Chapter 78

778 18 0
                                    


ME78

DAY 16.

Naisipan ni Bornok na mag-jogging sa tabing-dagat pagkagising niya nang umagang iyon. Kailangan pa rin niyang mag-exercise dahil sa tingin talaga niya ay kanyang kailangan niya. Nakakapagod din daw ang mag-jakol tuwing umaga kada gising niya, kaya kailangan daw niyang may stamina. Napatawa na nga lang siya sa naisip niyang iyon. Pero alam naman niyang kailangan niya talagang gawin ito, kailangang maging physically fit pa rin siya para malakas siya kapag nakipagsuntukan.

"Kung mapapalaban?" sabi niya sa sarili at nag-shadow boxing pa siya para magkunwaring marunong.

Tumakbo muli siya at dumiretso siya hanggang sa dulo ng private resort na iyon. Huminto siya sa may bakod at pasimpleng tumingin sa kabila. Alas-singko pa lang ng umaga nang oras na iyon at medyo madilim pa sa paligid. Hindi niya alam kung ano ang tumakbo sa isip niya at bigla siyang lumakad sa mababaw na bahagi ng dagat para pumunta sa kabilang resort. Wala siyang rason o ano pa man sa kanyang ginawang iyon. Gusto lang niyang obserbahan ang lugar na iyon... Kahit ang totoo ay may nakita kasi siyang mga imahe sa dulo na parang may tao.

Hindi raw siya maaring magkamali, mga babae iyon. Nakita niya na may hawak na cellphone ang isa rito dahil sa ilaw na mula roon.

"Medyo madilim pa naman, baka magmukha akong pogi," pabiro niya sa sarili at kunyare ay nag-jogging para sa paglampas niya sa harapan ng dalawang taong iyon na naka-upo sa buhangin ay pasimple rin siyang mapapalingon sa mga ito.

Ang hampas ng tubig sa mga paa niya ay nararamdaman niya habang tumatakbo at ang simoy ng hangin ay may kalamigan din nang oras na iyon. Ngiting-ngiti siya habang tumatakbo hanggang sa mga ilang metro na lang ang layo niya mula sa dalawang tao at nabigla siya sa kanyang nakita dahil isang babae at lalaki pala iyon.

Iyong babae ay naka-upo sa kandungan ng lalaki habang naghahalikan.

"Hanep, kailangan ko na yatang bumalik," sabi ni Bornok sa sarili dahil mukhang may matinding nagaganap sa dalawang iyon. Napatalikod kaagad siya at maingat na humakbang palayo. Sa palagay niya ay hindi siya napansin ng dalawa dahil busy ang mga ito sa ginagawa nila.

Kaso, nakita pa rin siya ng dalawa at ang babaeng nakaupo sa kandungan noong lalaki ay agad na tumayo.

"May tao!" sabi ng babae at agad na nagtatakbo ito palayo.

Ang lalaki namang nakaupo sa buhangin ay nainis sa nangyari. Nahugot ang matigas niyang tite sa hiyas ng babaeng taga-rito na naka-usap niya kanina lang. Nainis ang lalaking iyon at agad na itinago ang lumambot na alaga sa loob ng kanyang shorts. Matipuno ang isang iyon at mukhang hindi basta-basta.

"Hoy! Bumalik ka rito!" tawag ng lalaki kay Bornok.

Napalunok na lang ng laway si Bornok nang marinig iyon. Dama niyang hindi natuwa ang lalaki sa paglitaw niya. Kung tutuusin naman ay wala raw siyang kasalanan. Kaso, imbis na mapahiya ang lalaki sa ginagawa niya nang oras na ito sa tabing dagat kasama ang isang babae, ay mukhang uminit ang ulo nito dahil sa pagkabitin na mararamdaman nito.

"S-sorry boss," nasabi ni Bornok nang humarap siya sa lalaking iyon at nang makita niya ay napaatras siya kasi 6-footer pala ito.

"Hindi maganda ang kutob ko rito," nasabi na lang ni Bornok sa sarili at handa na sana siyang tumakbo para takasan na lang ito.

"Anong sorry? Namboboso ka ano?" bulalas ng lalaki na kaagad nahawakan sa damit si Bornok para ilapit ito sa kanya. Sa init ng ulo nito ay wala siyang ibang gustong gawin kundi ang upakan ang umepal na ito.

Malakas ang lalaking iyon at si Bornok ay sinubukan kaagad pumiglas kaso, nahawakan siya nito sa braso at ang higpit noon.

"Hindi ito maganda... Mukhang uminit ang ulo dahil hindi natuloy. Kasalanan ko rin naman ito pero ayaw ko namang maupakan," sabi ni Bornok sa sarili at nakita na lang niya na sasapakin siya nito gamit ang isa pang kamay.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon