Chapter 38

1.2K 22 2
                                    


ME38

LUMIPAS ang natitirang araw ng maghapon at si Trixie ay nanatili lamang sa loob ng opisina ni Mira. Kumain lang ito at gumamit ng phone ng dalaga. Kahit nga may kinakausap na applicants at ilang empleyado ang HR ay patuloy lang ito sa paglalaro sa cellphone ng kaibigan.

Nang matapos nga ang walong oras na duty ni Bornok ay kinatok niya ang office ng HR at sa pagpasok niya ay nakita niyang kumakain si Trixie. Hindi niya alam kung matatawa siya o hindi rito dahil parang alam na niya kasi ang ginawa nito rito maghapon.

"Ma'am, uuwi na po ako," sabi ni Bornok kay Ma'am Mira.

"Isasama mo na ba si Trixie?" tanong naman ng dalaga na inayos ang kanyang salamin sa mata.

"O-opo ma'am..."

"So ano, lilipat ba kayo sa bahay? Sabihan mo ako para hindi na kayo mahirapang maghanap ng sasakyan na gagamitin para sa gamit ninyo."

Lumunok lamang ng laway si Bornok. Maganda naman talaga ang suhestyon nito sa kanya. Mas magiging ligtas din si Trixie roon, lalo na rin siya na alam niyang nasa panganib na rin ang buhay dahil sa mga narinig niyang kwento mula sa dalawa. Isang malaking halimbawa na nga lang ay ang lalaking nais sa kanyang sumaksak kamakailan lang.

"Ma'am... Kapag po nag-yes ako? Lilipat agad kami?"

"Yap! Asap! Ipapakaon ko na ba kayo mamaya?" nakangiting wika ni Mira at nang marinig ito ni Trixie ay napatingin siya sa binata.

"Totoo na ba iyan Bornok?" tanong ng dalaga at nginitian siya ng dalaga.

"Oo, hindi na ako dapat magdalawang-isip kung para naman ito sa kaligtasan mo..." Ito ang sinabi ni Bornok na nagpangiti kay Mira. Ramdam kasi niyang malinis ang intensyon ng binata sa kanyang kaibigan. Alam din niyang hindi ito kagaya ng ibang lalaki na iba ang gusto sa babae. Siguro may mga naughty thoughts din daw ito, pero, pagdating kay Miracle ay ramdam niyang maganda ang nais nito rito.

"Sana lang Miracle, hindi mo pagsisihan ang lahat..." Ito na lang ang nais ni Mira. Alam niyang hindi pa gusto ng dalaga ang lalaking ito, pero paano kung paglipas ng ika-isandaang araw ay doon daw nito maisip na nahulog siya rito?

"Magiging malungkot ang pagiging mortal mo kapag nangyari iyon... At bilang kaibigan mo ay handa na akong patahanin ka sa araw na iyon." Pwede itong mangyari para kay Mira, pero hiling din niya na sana ay hindi sapagkat baka sa huli ay mauwi lang sa wala ang mga kagustuhan ng kanyang kaibigang maging tao.

"Sige, mag-ayos na kayo ng gamit ninyo pag-uwi at mamaya ay susunduin ko kayo. Saan ba ang mismo ang boarding house ninyo?" nakangiting tanong ni Mira at agad namang sinabi ni Bornok ang kanyang address sa dalaga.

Pagkalabas ng dalawa ay kaagad silang lumabas ng gusali. Habang naglalakad nga sila ay napasabay bigla kay Bornok si Jupert na inakbayan pa siya.

"Pre, how to be you po?" pabiro nitong bulong habang nakatingin nang pasimple sa kasamang si Trixie. Ang mga naglalakad sa paligid ay hanggang tingin na nga lang talaga sa binatang nagngangalang Bornok sapagkat sa paningin ng mga kalalakihan ay dinaig talaga sila nito.

May iba ngang sinusubukang batiin si Trixie, kaso, wala silang response na natanggap mula rito. Paglabas nina Bornok sa harapan ng supermarket ay doon na nga umuwi nang magkasama ang dalawa. Napansin nga ng binata na tahimik si Trixie kaya habang sila ay naglalakad ay may nadaanan siyang bilihan ng ice cream. Huminto siya sa tapat noon at ganoon din ang dalaga.

Isang ice cream lang ang binili ni Bornok at nakangiti niyang iniabot ito sa dalaga.

"Kainin mo habang pauwi tayo. Ang seryoso mo ngayon... May problema ka ba?" ani Bornok at si Trixie ay napatingin lamang sa kanya. Kinuha ng dalaga ang ice cream at mabilis na tinikman ito.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon