58

6 1 0
                                    

Hapon na ng magising ako kaya naman agad kumalam ang sikmura ko.

"Anak,kumain ka na." Agad na sabi ni Mama ng makapasok ako sa bahay.

"Si Thiara po?" Tanung ko.

"Sumama kina Karen sa Bayan, magliliwaliw daw." Sagot ni Mama kaya dumiretso na ako sa loob.

Natakam ako bigla ng makita ang pagkain.

Bagnet.. longganisa.. pinakbet.. kaya naman mabilis akong naghugas ng kamay at dumulog sa Mesa.

"Hindi ka gutom no?" Asar sakin ni Bryan ng mapasukan ako sa kusina.

"Tumahimik ka, di ko ibibigay yung pasalubong ko." Banta ko kaya tinikom agad ang bibig.

Anak sina Bryan ng kapatid ni Mama, si Aunty Mildred. Kapatid niya si Karen,kuya Kaloy at si Angel, ang bunso.

Si Karen kasalukuyang 2nd year College, si Kuya may Asawa na,may isang baby,.mga nasa 5 mos. Si Bryan,gragraduate palang sa High school, and si Angel di ko alam pero Elementary palang.

Pagkatapos kong kumain ay sinundan ako ng sinundan si Bryan.

"Mamaya na, maliligo lang ako," turan ko kaya sumimangot tsaka umalis.

Napangiti na lang ako at napailing.

Tsaka pumasok sa CR, Malaki ang bahay , yung luma na pero ang tibay pa rin. Spanish era pa yung design kaya naman ang sarap tumira dito kahit luma pa.

Ang hagdan at mga upuan,mesa,pintuan pati sahig gawa sa kahoy. Kaya naman ang sarap mag apak lang.

Dalawang palapag, may tatlong kwarto sa Baba at may apat sa taas, may CR sa kusina, may CR sa gitna ng mga kuwarto sa Baba tapos isa sa Taas. Kaya naman walang personal na Cr bawat kwarto.

Probinsyang probinsya.

Saktong makapagbihis at makapag ayos ako ng marinig ang ingay sa baba kaya mabilis akong lumabas.

"Tanya!! " malakas na sigaw ni Therese,pero Te-tet ang tawag namin sakanya noon.

"Tet!!" Ganti ko rin at mabilis na yumakap sa kanya!

"Manela gerl ka lang di ka na nauwi," oa na turan naman ni Entong o Owen.

"Walang pera! Wag kayung anu ha!" Utas ko.

"Si Aning?! " tanung ko ng mapansing wala siya.

"Parating na, kasama si Lucas." Sagot ni Te-tet.

"Tara sa Kusina," aya ko sa kanila.

"Sa likod na lang." Suggest ni Entong kaya sa likod kami dumiretso.

Naupo ako sa duyan na gawa sa parang ugat, nakakabit yun sa ilalim na mangga malapit sa Papag.

"Kamusta kayu?" Tanung ko ng makaupo kami.

"Eto okay naman, ikaw?? Gumaganda kana lalo." Sabi ni Therese.

"Eto kagaya ng sinabi mo,gumaganda lalo. " Pagbibiro ko.

"Ikaw naman Mr. Nursing!? Kamusta ang mga chicks sa Ospital?" Baling ko kay Owen.

"Dami,daming chikababes, ang gaganda!" Oa na sagot niya kaya natawa ako.

Si Therese Education ang Course si Owen naman, Nursing si Aning din Nursing si Lucas,bilang Pinsan ni James, may kaya sa buhay may mga business din kaya Bus Management ang course. sila ang mga kababata namin ni James.

"Salamat Ma." Saad ko ng maglabas si Mama ng meryenda.

Nagkwentuhan muna kami ng nagkwentuhan hanggang dumating sina Aning o si Anniela.

Siente Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon