Chapter 63

880 12 0
                                    


ME63

PINUNTAHAN na nga ni Bornok si ma'am HR bago siya kumain ng tanghalian. Pagkapasok nga niya sa loob ay nakita niyang seryosong nakatingin sa kanya si Mira.

"May problema ba Bornok?" tanong ng dalaga sa kanya at pinaupo siya nito sa upuang nasa harapan ng mesa nito.

"Alam na ba ninyo ma'am ang nangyari sa bisor namin?" seryosong tanong ni Bornok at tumango naman si Mira na may pagkabigla rin naman sa narinig niyang nangyari sa isa sa mga empleyado ng pinagtatrabahuhan nila.

"Siya ma'am ang pinuntahan ko ang panaginip kagabi," pagsisiwalat pa ni Bornok at pagkarinig ng dalaga rito ay napatigil siya sa pagta-type sa kanyang computer.

"A-ano? Si Suzette ang hinawakan mo kahapon?"

Tumango si Bornok at seryosong napatingin dito si Mira.

"Nagtalik ba kayo sa panaginip ninyo?"

"Oo ma'am... Malungkot kasi si ma'am kahapon nang makita ko siya, kaya naisipan kong hawakan siya noong nandito sa bodega at puntahan sa panaginip niya kagabi. Ang hindi ko lang ma'am maisip ay bakit parang biglaan ang nangyari? Ako po ba ang may kagagawan noon? Sabi ma'am ni kuya Rod ay binangungot daw si ma'am. Narinig ng taga-kabilang kwarto raw na nagsisigaw ito noong umaga..."

Isang seryosong usapan ang makikita sa dalawa at nang marinig ni Mira ang sinabi ni Bornok tungkol kay Suzette ay naalala niya ang nagsisigaw rin na binata kanina bago ito magising.

"Iyon ba talaga ang nangyari sa panaginip mo Bornok?" seryosong tanong ni Mira at medyo may diin ito habang nakatingin sa mga mata ng binata.

Hindi nga maiwasang mapalunok ni Bornok ng laway. Inisip niya ang nangyari sa panaginip niya at ang naaalala niya ang pagkantot niya sa kanyang bisor dito. Wala namang ibang naganap doon kundi iyon lamang. Kahit anong isip niya ay wala naman daw talagang ibang nangyari na hindi maganda roon.

Napatayo si Mira at lumapit kay Bornok.

"Matigas ba ang tite mo kanina pagbangon mo? Pagkagising mo?" tanong pa ni Mira at si Bornok ay biglang napaseryoso dahil doon. Naalala niyang malambot ang alaga niya kanina paggising niya gayong sa bawat panaginip na may masarap na kaganapan ay palaging tigas ito kinaumagahan.

Pero kanina... Napatingin si Bornok kay ma'am Mira. "H-hindi ma'am," pahina ang tono niyang sinabi at si Mira ay napalunok ng laway sa narinig niyang iyon. May mali talaga sa mga nangyayaring ito. May kung sinuman mula sa Lust World ang naiisip niyang pwedeng gumawa lang nito. Ang mahirap lang ay kung paano nila ito malalaman.

"May ginawa ba sa iyo si Jupert kahapon?" tanong ni Mira at si Bornok ay napa-isip na muli.

"Inakbayan ako ni Jupert ma'am kahapon? Pwede kayang dahil doon?" Napakwento rin sandali si Bornok na kumpirmado ngang may kakayahan ang katrabaho niyang mapasama rito ang babaeng gustuhin nito.

Lalo pang napaseryoso si Mira sa narinig niyang iyon mula sa binata. Hindi rin siya sigurado kung dahil nga rin ba doon kaya nangyari ang mga ito. Pero pwede rin namang nagkataon lang na oras na ni Suzette para mamaalam sa mundong ito.

Mahirap nga raw talagang isipin kung tama ba siya o mali sa mga nangyari dahil unang-una, walang matibay na patunay na may kung sinuman ang nanghimasok sa panaginip ni Bornok. Kailangan nga raw niyang maka-usap si Grance tungkol dito. Pakiramdam kasi niya ay unti-unti nang nagpaparamdam ang mga taga-Lust World na alam niyang nasa paligid lang at nakakubli.

"Hindi rin ako sigurado Bornok... Siguro ay huwag mo na lang munang gamitin ang kapangyarihan mo... Kailangan nating mag-obserba!" wika ni Mira at napatingin siya kay Bornok.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon