Chapter 34

1.2K 18 1
                                    


ME34

NANG makita ng lalaking border na si Mark na naiwan si Trixie sa loob bording house ay isang bagay ang pumasok sa isip niya na ilang araw na niyang iniisip at pinaplano. Type na type niya kasi ang babaeng kasama ni Bornok at kahit hindi man niya maamin sa kanyang sarili ay naiinggit siya rito kung paano ito nakakuha ng ganoon kagandang chikabebe.

Iniisip niyang kung kaya ni Bornok na maisama ito sa iisang bubong, palagay niya ay wala namang magiging palag ito sa kanya dahil may itsura naman siya kumpara sa lalaking iyon. Hindi raw hamak na mas lalapitan siya ng babae kumpara rito. Kaya naman, kinaumagahan ay maingat siyang naghintay ng tamang pagkakataon. Hinintay niyang magsialisan ang iba pang borders at nang siya na lamang ang natitira ay dito na nga siya pumunta sa kwarto nina Bornok at Trixie.

Kinatok niya ito at sa pagbukas ng pinto ay agad niyang tinakpan ang bibig ng dalaga. Kasama ng panyo niyang may kemikal na pampatulog ay walang kahirap-hirap niyang napatulog ito. Ngingisi-ngisi pa nga siya nang ihiga niya ito at tumigas na kaagad ang kanyang alaga dahil naiisip na niya ang kanyang pagtuhog dito.

"Yari ka ngayon sa akin Trixie. Hindi naman pwedeng si Bornok na dugyot ang kumantot sa iyo palagi. Sa pangit na iyon... Imposibleng humindi ka sa akin pagkatapos nito." Nasa isip na rin niyang i-video ang pagtira niya sa dalaga at gagamitin niyang pang-blackmail ito para maulit pa rin niya ito sa sunod.

Nagtanggal na nga siya ng pang-itaas at laway na laway na siyang mag-umpisa. Kaso, nang hahawakan na niya ang dalaga para hubaran ito ay bigla na lamang siyang napahinto sa kanyang gagawin. Mula sa kanyang likuran ay isang lalaking blonde ang buhok ang bigla na lamang lumitaw nang biglaan. Sa paghipo nito kay Mark ay bigla na lamang tumigas nang todo ang kanyang alaga at sumabog iyon hanggang sa mawasak ang laman. Ang dugo mula roon ay kakalat pa sana, kaso, sa paghawak ng misteryosong lalaking iyon kay Mark ay siya ring paglalaho nilang dalawa na hindi na malaman kung saan pa napunta.

Nakaligtas si Trixie mula sa muntikan nang panghahalay na iyon at kasabay rin noon ay ang pagmulat ng kanyang mga mata na napabangon na lamang bigla na tila gulat na gulat.

"N-nakatulog ako?" tanong niya at napatingin siya sa pinto ng silid nila. Nakasara ito mula sa loob at habang tumatayo ay napahawak pa siya sa kanyang ulo na tila sumakit nang bahagya. Ang nangyari sa kanya kanina ay nawala sa alaala niya at hindi niya ito alam.

Bumangon ang dalaga at binuksan ang pinto. Tumingin siya sa labas na parang may hinahanap pero hindi niya alam kung ano. Naisipan na nga lang niyang uminom ng tubig at pagkatapos noon ay parang nawala ang kanyang pag-iisip sa kung ano ang nangyari.

Ang lalaki namang si Mark ay hindi na malaman kung saan napunta at walang kamalay-malay ang mga nakakakilala sa binatang ito na nawala na rin sa memorya nila ang existence nito. Tinanggal ito ng lalaking may blonde ang buhok at matapos niyang paglahuin sa mundo ng mga mortal ang taong ito ay napatingin siya sa malayo na tila may malalim na iniisip. Napahigpit na lamang siya ng kapit sa kanyang kwintas na may bato sa dulo. Isang buntong-hininga ang kanyang ginawa at pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad papunta sa isang bumukas na portal sa harapan niya. Pumasok siya rito at pagkatapos noon ay nawala siya, kasama na rin ang bilog na bagay na kanina'y nasa hangin.

Mga bandang hapon ay nagulat na lamang si Trixie nang may kumatok sa pinto ng kwarto nila ni Bornok. Pinagbuksan niya ng pinto ang mga ito at nakita niya ang dalawang babaeng borders na kasama nila rito. Ang isa ay may dalang notebook, at ang naka-jacket na babaeng may salamin ang nasa unahan nito. Parang nahihiya ang dalawa na magsalita.

Sina Hazel at Carlene ito. Napataas nang bahagya ng kilay si Trixie nang makita ang dalawa.

"A-ate, p-pwede ka bang maabala?" nahihiyang tanong ni Hazel na tila napilitan sa gagawin. Si Carlene lang kasi dapat ang narito at wala siya. Kaso, nagpasama ito at wala na nga siyang pagtangging nagawa rito. Isa pa, makakapasok siya sa loob ng kwartong tinitirhan ni Bornok at parang nagka-interes siya rito.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon