39

14 0 0
                                    

Napatulala ako at napabuntong hinga, at muling naalala ang usapan namin ng lolo niya nung isang araw..

"Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga inakikita ko at sa nalalaman ko, na halos magdikit na kayo ng apo ko." Panimula nito ng minsang ipatawag na naman niya ako.

''Kilala ko ang apo ko, hinding hindi ka niya susukuan,at alam kong di mo rin siya mabitiwan," dagdag niya at sumimsim sa hawak niyang red wine.

"Hahayaan ko kayu sa ngayun pero hindi ko sinasabing panalo kayo,.'' turan nito dahilan para mapaangat ang tingin ko sa kanya..

''On one condition,huwag na huwag kang pumayag na dalhin ka niya sa party niya..'' mahina nitong saad pero puno ng awtoridad..

''ayaw kong mapahiya doon, anu na lang ang sasabihin ng mga bisita kapag tinanong nila kung sino ka? Anu ka?..huwag kang pumayag, dahil pare pareho tayong mapapahiya doon." turan pa nito na parang nang uuyam..

Tahimik ko lang ninanamnam ang bawat salitang parang patalim na tumatarak sa pagkatao ko.

"But knowing Drake,pipilitin ka niya, its up to you young lady, you are smart and you know what i mean," utas pa niya at tinignan ako na parang tinatantiya.

" you may go, and do not show up on his birthday, or else..'' nagbabantang pagtataboy niya.

Napapikit ako sa isiping iyon.

Hindi niya man sabihan alam kong pinagbabantaan niya ako, ang pamilya ko at maging si Ivo, kahit ayaw kong maniwala alam kong lahat ng bagay kaya niyang gawin..

Kayang kaya niyang Niyang isabotahe ang boung pamilya ko, walain ang schoolar ko, at lalong lalo na ang palayuin at ipatapon si Ivo sa ibang bansa.. At pagmukhain akong masama sa kanya.. Alam ko.. Hindi ako tanga para hindi maisip kong anu nga ba yung laman ng mga pagbabanta nyang yun..

Kaya kailangan kong gawin ang mga pinapagawa niya, hindi para sa ikabubuti ko maging ang ikabubuti ni Ivo, he'd been trough hell according to him.. At ayaw kong balikan na naman nya yun.. Ayaw kong masaktan na naman siya..

Hindi ko nalang siya tinawagan o kahit tinext man lang.. Hindi ko alam kong paanu ko siya irereject.. Hindi ko alam kung anu bang sasabihin ko para gumaan man lang yung pakiramdam niya kapag tinanggihan ko siya.

Marahas akong napahinga at pumasok na sa loob ng bahay..

Kelangan kong makapag isip ng plano.. Kelangan magawan ko ito ng paraan.. Kailangan para hindi siya masaktan..

Pumasok ako sa kwarto at agad nagbihis.
Agad akong umalis at nagtungo ng hotel..

Pagkapasok ko ng kusina abala na ang lahat para sa birthday celebration niya bukas,

napatawa ako ng mapakla.. Ganito ba talaga kagarbo para ipasarado ang resto ng dalawang araw para sa selebrasiyon na to? Debut na nga niya pero dinaig pa ang debut ni Reeka..

Agad na rin akong dumulog at tumulong sa kung anung pwedeng gawin..

Gabi ng magpaalam ako kay chef..

Agad kung tinawagan si Casee..

''Casee can i ask you a favor?'' agad kung tanung pagkadampot niya ng telepono.

''sure, what is it?''

at agad kung sinabi sa kanya ang plano ko, agad naman siyang omoo at sinundo ako sa hotel..

Pagdating ko ng bahay nila ay agad na kaming tumambay sa kusina..

Pagkatapos ng tatlong oras ay tinawagan ko na si Ivo.

Siente Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon