Isang linggo ang tinagal ng pagmumukmok ko, isang linggo akong nag isip. Pinilit intindihin lahat.
Unti unti naiintindihan ko at pinipilit kong tanggapin..hanggang ngayon walang ideya si Ivo,wala pa rin akong lakas ng loob magsabi, after all di ko pa naman tanggap ng boung puso kaya hayaan ko munang mabura lahat ng sama ng loob at sakit sa puso ko bago sabihin sakanya..
Magiliw sakin ang asawa ni Atty, at nakakapagtaka para sa isang asawa na maging mabait sa anak ng asawa niya sa pagkabinata pero sadyang may mga tao lang sigurong mababait talaga.
Sa bawat araw pilit nilang ipinaparamdam sakin na walang nagbago,na ako pa rin to..na pamilya ko pa rin Sina Mama, at nadagdagan lang.
Pinilit nilang ipaintindi na hindi nila babaguhin kong sino ako.. gusto lang nilang ibigay yung mga bagay na di naibigay sakin.. iparamdam yung pagmamahal ng isang tunay na ama.
Para sakin,walang kulang,sapat ang pagmamahal na natanggap ko galing kina Mama, pero gusto ko ring bigyan ng pagkakataon si Atty, sa tingin ko sapat na lahat ng naranasan at mga bagay na nagkaroon ako,pero bilang isang tao,bilang isang anak,naiintindihan ko ang nararamdaman ni Atty,naiintindihan kong Uhaw siya sa isang anak, na iintindihan kong gusto niyang makabawi..
Sa lahat ng tao na dapat sisihin sa nangyayari, walang iba kundi ang Nurse, at ang gahaman kong lolo. Hinuhuthutan pala nong lalaki sina Mama ,blinablckmail niya daw na.magsusumbong sa totoong magulang ko at papalabasin na sila ang nagnakaw sa pulis..
Pati na rin si atty,gusto niyang perahan,na humanantong sa kidnapan..
Baliw siya..desperado.. ayaw ko na siyang makita..mabulok na sana siya sa bilanghuan.. simula pagkabata ko nilaro laro na niya ng buhay ko,hanggang ngayon ba naman na matanda na ako??
Ilang linggo ang binilang ko ulit,at sa huli nakaya ko na rin tanggapin,tinutulungan ako nila Mama mag adjust,tinutulungan nila akong tanggapin lahat.. todo sopurta din ai Atty pati na rin ng asawa niya kaya kahit naninibago ako, nakakayanin ko nang intindihin at tanggapin..
---
"Siya ang tatay ko.. i mean totoong tatay ko.."pagpapaliwanag ko kay Ivo, ng minsan pumunta siya sa bahay,at maabutan si Atty na paalis,nagtatakang napatanung tuloy siya,
lilipat na rin kami next week sa kanila,kasama sina papa at Mama, stay in na si Papa si Mama naman,gagawing tahaluto kahit tutol si Atty na gawin silang kasambahay, ayaw naman pumayag ni Mama na basta na lang tumira sa kanila na walang gawain man lang.
"How come?!" Nagtatakang tanung niya..
Umupo ako sa tabi niya at nagpaliwanag.
"Ganito yun.." turan ko at sinimulan magkwento.Mababakas ang pagkagulat sa mukha niya,nakakagulat naman kasi ang nangyari, napalitan din ng galit ng mabanggit ang kidnapper..
lahat sinabi ko,mula sa pagkakapulot sakin ni Papa..
"Thats... thats.. mind blowing." Turan niya pagkatapos ko magkwento at napahawak sa batok niya na parang naguguluhan pa rin.
"Lilipat na rin kami sa kanila.." turan ko kaya napatayo siya bigla.
"What?!" Di makapaniwalang turan niya
"Gusto kong bigyan siya ng chance maging ama sakin.." sagot ko kaya napakamot siya lalo.. alam kong di pa rin siya konportable kay atty at naiintindihan ko yun,sana lang maintindihan niya rin ako.
Sa huli natanggap din niya at wala na siyang choice kundi maging casual sa totoong tatay ko.
Tinulungan niya ako sa pag aayos ng mga gamit ko ng lilipat na kami nababakas ang pagkabalisa sa mukha niya habang kumakain kami ng tanghalian,kaya pagkatapos naming kumain ay tinanung ko na siya.
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
De TodoVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...