa ka lang. Malaki ang posibilidad na alam niyang nasa iyo ang kapangyarihan ko. Ano pa ba ang mga ginawa niya sa iyo? Inakit ka ba niya?" Nang marinig ni Bornok ang tanong na iyon ni Trixie ay napangiti na lamang siya na parang sira.

Hindi kaagad siya sumagot at si Trixie ay lumapit sa kanya para tingnan ang mukha niya. "Bakit tila ang tagal mong sumagot? Mukhang alam ko na ang sagot mo?"

Natawa na lang si Bornok. Hindi na naman niya siguro kailangan pang ilihim iyon. "Oo, kabado nga ako kanina kasi nakahawak na siya sa ano ko."

Nang marinig ito ng dalaga ay napatawa ito bigla. "Sa tingin ko, sinubukan ka niya. Sigurado rin ako na nagulat siya kasi napigilan mo ang init na nais niyang ilagay sa iyo."

"Sinusubukan?" nasabi ni Bornok at natawa siya sa kanyang sarili. "Pumasa ba ako sa pagsubok?"

"Hindi ko lang masabi. Pero mukhang oo dahil kung may nalalaman siya, alam din niya na hindi pwedeng mawala ang pagiging birhen mo."

Nakinig na lamang si Bornok sa iba pang sinabi ng dalaga at parang may maliit na sumagi sa utak niya tungkol kay Ma'am Mira. Kaunting panghihinayang dahil akala niya ay matitikman niya ito sa panaginip.

"Gusto ko nang magising," sabi na lamang ni Bornok at nang marinig ito ni Trixie ay napaseryoso ito.

"Kailangang may mangyaring masarap sa panaginip mo para ka magising," sabi ng dalaga at nang marinig ito ng binata ay napalingon siya rito.

"Hindi ka magigising hangga't walang nagaganap na pagtatalik dito!" Nakatitig lang sa kanya si Trixie nang oras na iyon at parang nakukuha niya ang sinasabi nito.

"I-ibig sabihin? Dapat mag-ano tayo? P-parang hindi ko kaya," natatawang tugon ni Bornok at si Trixie ay sinamaan siya ng tingin.

"Kayanin mo! Gusto ko ring magising! Wala rin akong pagpipilian kaya hubarin mo na ang lahat ng kasuotan mo nang matapos na tayo!" sabi ni Trixie at siya nga ay tumayo na sa kama at sinimulan nang alisin ang natitira niyang suot. Ibinato na nga niya palayo ang underwear na suot niya at pagkatapos ay napatingin siya sa binatang halatang ayaw siyang tingnan sa itsura niya ngayon.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon