Chapter 29

1.4K 21 3
                                    


ME29

ANG PAGDAKMA ng maganda at sexy na HR sa kargada ni Bornok ang nagpaseryoso sa binata. Nasa isip niyang hindi dapat mawala ang pagiging virgin niya. Siguro kung hindi niya ito maiisip ay baka pumatol na siya rito. Sino ba naman ang makakatanggi sa katulad nito? Kahit yata sinong lalaki ay hindi mapipigilang magustuhang matikman ang kagaya nito.

Isang seryosong tingin ang ginawa niya sa HR. Agad niya ngang inalis ang isa niyang kamay sa dibdib nito at ang nakadakma nitong kamay sa kanyang alaga ay ganoon din ang ginawa niya. Nangako siya kay Trixie at kailangan niya itong gawin. Ngayon ngang nahawakan na niya ito ay pwede namang mamayang gabi na niya gawin ang bagay na gusto nitong mangyari.

"Magkita na lang tayo mamaya ma'am sa panaginip ko," sabi ni Bornok sa sarili at sa ginawa niyang iyon ay natahimik ang HR. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi nito at sinimulan na muli nitong isara ang kanyang nakabukas na blouse.

"Bumili ka ng timecards mo para may magamit ka bukas sir sa pagsisimula mo. 7am ay dapat nandito ka na para mai-briefing ka about sa work na gagawin mo. Goodluck Mr. Sandoval," wika ng HR sa kanya na si Ma'am Mira. Nakangiti pa nga ito na tila walang nangyari sa kanila. Si Bornok nga ay lumabas na ng opisina matapos magsuot ng pantaas at sa paglabas nito ay napatawa na lamang ang babae matapos iyon.

"Mukhang nakakita ka Miracle ng isang lalaking handang mapanatili ang pagkabirhen niya para lang maging tao ka."

"Sana lang ay handa ka rin sa mangyayari sa kanya dahil sa kagustuhan mong iyan."

Gusto sana ni Mira na makita si Miracle, kaso, hindi pa siguro oras para magpakita siya rito. Isa pa, natuwa siya sa ginawa ni Bornok. Kung sa ibang lalaki ay baka nadala na ito, pero napigilan ng mortal na iyon ang kanyang pang-aakit. Isa itong patunay na malakas nga rin ito.

"Akala mo siguro, magkikita tayo sa panaginip mo? Sorry Bornok, pero hindi iyan tatalab sa tulad ko."

Nagpatuloy na nga muli siya sa encoding sa harapan ng kanyang computer. Naalala niya si Grance na kinuha niya kahapon at dinala sa isang sekretong lugar. Umaga pa lang ay alam na niya ang pagpunta nito sa mundo ng mga mortal at alam niya kung sino ang target nito. Inaasahan na rin niya ang pagpapasa ni Bornok ng resume nito sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Pagdating pa lamang ni Miracle sa mundong ito ay naramdaman na niya ito. Nang sandaling ipasa nito ang kapangyarihan sa lalaking iyon ay nakita niya rin ito. Nakasunod lang siya sa dalaga at tutulungan niya sana ito kung nahuli ito ng ipinadala ni Heath na si Odessa, ngunit nakaligtas ito sa pamamagitan ng pagpapasa nito ng kapangyarihan sa isang mortal.

Noon pa man ay alam na niya ang kagustuhan ng dalaga na maging mortal. Kagaya nito, tumakas din siya kay Heath, ngunit ang kaibahan lang niya sa nangyari kay Miracle ay masyado pang maaga nang ginusto siyang maging reyna ng Lust World. Ngayon, kailangan na ng kanilang hari na magkaroon ng reyna sapagkat sa lilipas na isandaang araw at hindi nito mapapakasalan ang babaeng napili niya ay ito na rin ang magiging katapusan ng kanyang pagiging pinakamataas sa kanilang mundo.

"Kaya kailangan niyang maibalik si Miracle, dahil sa ito ang nagustuhan niya para maging reyna... Wala na siyang ibang pagpipilian sapagkat mawawalan din ng saysay kahit magpakasal siya sa iba. Tanging si Miracle lang ang pwede niyang maging reyna dahil matagal na niya itong napupusuan."

Kaso, akala ng hari ay magiging reyna niya ito. Isa palang malaking pagkakamali ang pagpili niya kay Miracle sapagkat noon pa man ay may balak na itong makawala sa taling inilagay niya rito. Ang maging malaya sa pamamagitan ng pagiging mortal ang tanging bagay na nasa isip ng dalaga magmula nang tumakas sa mundong iyon ang kaibigan nitong si Lady Mirage.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon