Chapter 51

1.3K 19 1
                                    


ME51

PAGDATING ni Mira sa bahay niya ay kanyang naabutan sina Bornok at Trixie na nanonood ng TV. Pasimple niya munang pinagmasdan ang dalawa habang inaalis ang puyod sa kanyang buhok. Napasulyap din siya sa kanilang kusina at naroon si Grance na naka-upo habang kumakain ng tinapay at may softdrinks pa itong iniinom. Sa tinginan pa lang nila ay nakuha kaagad ni Mira ang nais nitong sabihin sa kanya.

"Walang naging problema." Ito ang nais sabihin ni Grance at ngiti naman ang itinugon ni Mira rito. Sa paglakad niya sa likuran ng dalawa ay napansin niya na masaya ang mga mata ni Trixie . Hindi na ito kagaya noong nakaraang araw na parang may tinitimpi itong inis.

Nagbihis lang si Mira at pagkatapos noon ay nagpunta siya sa banyo para maglinis ng sarili. Paglabas niya ay kaagad siyang uminom ng tubig at dumiretso sa salas. Umupo siya sa pagitan nina Trixie at Bornok.

"Kumusta kayong dalawa?" tanong ni Mira at napalingon siya sa dalagang nasa kanyang kaliwa.

"Ayos naman ate. Isinama ako ni Bornok sa isang magandang lugar. Nakakatuwa! Naglaro kami roon, at may nakuha pa kaming laruan," sabi ni Trixie at ipinakita pa niya ang hawak na stuff toy sa ate niya.

Isang ngiti naman ang sumilay kay Mira at si Bornok naman ang nilingon niya. Kinindatan niya rin ito sabay ngiti.

"Good job Bornok..." sabi ni Mira at pagkatapos noon ay nilapitan niya ang binata at binulungan.

Napalunok ng laway si Bornok nang marinig iyon. Napangiti siya na parang napipilitan nang dahil doon.

"May premyo ka sa akin mamaya... Blow job," wika ni Mira sa may tainga niya at wala na ngang nagawa si Bornok kundi ang mapatingin dito na kumagat pa sa labi. Kailangan niyang labanan ito, subalit nang pagmasdan niya ang magandang mukha ng katabi niya at ang suot na naman nitong pambahay ay parang ang hirap na tanggihan ang nais nito.

Ang puti ng hita ni ma'am niya sa suot nitong pekpek shorts at ang shirt nito na parang kay nipis ng tela sapagkat parang naaninag niya mula rito ang itim na pang-ilalim nito sa kanyang dibdib. Nag-thumbs up pa ito sa kanya at napangiti na lamang uli siya at napa-inom ng tubig na nasa mesa nang oras na iyon.

Magkakasama silang kumain ng hapunan kinagabihan at kagaya ng palaging nararamdaman ni Bornok kay Grance ay talagang hindi pa rin siya komportable na kasama niya ito sa iisang bubong. Minsan nga lang ay napapansin niyang wala ito rito at hindi pa niya naiitanong sa kanyang ma'am Mira kung ano ba ang ginagawa nito rito. Parang ayaw na rin naman niyang itanong ito sapagkat parang panghihimasok na iyon, kaso, tuwing makikita niya kasi ito ay naaalala niya ang balak nitong pagpatay sa kanya noong nakaraan.

Sandali muna silang nanood ng TV at alas-otso pa lamang ng gabi ay bigla na lamang nakaramdam ng antok si Trixie. Tumingin nga siya kay Bornok at nginitian niya ito.

"Bornok... Tabi na tayong matutulog..." sabi ng dalaga at si Bornok ay napatingin dito at parang kinabahan.

"S-sigurado ka? P-pwede namang kay ma'am Mira ka pa rin tumabi," sabi ni Bornok at napatingin naman sa kanila si Mira na nasa kabilang sofa.

"Tama lang Bornok na sa 'yo siya tumabi. Para mas maging komportable siya... Basta magbabait ka lang na katabi siya," sabi nga ni Mira at ang huli nitong sinabi ay parang may laman. Napatawa pa ito at si Bornok ay napatingin kay Trixie na ngiting-ngiti sa kanya ngayon.

Bigla tuloy naisip ni Bornok ang isang bagay. Ayaw niyang maisip ito, ngunit bigla itong sumagi sa kanyang utak na dati ay hindi niya nai-isip. "Kung bawal akong ma-virgin-an sa iba... Paano kung kay Trixie?" Napa-iling siya nang pasimple at parang nahiya sa kanyang naisip. Parang ang sama raw niya, kaso, napatingin siya sa dalaga at ang cute nito. Kahit na hindi kagaya ng suot ni ma'am Mira ang damit nito ay parang mas malakas pa rin ang appeal nito kumpara rito.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon