Chapter 35

1.3K 25 1
                                    


ME35

NAPASERYOSO ng tingin si Trixie sa mga lalaking kasama nila ngayon sa loob ng eksklusibong silid para sa mga mag-iinom ng bar na pinuntahan nila ni Bornok. Kanina pa ngang masama ang kutob niya sa mga ito at ngayong si Bornok ay bumagsak na dahil sa alak na nainom nito ay nakaramdam ang dalaga ng kaunting kaba sa kanilang sitwasyon ngayon.

Patuloy lamang siyang kumakain ng pulutan nang ang isa sa mga lalaki ay nagtanong tungkol sa kanya.

"Trixie, matagal na ba kayong magjowa ni Bornok?" tanong ng isang lalaki na kakatapos lang uminom ng alak.

Hindi sana sasagot ang dalaga pero naisipan na rin niyang magsalita. "Ilang araw pa lamang kaming magkasintahan."

Pagkarinig naman dito ni Keith ay napanguya siya ng malutong na chicharon at mabilis niya iyong nilunok. Naglagay siya ng alak sa baso, at nakangiting inabutan ang dalagang nasa kabila nila.

"Ano naman ang nagustuhan mo sa kanya?" sabi ni Keith. "By the way, baka makaka-shot ka uli? Tinulugan kami ni Bornok e. Hindi namin alam na babagsak agad siya."

Ang apat na magkakasamang lalaki ay panay na nga ang tingin sa dalaga at pati sa katawan nito. Gandang-ganda sila rito at kanina pa nga nilang hinihintay na umepekto ang gamot na inilagay nila sa baso nito.

Ngumiti naman si Trixie at kampanteng tinanggap ang basong may alak. Ininom niya ito at pagkatapos noon ay kumain siya ng maraming pulutan para mawala ang pait sa kanyang dila. Hindi niya alam kung paano lulusutan ang mga ito, at kung alam lang sana niyang ang mga ito ang sasamahan ni Bornok ay pinigilan niya na sana ito kanina pa.

"Ano ang nagustuhan ko kay Bornok?" Napatawa pa ang dalaga at napahawak sa katabi niyang tulog.

"Iyong mga bagay na walang-wala kayo!" bulalas ng dalaga at nang marinig ito nina Keith ay napatawa na lamang sila nang pilit. Parang hindi nila nagustuhan ang sagot ng dalaga dahil tila isa itong pang-aasar sa kanila.

"Keith... Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng babaeg ito? Ano? Pwersahan na ba?" mahinang winika ng katabi ni Keith na katropa niya.

Muli ngang nagtagay ng alak si Keith at iniabot kay Trixie. "Dahil diyan, shot ka uli... Wala na ang jowa mo e, bagsak na. Kaya simula ngayon ay ikaw muna ang uminom ng para sa kanya."

Ngumiti naman si Trixie at inabot ang baso mula sa binata. Hindi naman siya nagdalawang-isip na inumin iyon. Alam naman niyang balak siyang lasingin ng mga ito. Sa tagal na niyang ino-obserbahan ang mga lalaking mortal, ay madalas din niyang nakikita kung paano mag-take advantage ang ilan sa mga ito sa babae para maikama ito.

"Sa pamamagitan ng alak..." sabi ni Trixie sa sarili at kahit pa nga ilang alak pa ang inumin niya ay hindi ito basta tatalab sa kanya. Sa mundo kasi na pinanggalingan niya, ang alak ay ang kanilang tubig kaya ang mga ganitong bagay ay parang normal lang sa katawan at panlasa niya.

"Ito ang bagay na hindi ninyo alam dahil mga walang laman ang utak ninyo."

Ilang shot pa ang ininom ni Trixie at walang pagtanggi naman niya itong tinatanggap at habang nagpapatuloy ang kanilang inuman ay ang mga kasama ni Keith ay nagsimula nang lumabas para umihi. Si Keith nga ay medyo nakakaramdam na rin ng tama sa mga nainom niya. Napatingin siya sa oras at sa mga naubos nila.

"Marami na akong naipainom sa babaeng ito, pero bakit parang ganoon pa rin ang kilos niya. Isa pa? Iyong pampalibog na powder ba ay walang epekto? Nagamit na rin namin iyon noon pero bakit..." Naguguluhan na si Keith na uminom muli ng alak habang pasimpleng nakatingin sa dalaga na kasalukuyang kumakain ng pulutan.

Mysterious Eater (SPG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon