After school ay nadecide kaming gagala na lang sana total mukhang nakalimutan nila mama. umuwi muna ako para makapag paalam ng maayos, sinama ko na rin si Thiara ,kasama syempre si Ivo,Sina Casee at Migo magkikita kita na lang kami mamaya sa Labas.
"Ahm.. Thiara, uunahan na kita ha," simula ko ng nasa kotse na kami..
Alam ko kasing maguguluhan siya, dahi sa ibang bahay na ako uuwi."ahm paanu ba??" Tanung ko kay Ivo na busy sa pagdridrive.
"Buntis?" Parang timang na tanung ni Thiara kaya nabato ko yung hawak kong maliit na stuffed toy sakanya,
"Oa ha," irap ko. Nagpipigil na naman ng tawa si Ivo.
"Ganito yun, kasi ganito.. ang haba kasi ng kwento eh ." Napakamot na lang ako sa ulo.
"Gulo mo ah." Irap niya rin.
"Okay,eto na.. si Mama at Papa kasi, ganito.. noong bata ako.." sinimulan ko ng ikwento..
Habang nagkwekwento ako mahahalata sa mukha niya ang pagkagulat at minsan pagtataka pero sa huli pagtapos ko nagkwento parang di pa rin siya naniniwala.
"Mamatey?? Totoo??" Di makapniwalang tanung niya.
"Oo nga, basta,halika na." Aya ko sakanya ng pumarada na ang kotse sa harap ng bahay .
"Uy joke ba to??" Tanung niya ulit at tumingin pa kay Ivo.
"Seryoso nga ako.." sagot ko.
"Seryoso katulad ng pagmamahal ko sayu??" Sabad naman ni Ivo, corny ha.. gusto ko tuloy matawa.
"Good evening Kuya Bros!" bati ko sa security guard namin
"Magandang gabi Maam, di niyo po ipapasok yung kotse?" Tanung niya.
Umiling na lang ako at hinila si Thiara na ngayun ay nagtataka pa rin.
"Dito ka nakatira?? As in??" Bulong niya. Kaya napatango ako.
"Magandang gabi po." Bati ni ate Susan.
"Sina Tatay po?" Tanung ko..
"Nasa likod po.. pinapasabi pala na kapag dumating ka daw po dumiretso ho pala kayu doon." Sagot naman niya at nauna na siyang pumunta sa likod.
"dito.." aya ko sa kanila.
Pagdating namin sa may malapit sa kusina kong nasaan ang pintuan palabas , parang medyo madilim sa labas.
Saktong pag apak ng paa ko sa may labas ng pinto ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Caiden.
"HAPPY BIRTHDY ATE!!!!" sigaw ni Caiden at Caleb na ngayun ay nagpapasabog na ng confetti si Caiden naman may hawak na baloon.
"Happy bitthday to you..." panimula nila sa pagkanta sabay pagliwanag ng ilaw, at tadaaa!! May hawak si Tatay na cake at kumpleto silang lahat,pati kasambahay, sila Mama din at Papa.
Di pa pala nila nakalimutan.
Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan silang kumakanta at pumapalakpak.
Pagkatapos ay lumapit ako kay Papa at Mama tsaka yumakap.
"HAPPY BITTHDAY ANAK.." maluha luhang bulong ni Mama.
"Salamat Ma, pa.." bulong ko rin sa kanila.
"Happy Bitthday Iha," Bati ni tita ,yumakap din ako sakanya at nagpasalamat.
"Oh make a wish.." turan ni papa sabay lahad ng cake.
Pumikit ako at tahimik na nagdasal, at nagwish bago ko hinipan ang cake.
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
RandomVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...