Chapter 60

1.2K 17 0
                                    


ME60

SA PAGLALAPAT ng palad nila ng lalaking nasa panaginip din ni Suzette ay laking-gulat na lamang ni Bornok nang magdilim ang paligid. Isang hindi maipaliwanag na kaba rin ang kanyang naramdaman at wala na siyang makitang kahit anong liwanag pagkatapos noon.

"A-ano'ng nangyari?" bulalas ni Bornok sa sarili at dala ng kadilimang iyon ay sinubukan niyang humawak sa kung saan. Inisip niya ang pwestuhan ng lamesa at wala na iyon doon. Hindi na rin siya nakaupo at gulong-gulo ang utak niya nang sandaling iyon. Wala rin siyang marinig na kahit ano sa paligid at wala siyang ibang naiisip na may kinalaman dito kundi ang lalaking kinamayan niya.

"S-sino ba ang isang iyon? Saan ko ba siya nakita? Isa pa, pareho kami ng style ng suot... Posible bang isa siyang taga-Lust World?"

Walang magawa si Bornok sa nangyayaring ito. Hindi siya basta maka-alis sa kanyang pwesto dahil wala siyang makitang kahit ano. Napalunok nga siya ng laway at sinubukan na niyang magsalita.

"Hello! Hello!" bulalas niya at ilang minuto siyang nasa loob ng kadilimang iyon. Wala siyang makuhang sagot kung nasaan siya at hindi na nga niya napigilan ang sarili na maglakad sa wala.

Tumakbo siya at kahit wala siyang nakikita ay wala naman siyang nababanggang kahit ano. "Ano ba ang lugar na ito?" bulalas niya sa sarili at sinubukan niyang sampalin ang kanyang sarili dahil baka raw magising siya. Kaso, napa-aray na lang siya nang mapalakas ito, at ang masaklap, hindi pa rin siya naalis sa lugar na iyon. Hindi siya nagising.

"May tao ba rito?" Hindi pa rin niya alam ang nangyari hanggang sa naisipan niyang tumakbo muli. Sa pagtakbo nga niya ay biglaan na lang napatama ang kanyang paa sa kung ano. Dahil nga dito ay nadapa siya at ang sakit ng naramdaman niya mula sa kanang paa niyang tumama. Bumulagta na lamang siya at hindi niya malaman kung ano ang nabunggo ng paa niya.

Sa kanya ngang pagtayo muli nang pilit, ay doon na nga siya nabigla nang naging maliwanag na ang paligid. Nasa loob na siya ng isang silid na halos puti ang makikitang kulay at pamilyar ang datingan nito sa kanya. Lalakad nga sana siya kaso, nagulat siya nang hindi siya nakatuloy dahil ang kanya palang mga kamay ay nakatali sa itaas. Laking-gulat niya nang makita niyang may mahigpit na nakataling lubid dito na nakakonekta sa itaas. Sinubukan niyang alisin ang kamay niya roon ngunit, napakahigpit ng pagkakatali noon sa kanya.

"Ano ba ang nangyayari? Bakit ganito?" tanong niya sa kanyang sarili at kahit ano'ng gawin niya ay hindi talaga siya makawala ito. Isang bagay pang ikinaseryoso niya ay napansin na rin niyang wala siyang suot na kahit ano.

Hubo't hubad siya habang nakatali ang mga kamay sa itaas. Nasa loob siya ng isang silid na walang kahit anong gamit at tanging pinto lang ang makikita sa kabila nito.

"Ano'ng nangyari sa panaginip ni ma'am Suzette?" bulalas niya sa sarili at gulong-gulo pa rin siya sa nangyayari.

Ilang beses niyang sinubukang kumawala sa pagkakatali niya. Handa na nga rin siyang masaktan at masugatan, mai-alis lang ang kamay niya mula sa lubid, kaso, mukhang wala nga yatang paraan para makawala siya roon. Tanging ang tulong lang mula sa kung sino ang naiisip niya, o ang magising siya sa panaginip na ito ang tangi niyang naiisip na paraan para rito.

Napahinto na nga lang siya nang biglang umikot ang door knob ng pinto ng kwartong iyon. Dito na nga pumasok ang lalaking kanina'y nasa loob ng tinutuluyan ni Suzette at sa pagpasok nga nito ay napatingin kaagad ito sa kanya na para bang natutuwa sa itsura niya.

Pumitik ang mga daliri sa hangin ang lalaking iyon, ito nga ay ang lalaking nagpakilala sa kanya bilang Night. Dito nga ay isang upuan ang bigla na lamang lumitaw sa harapan ni Bornok, nasa tatlong hakbang lang ang layo nito mula sa kanya.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon