Madaling araw palang kase kaya mabilis kaming nakarating sa bahay..
nagpumilit siyang dun muna siya sa bahay para daw may makasama ako baka kung anu pa daw ang mangyari sakin pero tumanggi ako. sobra na siyang naabala. at alam ko hindi siya nakatulog ng maayos kagabi,
"dont forget to lock the door,," bilin pa niya bago umalis.
pagkaalis nya ay agad akong pumasok sa kwarto ko at humilata..
pero bago ko maipikit ang mata ko naalala ko na naman yung panliligaw daw ni Migo.. hindi ko pa pala nakakausap si Ivo.. kailangan kong sabihin sa kanya kase natatakot akong masira ang pagkaibigan namin dahil lang dun.. tandang tanda ko pa noon..
flashback:
"Naya.. kapag may nanligaw sayo.. ipakilala mo muna sakin.." biglang seryoso niyang sabi noon habang nakahiga kami sa may yree house,
"bakit naman?" tanung ko.
'"for me to know if talagang sincere siya sayo o anu.. basta ipapakilala mo siya sakin.." sagot niya
"okay" sagot ko na lang para di na humaba g diskusyon..umiral na naman kase ang pagiging protective niya.
"anu bang gusto mo sa isang lalaki at sa isang relationship??" maya maya ay tanung niya.
napaisip naman ako bigla sa tanung niya. anu nga ba ang gusto ko sa isang lalaki?? at anu ba talaga ang pananaw ko sa salitang pag ibig? anu ng ba ang alam ko sa isang relasyon? May alam nga ba ako?? Sa pagkakaalam ko kase isa akong ignorante sa mundo ng pag ibig,
"alam mo nung bata ako ipinangako ko sa sarili ko na unang lalaking mamahilin ko ang siya ring papakasalan ko?" sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam kong anu nga ba talaga dapat ang batayan sa isang relationship.. pagmamahal ba? tiwala? o respeto? ..
nakatingin lang siya habang nagsasalita ako..
"hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung anu ba dapat ang gustuhin ko sa isang lalaki.. anu ba dapat? kase kahit hindi ko alam ang kwento ng karamihan sa mga disney princess ay naniniwala padin ako sa fairytale, happy ending and knight in shining armors.. is it weird?? " turan ko , tandang tanda ko pa noon kung paanu ako matuwa sa mga kwento ng fairytales noong bata ako.
"nope.. lahat naman ata ng batang babae lumaki sa kwento ng happy endings and fairytales.. " sagot niya.
sa totoo lang ngayon lang kami nag usap tungkol sa pag ibig.. sa tagal naming magkasama hindi kami nag ungkat ng subjects about love o sadyang iniiwasan lang namin pareho..
"alam mo bang habang lumalaki ako nagbabago ang pananaw ko sa pag ibig? nakikita ko lage sina mama at papa araw araw pero walang nagbabago sa pagmamahalan nila kahit maraming panahon na ng lumipas ganun pa din sila.. isang araw nasabi ko nalang s sarili ko.. si papa ang magiging standard ko pagdating s pag ibig.. kase kahit anung hirap ng buhay namin minamahal pa rin nya si mama..at hindi yun nagbabago kahit kumulobot pa yung mukha siguro ni mama.."
mahabang turan ko na may ngiti sa labi na parang nakikita ko ang itsura nina mama at papa na naglalambingan. Isa silang ehemplo ng isang wagas na pag ibig..tahimik lang siya na nakikinig sakin..
"dapat ko bang ibase kay papa ang standard ko pagdating sa lalake?? at dapat bang ibase ko ang pananaw ko sa relationship sa relasyon nila mama at papa??" tanung ko sakanya kase ako hindi ko din alam ang sagot, dapat nga bang ibase ko ang pananaw ko sa mga nakikita ko o kailangan ako mismo ang gagawa ng mga principles and standard ko when it comes to my own relationship.?
kaya siguro ako natatakot sa usapan ng mga ganito minsan kase alam kong wala akong alam sa pag ibig.. hindi ako nagbabasa ng pocketbook.. hindi mahilig sa mga teledrama.. kaya pakiramdam ko left behind ako pag tungkol na sa love ang usapan..
"Naya.. nasasyo yan..pero lahat ng tao they have their own unique ways to fall inlove.. hindi lahat parepareho ng standards and principles.. ikaw sa pagkakasabi mo your basing your standards sa papa mo.. what if nahulog ka sa isang tao na hindi naman niya nameet ang standards na gusto mo? iiwan mo siya kahit masasaktan ka kase hindi nya naposses ang standard na yun?? "
Seryosong sabi niya,
napaisip ako bigla sa sinabi niya..dapat nga bang magkaroon ng standard para sa taong mamahalin dapat ba may rason ka para mahalin mo ang isang tao?
"natatakot akong magmahal Ivo..pakiramdam ko masasaktan lang ako.." sabi ko, totoo naman kase pakiramdam ko masasaktan lang ako, iiyak, magwawala,magpapakamatay,ayaw ko non.
"napakanega mo naman.. loving is risking naya.. ang pagmamahal is like gambling.. alam mong pwede kang manalo o di kaya matalo pero sumusugal ka pa din.. walang kasiguraduhan pero tumayaya ka pa din.. ganyan ang pag ibig Naya,parang buhay lang,araw araw babangon ka gigising ka na hindi ka sigurado kung anu ang mangyayari sa boung araw," turan niya dahilan para mas lalo tuloy akong mapaisip, napakadami naman niyang alam.
"kung natatakot kang magmahal Naya.. wag mong pilitin.. kusang darating yan.. wag mong ipagpilitan.. kapag naramdaman mo na ang kabog ng dibdib mo sa di mo alam ang dahilan.. nagmamahal kana.. tsaka kapag masaya kang kasama siya, dun mo masasabing nagmamahal ka.." turan pa niya.. lumingon ako sa kanya at sobrang seryoso ng mukha niya habang binibitawan ang mga katagang yun..
"pero lagi mong tatandaan.. respeto at honesty ang nagpapatibay sa relasyon . kahit anung klaseng relationship pa yan.." sabi nya at liningon ako.
bakit alam na alam niya.. ? may mahal na ba siya? o nagmahal n ba siya??
"bat andami mong alam? nainlove ka na ba??" tanong ko sa kanya. Para kaseng may pinaghuhugutan,
bumangon siya tsaka ngumiti pero yung ngiting hindi umabot sa mata niya parang may kalungkutang tumatakip sa ngiti niya.
"pasok na tayo.. malamig na" turan niya at nauna na siyang bumaba,
pero bago siya nagpaalam pauwi ay may sinabi pa siya sakin..
"Naya.. tandaan mo puso ang nagmamahal hindi ang isip at mas lalong hindi ang mata.. wag kang matakot.. masarap magmahal naya .. masaya.. kahit alam mong masasaktan ka.. love is worth risking for naya.. believe me..." nakangiting sambit niya, tsaka siya tuluyang umalis,
***
"Anu pong nangyayari?" Malakas na sigaw ko habang nasa isang malaking bahay kami nina mama ,papa at yung pinagkakautangan nila.
"Anak wag kang makinig sa kanya!"sigaw naman ni papa
"Wahahahaha!!" Malakas na tawa ng lalaki,
"Anak umalis ka na!" Sigaw ni mama,
"Hindi ka makakalayo! Malalaman at malalamn mo din! Wahahahaha!" Sigaw naman nung lalaki,
Bigla nalang akong napabalikwas ng bangon,umaga na pala, at punong puno ako ng pawis sa ulo at mukha,
Panaginip lang pala yun, nakakapanindig balahibo ang panaginip ko, nakakatakot at mas lalaong hindi ko maintindihan kung anung ibig sabihin non.
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
RandomVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...