Maaliwalas ang panahon pati ang mukha at isip ko maliban lang sa puso ko na masama ang lagay,pero keri naman.
Dumiretso agad ako sa department office dahil may meeting daw tungkol sa tour chuvanes ek ek! Kahit sembreak na eto pa rin ako lubog na lubog sa trabaho. Walang pahinga! Haaay!!
"Good morning sir!!" Masiglang bati ko sa Dept Head namin, kahit naman mabigat
Ang pakiramdam ko alam ko naman kong paanu dalhin.
"A very good morning to Ms. Madriaga!" Sagot naman niya na may ngiti.
"Asan po yung mga kasama ko sir??" Takang tanung ko sa kanya.kase ni isa wala akong makita.
"Conference room, lets go!" Maarteng turan niya at lumabas na kami ng office niya.
Pagkarating namin sa conference room ay nandoon na silang lahat, briefings, explanations, rules, responsibilities at kung anu anu pa ang diniscuss nila samin..
Kailangan daw laging sama sama sa lahat ng bagay, at kung anu anu pa, responsibilities, syempre responsibilidad ko ang sampung taong bumili ng tour package, which is so so grrrr!! Hahawak ako ng sampung tao at tatalak ako ng tatalak hanggang maubos siguro ang boses ko. Agghh!! I know this is hell!!
Mabuti na lang talaga at mga bata sa ampunan ang mas makikinabang dito kaya kakayanin ko.
May naassign naman sakin bilang isang right hand ko ,alalay daw ayun kay sir. Tsss! Mabuti na yun para naman may makasama ako. So bale ang nakabili lang ng tour package is nine dahil dalawa kaming tourist guide nila. Sige na nga pwede na rin.
Pagkatapos ng meeting ay pumunta muna ako sa office ni sir para daanan ang list of students na sasama at ang itenerary, pero dumaan muna ako ng cr.
Papasok na ako ng office ng matigilan ako. Kase salamin ang pinto kaya kita ang loob.
Nasa sofa lang naman sina Reeka at Ivo na nakaupo at abala sa pakikipag usap kay sir.
Pero dahil dakila akong echusera at lumaklak ng sangkaterbang goodvibes ngayun eh pumasok ako, hindi naman nila pag aari to, ay mali pag aari nila to, hindi naman sila ang ipinunta ko dito kay go lang ng go.
Hindi na ako nag abalang tignan sila, batiin o kung anu pa man. Kiver!! Hindi ako plastik kung galit ako galit ako. Kung inis ako inis ako at hindi ako nilikha sa mundong to para makipagplastikan lang pinalaki ako para magpakatotoo kaya, hinayaan ko lang sila.
"Excuse me sir, can i have the list??" Magalang kung tanung habang nakaharap sa mesa niya. Ramdam kong nakatingin sila sakin peri paki ko.. bitter bitteran lang ang peg??
"Here, 7 pax lang yan , "turan naman niya.
Gusto kung lumundag sa tuwa dahil pito lang ang hahawakan ko kaso..
"Mr. Fuentevilla and Ms. Morales are the 8th and 9th person on your list,!" Sabi niya na ikinalaglag ng balikat ko. Gusto kung mainis bakit sakin pa,?? Bakit ginusto nila ang ilocos,may palawan naman may boracay, may batanes, may mindanao. Bakit sa ilocos pa?? Nanadya ba sila??
Maraming sakit ang titiisin ko kung ganun.
Pero may magagawa ba ako eh dakilang utusan lang naman ako dito..pero..para sa mga bata, para sa mga bata, yun ang paulit ulit kong sinisigaw sa isip ko.
"Okay then sir,!" Nakangiting turan ko.kahit labag da kalooban ko.
"Welcome to the group Mr. Fuentevilla and Ms. Morales, im looking forward to our tour." Nakangiting turan ko kahit nasaktan ako sa biglang paghawak ni Reeka sa kamay ni Ivo. Oh eh di kayu na!! Para namang aagawin!!
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
RandomVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...