Chapter 88

824 18 0
                                    


ME88

DAY 19.

Habang kumakain ng agahan sina Bornok ay pasimple siyang napatingin sa nasa tapatan niyang si Judy. Kagaya nga ng inaasahan niya, sinamaan siya ng tingin nito kaya siya ay napangiti na lang. Si Bornok ang naghugas ng pinagkainan nila at nabigla ang binata nang nasa tabi na niya ng nakakabatang kapatid ni Karmina na kasalukuyan namang pinupunasan ang mga nabanlawan niyang pinggan.

"Kaya ko na ito," sabi ni Bornok at hindi naman siya inimikan ni Judy na itinuloy lang ang ginagawa sa tabi ng binata.

Pagkatapos ni Bornok ay napatingin siya kay Judy na agad na umiwas ng tingin sa kanya. Masungit pa rin ito at hindi niya alam kung ano ang problema nito.

"May kailangan ka ba?" nangingiting tanong ni Bornok at sinungitan lang siya ng tingin ng dalaga na agad ngang umalis at iniwanan siya.

Ilang oras ang lumipas at si Bornok ay tahimik lang na nakaupo sa may cottage sa tapat ng bahay nina Lolo Terio. Iniwanan niya sa bahay nila si Trixie at ma'am Mira na may pinapanood na movie sa phone nito magmula kanina. Napatingin din siya sa dagat at nakita niya si Grance na nakahiga sa buhanginan.

"Mukhang hindi talaga naiinitan ang isang ito," sabi ni Bornok sa sarili na pakiramdam na naman niya ay isang boring na araw na naman daw ito. Bigla tuloy niyang naisip kung ano ang nangyari sa limang kupal na pinatumba niya kagabi.

Napatingin nga siya sa gate ng resort at nakita niyang pumasok si Lolo Terio. Galing ito sa labas at may dalang supot na may lamang kung ano. Tumayo nga siya para salubungin ang matanda.

"Lolo, ano iyan?" tanong ni Bornok at ngiti naman ang sagot ni Lolo habang itinataas ang dala nito.

Isda iyon at sariwang-sariwa base sa tingin niya.

"Galing ako riyan sa sitio, sayang at hindi ako nakapunta nang maaga. Mas magandang doon bumili ng isda dahil kagagaling lang sa panghuhuli. Tingnan mo itong galunggong na nabili ko. Mura pa," masayang wika ng matanda at si Bornok ay napangiti.

"Tamang-tama lolo, iyan ay isisigang ko mamaya," sabi nga ni Bornok at mula sa terrace ay makikitang naroon na ang magkapatid na Judy at si Karmina na hawak ang anak na busy sa paglalaro sa phone.

"Tatay, ano iyan?" tanong kaagad ni Judy na pasimple pang napatingin kay Bornok. "Ano kaya ang ginagawa nitong dugyot na ito rito?"

"Galunggong... Mamaya ay maghiwa ka ng ilang piraso at ating ibibilad sa araw," sabi pa ng matanda at doon ay bigla pa siyang may naalala.

"Nga pala, may nabalitaan ako roon sa sitio. Iyong grupo nina Dario, iyong madalas nahingi sa atin ng kalamansi dati? Kilala ba ninyo iyon?"

"Parang tanda namin tatay, bakit?" ani Karmina at parang may pumasok sa isip niya nang maalala ang mga kalalakihang iyon na madalas na humihingi sa kanila ng kalamansi noong nakaraang buwan.

Si Judy naman ay bahagyang napapisil sa kamay niya dahil naalala niya ang mga lalaking iyon kapag nanghihingi ng kalamansi rito. Ang lalagkit tumingin ng mga ito sa kanilang magkapatid. Bigla tuloy kumabog ang dibdib niya at napatingin sa ate niya.

"B-baka sila ang..." sabi ng dalawa sa kanilang mga isip nang magkatinginan.

"Sumuko raw sa mga pulis... Mga sira-ulo pala ang mga iyon. Ayun, ikukulong na dahil sila rin mismo ang nagbigay ng ebidensya. May ilang taga-sitio na rin nga ang biglang nagpatunay sa mga kalokohan ng mga iyon. Sabi, nang-rape daw ang mga iyon ng babae doon sa kabilang barangay noong nakaraan at hindi naman sila nakilala noong babae. Matagal na palang kung ano-ano ang ginagawa ng mga iyon. Kinukunsinti lang ng kanilang mga magulang. E ayun, wala na silang lusot, sila na mismo ang nagdala ng paa nila sa hukay," kwento pa ng matanda at habang nakikinig ang mga anak niya ay parehong nanginginig ang mga kamay ng mga ito dahil sa takot.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon